Sa Snap, nag-aambag kami sa pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga taong ipahayag ang kanilang mga sarili, mabuhay sa kasalukuyan, alamin ang tungkol sa mundo, at magsaya nang magkakasama. Pinahahalagahan namin ang tungkol sa kabutihan ng aming komunidad at, kapag gumagawa ng mga produkto, isinasaalang-alang namin ang privacy at kaligtasan ng Mga Snapchatter sa front-end ng proseso ng disenyo.

Mayroon kaming malinaw at masusing mga alituntunin na sumusuporta sa aming misyon sa pamamagitan ng pag-aalaga sa pinakamalawak na hanay ng pagpapahayag ng sarili habang hinihikayat ang Mga Snapchatter na gamitin ang aming mga serbisyo nang ligtas araw-araw. Ang aming Community Guidelines ay nagbabawal ng pagkalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng pinsala, mapoot na pananalita, pambu-bully, panliligalig, mga iligal na aktibidad, tahasang sekswal na content, matinding karahasan, at marami pang iba.

Nag-aalok ang aming Transparency Report ng mahalagang insight sa paglabag sa content na ipinapatupad namin, mga kahilingan ng pamahalaan para sa impormasyon ng account ng Mga Snapchatter, at iba pang ligal na notipikasyon.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming diskarte sa at mga mapagkukunan para sa kaligtasan at privacy, pakitingnan ang aming tab ng Tungkol sa Pag-uulat ng Katapatan sa ibaba ng pahina.

Mga Paglabag sa Account / Content

Mahigit sa apat na bilyong Snap ang ginawa bawat araw gamit ang aming camera. Mula Enero 1, 2020 - Hunyo 30, 2020, nagpatupad kami laban sa 3,872,218 piraso ng content, sa buong mundo, para sa mga paglabag sa aming Community Guidelines—na katumbas ng mas mababa sa 0.012% ng lahat ng pagpo-post ng Story. Ang aming mga team sa pangkalahatan ay mabilis na kumikilos sa mga naturang paglabag, maging para alisin ang mga snap, tanggalin ang mga account, iulat ang impormasyon sa National Center for Missing & Exploited Children (NCMEC), o itaas sa nagpapatupad ng batas. Sa karamihan ng mga kaso, nagpapatupad kami laban sa content sa loob ng 2 oras ng pagtanggap ng in-app na ulat.

Mga Ulat sa Kabuuang Content*

Ipinatupad na Kabuuang Content

Ipinatupad na Kabuuang Natatanging Account

13,204,971

3,872,218

1,692,859

H1'20: Ipinatupad ang Content

*Sinasalamin ng Mga Ulat sa Content ang mga hinihinalang paglabag sa pamamagitan ng aming in-app at katanungan sa suporta.

**Sinasalamin ng Turnaround Time ang median time sa oras ng pag-aksyon sa ulat sa user.

Mga Pinalawak na Paglabag

Paglaban sa Pagkalat ng Maling Impormasyon

Palagi kaming naniniwala na pagdating sa nakapipinsalang content, hindi sapat na isipin ang tungkol sa mga polisiya at pagpapatupad lamang — kailangang isipin ng mga platform ang tungkol sa kanilang pangunahing arkitektura at disenyo ng produkto. Mula sa umpisa, itinayo ang Snapchat nang naiiba sa mga tradisyonal na social media platform, para suportahan ang primaryang gamit na kaso sa pakikipag-usap sa malalapit na kaibigan — kaysa sa bukas na newsfeed kung saan ang sinuman ay may karapatang ipamahagi ang kahit na ano sa kahit na sino nang walang pagdadahan-dahan.

Habang ipinapaliwanag namin ang aming introduksyon, malinaw na ipinagbabawal ng aming mga patnubay ang pagkalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng pinsala, kabilang ang maling impormasyon na naglalayong papanghinain ang mga prosesong pangmamamayan, gaya ng pagpigil sa botante, mga hindi napatunayang medikal na pahayag, at mga teorya sa pagsasabwatan gaya ng pagtanggi sa mga nakapanlulumong pangyayari. Pare-parehong inilalapat ang aming mga patnubay sa lahat ng Snapchatter — wala kaming mga espesyal na pagbubukod sa mga pulitiko o public figure.

