Araw-araw, ginagamit ng mga Snapchatter sa buong mundo ang aming app para makipag-usap sa kanilang malalapit na kaibigan at ipahayag ang kanilang mga sarili sa malikhaing paraan. Ang aming layunin ay magdisenyo ng mga produkto at gumawa ng teknolohiya na nangangalaga at sumusuporta sa mga tunay na pagkakaibigan sa malusog, ligtas, at masayang kapaligiran. Patuloy kaming nagtatrabaho para pagbutihin ang mga paraan namin para gawin iyon — mula sa aming mga polisiya at Mga Patnubay sa Komunidad, sa aming mga tool para makaiwas, matukoy at makapagpatupad laban sa nakapipinsalang content, sa mga inisyatibang makakatulong na turuan at bigyang kapangyarihan ang aming komunidad.
Nakatuon kami sa pagbibigay ng higit na katapatan tungkol sa paglaganap ng content na lumalabag sa aming mga patnubay, kung paano namin ipinatutupad ang aming mga polisiya, paano kami tumutugon sa mga kahilingan ng tagapagpatupad ng batas at gobyerno para sa impormasyon, at kung saan kami naglalayong magbigay ng higit pang kaalaman sa hinaharap. Naglilimbag kami ng mga ulat sa katapatan dalawang beses sa isang taon para magbigay ng kaalaman sa mga pagsisikap na ito, at nakatuon kami na gawing mas kumprehensibo at nakatutulong sa maraming stakeholder na lubos na nagpapahalaga sa kaligtasan at katapatan sa online.
Sinasaklaw ng ulat na ito ang ikalawang hati ng 2020 (Hulyo 1 - Disyembre 31). Tulad sa aming mga nakaraang ulat, nagbabahagi ito ng data tungkol sa kabuuang paglabag sa amin sa buong mundo sa panahong ito; ang bilang ng mga ulat sa content na natatanggap at ipinatutupad namin labas sa iba't ibang partikular na kategorya ng mga paglabag; kung paano namin sinuportahan at tinupad ang mga kahilingan mula sa mga tagapagpatupad ng batas at gobyerno; at ang aming mga pagpapatupad na inisa-isa sa bawat bansa.
Bilang bahagi ng aming nagpapatuloy na pagsisikap para pagbutihin pareho ang aming mga pagpapatupad ng kaligtasan at ulat sa katapatan, kabilang din sa ulat na ito ang maraming bagong elemento:
Ang Violative View Rate (VVR) ng content, na siyang nag-aalok ng mas mahusay na pag-unawa sa proporsyon ng lahat ng Snap (o mga view) kung saan nakapaloob ang content na lumabag sa aming mga polisiya;
Kabuuang pagpapatupad ng content at account sa maling impormasyon sa buong mundo — na lalong nauukol na paksa sa panahong ito, habang patuloy na nakikipaglaban ang mundo sa pandaigdigang pandemya at mga pagsisikap na pahinain ang mga pamantayang pangmamamayan at demokratiko; at
Mga kahilingan na suportahan ang mga imbestigasyon sa mga potensyal na paglabag sa trademark.
Nagtatrabaho kami sa ilang mga pagpapabuti na magpapahusay sa aming kakayahan na magbigay ng mas detalyadong data sa mga ulat sa hinaharap. Kabilang doon ang pagpapalawak sa mga subkategorya ng paglabag sa data. Halimbawa, kasalukuyan naming iniuulat ang mga paglabag sa mga kinokontrol na kalakal, gaya ng mga iligal na droga at armas. Mula rito, pinaplano naming ibilang ang bawat isa sa sarili nitong subkategorya.
Habang sumusulpot ang mga bagong banta at kaugalian sa online, patuloy naming pagbubutihin ang aming mga tool at taktika para labanan ang mga ito. Patuloy naming tinatasa ang mga panganib at kung paano namin maisusulong ang aming mga kakayahan sa teknolohiya para mas mahusay na protektahan ang aming komunidad. Regular kaming humihingi ng gabay sa mga eksperto sa seguridad at kaligtasan tungkol sa mga paraan para manatili kaming una ng isang hakbang kaysa sa mga masasama ang kilos — at nagpapasalamat sa aming humahabang listahan ng mga kasosyo na nagbibigay ng napakahalagang feedback at itinutulak kaming maging mas mahusay.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa aming paglapit at mga rekurso sa kaligtasan at pagkapribado, paki tingnan ang aming Pag-uulat Tungkol sa Katapatan na tab sa ibaba ng pahina.
