Cookie Policy
Ang browser cookie ay maliit na piraso ng data na naka-store sa iyong device para matulungan ang mga website at mobile app na matandaan ang mga bagay tungkol sa iyo. Ang ibang mga teknolohiya, kabilang ang mga web beacon, storage sa web, at mga identifier na nauugnay sa iyong device, ay maaaring magamit para sa mga katulad na layunin. Sa patakarang ito, sinasabi namin ang "cookies" para tumukoy sa lahat ng teknolohiyang ito.
Ipinapaliwanag ng aming Patakaran sa Pagiging Pribado kung paano kami nangongolekta at gumagamit ng impormasyon mula at tungkol sa iyo kapag ginagamit mo ang Snapchat at ilang iba pang serbisyo ng Snap Inc. Ipinapaliwanag ng patakarang ito ang higit pa tungkol sa kung paano namin ginagamit ang cookies at ang iyong mga kaugnay na pagpipilian.
Tulad ng karamihan sa mga nagbibigay ng mga online na serbisyo, gumagamit ang Snap Inc. ng cookies, kasama ang third-party na cookies, sa maraming kadahilanan, tulad ng pagprotekta sa iyong data at account sa Snapchat, pagtulong sa aming makita kung aling mga tampok ang pinakasikat, pagbibilang sa mga bisita sa pahina, pag-unawa sa pag-engage mo sa web content at mga email na sine-send namin, pagpapabuti sa karanasan ng mga gumagamit, pagpapanatiling ligtas sa aming mga serbisyo, pagbibigay ng nauugnay na advertising, at pagbibigay lang sa iyo sa pangkalahatan ng mas mahusay, mas madaling maunawaan, at kasiya-siyang karanasan. Nabibilang ang cookies na ginagamit namin sa pangkalahatan sa isa sa mga sumusunod na kategorya.
Maaari mong makita kung aling mga cookie ang ginagamit namin sa aming mga site, para sa (mga) layunin, at kung gaano katagal sa aming Page ng Impormasyon ng Cookie. Sa ilan sa aming mga site, ang mga cookie na itinakda namin at kung gaano katagal ay nakadepende sa iyong lokasyon sa oras na nakikipag-ugnayan ka sa aming mga site.
Kategorya ng cookies
Bakit namin ginagamit ang cookies na ito
Mahalaga
Kilala rin bilang "kinakailangang" mga cookie. Ginagamit namin ang cookie na ito para patakbuhin ang aming site at para tukuyin at pigilan ang mga panganib sa seguridad.
Halimbawa, maaari naming gamitin ang cookie na ito upang iimbak ang impormasyon ng iyong sesyon upang pigilan ang iba na baguhin ang iyong password nang wala ang iyong username at password o tandaan ang iyong mga kagustuhan sa cookie.
Sa ilan sa aming mga site, at sa ilang mga hurisdiksyon, maaari rin kaming gumamit ng ilang mga cookie ng sesyon upang maunawaan kung paano mo ginagamit ang aming site sa isang sesyon ng pagba-browse. Ang mga partikular na mga cookie ng sesyon na ito ay mabilis na nag-e-expire — pinakamatagal na ang 24 na oras — at anumang data na nauugnay sa mga ito ay nagiging anonymous sa oras na iyon. Dahil mahalaga ang mga ito, maaaring maging aktibo sila mula sa sandaling ma-access mo ang website. Gayunpaman, kung gusto mo, maaari mong huwag paganahin ang mga ito — tingnan ang seksyong "Iyong Mga Pagpipilian" sa ibaba.
Preferences
Ginagamit namin ang cookies na ito para tandaan ang iyong mga setting at preference, at para lalong pagandahin ang iyong karanasan sa aming site.
Halimbawa, pwede naming gamitin ang cookies na ito para tandaan ang iyong mga preference sa wika.
Performance at Analytics
Ginagamit namin ang cookies na ito para mangolekta ng impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming site, i-monitor ang performance ng site, at pagandahin ang performance ng aming site, aming mga service, at karanasan mo.