Sa buong app, nililimitahan ng Snapchat ang pagva-viral, na nag-aalis ng mga insentibo sa nakapipinsala at kahindik-hindik na content, at nililimitahan ang mga pag-aalalang nauugnay sa pagkalat ng masamang content. Wala kaming bukas na newsfeed, at hindi kami nagbibigay ng pagkakataon na 'maging viral' ang hindi ninanais na content. Ang aming platform, ang Discover, ay nagfi-feature lamang ng content na ninanais ng mga media publisher at content creator.

Noong Nobyembre 2020, naglunsad kami ng aming bagong entertainment platform, ang Spotlight, at maagap na pag-alalay sa content para siguruhing sumusunod ito sa aming mga patnubay bago nito maabot ang malawak na audience.

Matagal na naming tinahak ang kakaibang atake pati na rin sa pampulitikang advertising. Gaya ng lahat ng content sa Snapchat, ipinagbabawal namin ang maling impormasyon at mapanlinlang na mga gawi sa aming pag-aadvertise. Lahat ng mga pampulitikang ad, kabilang ang ad na may kaugnayan sa eleksyon, ad sa pagtataguyod sa isyu, at ad tungkol sa isyu, ay dapat mayroong malinaw na "binayarang" mensahe na nagsisiwalat ng organisasyong nag-isponsor. Gumagamit kami ng pagsusuri ng tao para suriin ang katumpakan ng lahat ng pampulitikang ad, at ibinibigay ang impormasyon tungkol sa lahat ng ad na pumapasa sa aming pagsusuri sa aming aklatan ng Pampulitikang Ads

Hindi perpekto ang atakeng ito, ngunit tinulungan kami nitong protektahan ang Snapchat mula sa dramatikong pagtaas ng maling impormasyon sa mga nagdaang taon, isang takbong naging talagang nauukol sa panahon kung saan ang maling impormasyon tungkol sa COVID-19 at sa eleksyon sa pagka-presidente sa U.S. noong 2020 ay nilamon ang maraming platform.

Sa panahong ito sa buong mundo, nagpatupad ang Snapchat laban sa 5,841 na piraso ng content at mga account sa paglabag sa aming mga patnubay sa maling impormasyon. Sa mga hinaharap na ulat, nagpaplano kaming magbigay ng mas detalyadong pag-iisa-isa ng mga paglabag sa maling impormasyon.

Dahil sa tumataas na pagkabahala tungkol sa mga pagsisikap na pahinain ang akses sa pagboto at mga resulta ng eleksyon noong tag-araw ng 2020 sa U.S., bumuo kami ng panloob na Task Force na nakatuon sa pagtatasa ng anumang potensyal na panganib o vector sa maling paggamit ng aming platform, pagmonitor sa lahat ng mga pag-unlad, at nagtrabaho para masiguro na ang Snapchat ay pinagmumulan ng mga totoong balita at impormasyon. Kabilang ang mga pagsisikap na ito:

  • Pag-a-update sa aming mga patnubay sa komunidad para idagdag ang pagmamanipula ng media sa mga mapanlinlang na layunin, gaya ng mga deepfake, sa aming mga kategorya ng ipinagbabawal na content;

  • Nakikipagtulungan sa aming mga katuwang sa editoryal sa Discover para siguruhing ang mga publisher ay hindi sinasadyang palakihin ang anumang maling impormasyon sa pamamagitan ng paghahayag ng balita;

  • Pagtatanong sa mga Snap Star, na ang mga content ay lumilitaw rin sa aming Discover content platform para siguruhing sumunod sila sa aming Mga Patnubay sa Komunidad at hindi intensyong magpakalat ng maling impormasyon;

  • Pagkakaroon ng malinaw na kinalalabasan ng pagpapatupad para sa anumang content na lumalabag — sa halip na tatatakan ang content, tatanggalin na lamang namin ito, para kagyat na mabawasan ang panganib na mas malawak itong maibahagi; at

  • Maagap na pagtatasa sa mga entity at ibang pinagkukunan ng maling impormasyon na maaaring magamit sa pamamahagi ng nabanggit na impormasyon sa Snapchat para masuri ang panganib at gumawa ng mga hakbang sa pagpigil.