Ang aming Mga Patnubay sa Komunidad ay ipinagbabawal ang nakapipinsalang content, kabilang ang maling impormasyon; mga teorya sa pagsasabwatan na maaaring magdulot ng pinsala; mga mapanlinlang na gawi; mga iligal na aktibidad, kabilang na ang pamimili o pagbebenta ng iligal na droga, pekeng kalakal, kontrabando o iligal na armas; pananalita ng pagkamuhi, mga grupong nasusuklam at terorismo; panliligalig at pambu-bully; mga pananakot, karahasan at kapinsalaan, kabilang na ang pagpuri sa pananakit sa sarili; tahasang sekswal na content; at sekswal na pagsasamantala sa bata.
Araw-araw, mahigit sa limang bilyong Snap ang nililikha gamit ang aming Snapchat camera. Mula Hulyo 1 - Disyembre 31, 2020, nagpatupad kami laban sa 5,543,281 piraso ng content sa buong mundo na lumabag sa aming mga patnubay.
Maaaring kabilang sa mga aksyon sa pagpapatupad ang pagtatanggal ng nakakagalit na content; pagwawakas o paglilimita sa kakayahang makita ng pinag-uusapang account; at paghaharap ng content sa tagapagpatupad ng batas. Kung wakasan ang account dahil sa paglabag sa aming Mga Patnubay, hindi pahihintulutan ang account holder na muling gumawa ng bagong account o gamitin ang Snapchat.
Sa panahon ng pag-uulat, nakakita tayo ng Violative View Rate (VVR) na 0.08 porsyento, na nangangahulugang sa bawat 10,000 view ng content sa Snap, walo ang naglaman ng content na lumabag sa aming mga patnubay.
Nag-aalok kami ng mga in-app na tool sa pag-uulat na nagbibigay daan sa mga Snapchatter na mabilis at madaling i-ulat ang content sa aming mga team sa Tiwala at Kaligtasan, na nag-iimbestiga sa ulat, at nagsasagawa ng naaangkop na aksyon. Nagtatrabaho ang aming mga team na gumawa ng mga aksyon sa pagpapatupad sa lalong madaling panahon at, sa malawak na mayorya ng mga kaso, gumawa ng aksyon sa loob ng dalawang oras ng pagtanggap ng in-app na ulat.
Dagdag pa sa in-app na pag-uulat, nag-aalok din kami ng mga opsyon sa online na pag-uulat sa pamamagitan ng aming support site. Higit pa roon, ang aming mga team ay patuloy na pinagbubuti ang mga kakayahan sa maagap na pagtukoy sa mga lumalabag at iligal na content, gaya ng materyal sa sekswal na pang-aabuso sa bata, content na nagsasangkot ng iligal na droga o armas, o mga banta ng karahasan. Ibinabalangkas namin ang mga partikular na detalye ng aming trabaho na labanan ang sekswal na pagsasamantala at pang-aabuso sa bata sa ulat na ito.
Gaya ng inilalatag ng mga tsart sa ibaba, sa ikalawang hati ng 2020, natanggap namin ang pinakamaraming in-app na pag-uulat at kahilingan para sa suporta tungkol sa content na naglalaman ng panggagaya o tahasang sekswal na content. Nagawa naming makabuluhang pagbutihin ang aming oras sa pagtugon sa mga ulat ng paglabag, partikular sa mga ipinagbabawal na kalakal, kabilang ang mga iligal na droga, pekeng produkto, at armas; tahasang sekswal na content; at panliligalig at pambu-bully.