Halimbawa, pwede naming gamitin ang cookies na ito para matuto pa tungkol sa kung aling mga feature ang pinakasikat sa aming mga user at kung alin ang nangangailangan ng ilang mga tweak.
Marketing
Ginagamit namin ang mga cookie na ito para maghatid ng mga advertisement, para gawing mas may kaugnayan at kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga consumer, at para subaybayan ang efficiency ng aming mga advertising campaign, sa aming mga serbisyo at sa iba pang mga website o mobile app. Ang aming mga third-party advertising partner ay pwedeng gumamit ng cookies na ito para bumuo ng profile ng iyong mga interes at maghatid ng may kaugnayang advertising sa iba pang site.
Maaaring hayaan namin ang ibang mga kumpanyang gumamit ng cookies sa aming mga serbisyo. Maaaring mangolekta ang mga kumpanyang ito ng impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming mga serbisyo sa paglipas ng panahon at isinasama ito sa katulad na impormasyon mula sa iba pang mga serbisyo at kumpanya. Maaaring magamit ang impormasyong ito para, bukod sa iba pang mga bagay, pag-aralan at subaybayan ang data, tukuyin ang kasikatan ng ilang nilalaman, at mas maunawaan ang iyong online na aktibidad.
Bilang karagdagan, maaaring gumamit ang ilang kumpanya, kabilang ang aming mga affiliate, ng impormasyong nakolekta sa aming mga serbisyo para maiwasan ang pandaraya o iba pang hindi pinahintulutan o iligal na aktibidad at para masukat at ma-optimize ang pagganap ng mga ad at maghatid ng mas nauugnay na mga ad sa ngalan namin o iba pang mga kumpanya, kabilang ang mga third-party na website at app. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga ad na nakabatay sa interes at mga pagpipiliang available sa iyo, pumunta rito.
Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa mga third-party na serbisyong gumagamit ng cookies na ibinibigay namin. Ginagamit namin ang impormasyong ito para mapabuti ang aming mga serbisyo sa advertising, kabilang ang pagsusukat ng pagganap ng mga ad at pagpapakita sa iyo ng mas nauugnay na mga ad. Bisitahin ang aming pahina ng Mga Kagustuhan sa Advertising para matuto pa tungkol sa advertising ng Snapchat at kung paano mo makokontrol ang impormasyong ginamit para piliin ang mga ad na iyong nakikita.
Maaari mong maisaayos ang iyong mga setting ng cookie sa iyong browser o device bilang karagdagan sa mga setting na ginagawa naming available sa iyo sa aming mga site. Tingnan sa ibaba para sa higit pang impormasyon sa bawat isa sa mga opsyon na maaaring available sa iyo.
Maaaring magbigay sa iyo ang browser mo ng opsyong tumanggi sa ilan o lahat ng mga hindi mahahalagang cookie ng browser. Maaari mo ring matanggal ang cookies mula sa iyong browser. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pamahalaan ang cookies ng browser, pakisunod ang mga tagubiling ibinigay ng iyong browser.
Maaaring payagan ka ng operating system ng iyong device na mag-opt out mula sa paggamit ng ilang partikular na identifier ng device para sa advertising na batay sa interes. Sumangguni ka sa mga tagubiling ibinigay ng manufacturer ng iyong mobile device; karaniwang magagamit ang impormasyong ito sa ilalim ng “mga setting” na function ng iyong mobile device.
At siyempre, kung nag-aalok ang iyong mobile device ng proseso ng pag-uninstall, pwede mo kaming patigilin sa pagkolekta ng impormasyon gamit ang app sa pamamagitan ng pag-uninstall sa app ng Snapchat.
Maaari mo ring i-customize kung aling mga cookie ang maaaring itakda sa pamamagitan ng pagsasaayos ng iyong mga setting sa aming mga site. Tingnan ang menu ng cookie sa aming mga site na magbibigay-daan sa iyong gawin ito:
Settings ng Cookie ng Snap.com
Settings ng Cookie ng Snapchat.com
Settings ng Cookie ng Spectacles.com
Settings ng Cookie ng Yellowla.com
Settings ng Cookie ng Snapfoundation.org