Sa buong pandemya ng COVID-19, gumawa kami ng katulad na paglapit sa pagbibigay ng makatotohanang balita at impormasyon, kabilang na ang pamamahayag na ibinigay ng aming mga katuwang sa editoryal sa Discover, sa mga PSA at Q&A sa mga opisyal sa kalusugan ng publiko at mga ekspertong medikal, at sa mga malikhaing tool, gaya ng Augmented Reality Lenses at filters, na nagpapaalala sa mga Snapchatter tungkol sa patnubay ng eksperto sa kalusugan ng publiko.

Chart Key

Dahilan

Mga Ulat sa Content*

Ipinatupad na Content

Mga Kakaibang Account na Naipatupad

Oras ng Pag-ikot**

1

Panliligalig at Pambu-bully

857,493

175,815

145,445

0.4

2

Hate Speech

229,375

31,041

26,857

0.6

3

Panggagaya

1,459,467

22,435

21,510

0.1

4

Mga Kontroladong Produkto

520,426

234,527

137,721

0.3

5

Tahasang Sekswal na Content

8,522,585

3,119,948

1,160,881

0.2

6

Spam

552,733

104,523

59,131

0.2

7

Pagbabanta / Karahasan / Pananakit

1,062,892

183,929

141,314

0.5

*Sinasalamin ng Mga Ulat sa Content ang mga hinihinalang paglabag sa pamamagitan ng aming in-app at katanungan sa suporta.

**Sinasalamin ng Turnaround Time ang median time sa oras ng pag-aksyon sa ulat sa user.

Mga Pinalawak na Paglabag

Pagsasamantalang Sekswal at Pang-aabuso sa Bata

Ang pagsasamantala sa sinumang miyembro ng aming komunidad—partikular ang mga kabataan—ay lubos na hindi katanggap-tanggap, at ipinagbabawal sa Snapchat. Prayoridad namin ang iwasan, tuklasin at alisin ang pang-aabuso sa aming platform, at patuloy naming pinagbubuti ang mga kakayahan namin na labanan ang ganitong uri ng iligal na aktibidad.

Mabilis na nasusuri ang mga ulat ng child sexual abuse materials (CSAM) ng aming team ng Tiwala at Kaligtasan, at nagreresulta ang katibayan ng aktibidad na ito sa pagwawakas ng account at pag-uulat sa National Center for Missing & Exploited Children (NCMEC). Nagbibigay kami ng suporta sa buong maghapon at magdamag sa mga internasyonal na ahensyang nagpapatupad ng batas na nakikipag-ugnay sa amin para sa tulong sa mga kasong kinasasangkutan ng nawawala o nanganganib na mga kabataan.

Gumagamit kami ng teknolohiya ng PhotoDNA para maagap na kilalanin at iulat ang pag-a-upload ng kilalang imahe ng pagsasamantalang sekswal at pang-aabuso sa bata, at inuulat namin ang anumang mga pagkakataon sa mga awtoridad. Sa kabuuang mga account na ipinatupad laban sa mga paglabag sa Community Guidelines, inalis namin ang 2.99% para sa pagtanggal ng CSAM.

Bukod dito, maagap na tinanggal ng Snap ang 70% ng mga ito.

Kabuuan ng mga Pagtanggal sa Account

47,136

Terorismo

Ipinagbabawal ang mga organisasyon ng terorista at mga pangkat ng poot mula sa Snapchat at wala kaming pagpaparaya para sa content na nagtataguyod o nagsusulong ng marahas na pagkamalabis o terorismo.

Kabuuan ng mga Pagtanggal sa Account

<10

Pangkalahatang-ideya ng Bansa

Nagbibigay ang seksyong ito ng pangkalahatang-ideya ng pagpapatupad ng aming mga patakaran sa mga indibidwal na bansa. Mailalapat ang aming Community Guidelines sa lahat ng content sa Snapchat—at lahat ng Snapchatter—sa buong mundo, saanman ang lokasyon.

Maaaring ma-download ang impormasyon para sa lahat ng ibang bansa sa kalakip na CSV file.

Region

Mga Ulat sa Content*

Ipinatupad na Content

Mga Kakaibang Account na Naipatupad

North America

5,769,636

1,804,770

785,315

Europe

3,419,235

960,761

386,728

Buong Mundo

4,016,100

1,106,687

413,272

Kabuuan

13,204,971

3,872,218

1,578,985