Mga Ulat sa Kabuuang Content*
Ipinatupad na Kabuuang Content
Ipinatupad na Kabuuang Natatanging Account
10,131,891
5,543,281
2,100,124
Dahilan
Mga Ulat sa Content*
Ipinatupad na Content
% of Total Content Enforced
Mga Kakaibang Account na Naipatupad
Oras ng Pag-ikot**
Tahasang Sekswal na Content
5,839,778
4,306,589
77.7%
1,316,484
0.01
Mga Kontroladong Produkto
523,390
427,272
7.7%
209,230
0.01
Pagbabanta / Karahasan / Pananakit
882,737
337,710
6.1%
232,705
0.49
Panliligalig at Pambu-bully
723,784
238,997
4.3%
182,414
0.75
Spam
387,604
132,134
2.4%
75,421
0.21
Hate Speech
222,263
77,587
1.4%
61,912
0.66
Panggagaya
1,552,335
22,992
0.4%
21,958
0.33
*Sinasalamin ng Mga Ulat sa Content ang mga hinihinalang paglabag sa pamamagitan ng aming in-app at katanungan sa suporta.
**Sinasalamin ng Turnaround Time ang median time sa oras ng pag-aksyon sa ulat sa user.
Palagi kaming naniniwala na pagdating sa nakapipinsalang content, hindi sapat na isipin ang tungkol sa mga polisiya at pagpapatupad lamang — kailangang isipin ng mga platform ang tungkol sa kanilang pangunahing arkitektura at disenyo ng produkto. Mula sa umpisa, itinayo ang Snapchat nang naiiba sa mga tradisyonal na social media platform, para suportahan ang primaryang gamit na kaso sa pakikipag-usap sa malalapit na kaibigan — kaysa sa bukas na newsfeed kung saan ang sinuman ay may karapatang ipamahagi ang kahit na ano sa kahit na sino nang walang pagdadahan-dahan.
Habang ipinapaliwanag namin ang aming introduksyon, malinaw na ipinagbabawal ng aming mga patnubay ang pagkalat ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng pinsala, kabilang ang maling impormasyon na naglalayong papanghinain ang mga prosesong pangmamamayan, gaya ng pagpigil sa botante, mga hindi napatunayang medikal na pahayag, at mga teorya sa pagsasabwatan gaya ng pagtanggi sa mga nakapanlulumong pangyayari. Pare-parehong inilalapat ang aming mga patnubay sa lahat ng Snapchatter — wala kaming mga espesyal na pagbubukod sa mga pulitiko o public figure.
Sa buong app, nililimitahan ng Snapchat ang pagva-viral, na nag-aalis ng mga insentibo sa nakapipinsala at kahindik-hindik na content, at nililimitahan ang mga pag-aalalang nauugnay sa pagkalat ng masamang content. Wala kaming bukas na newsfeed, at hindi kami nagbibigay ng pagkakataon na 'maging viral' ang hindi ninanais na content. Ang aming platform, ang Discover, ay nagfi-feature lamang ng content na ninanais ng mga media publisher at content creator.
Noong Nobyembre 2020, naglunsad kami ng aming bagong entertainment platform, ang Spotlight, at maagap na pag-alalay sa content para siguruhing sumusunod ito sa aming mga patnubay bago nito maabot ang malawak na audience.
Matagal na naming tinahak ang kakaibang atake pati na rin sa pampulitikang advertising. Gaya ng lahat ng content sa Snapchat, ipinagbabawal namin ang maling impormasyon at mapanlinlang na mga gawi sa aming pag-aadvertise. Lahat ng mga pampulitikang ad, kabilang ang ad na may kaugnayan sa eleksyon, ad sa pagtataguyod sa isyu, at ad tungkol sa isyu, ay dapat mayroong malinaw na "binayarang" mensahe na nagsisiwalat ng organisasyong nag-isponsor. Gumagamit kami ng pagsusuri ng tao para suriin ang katumpakan ng lahat ng pampulitikang ad, at ibinibigay ang impormasyon tungkol sa lahat ng ad na pumapasa sa aming pagsusuri sa aming aklatan ng Pampulitikang Ads.
Hindi perpekto ang atakeng ito, ngunit tinulungan kami nitong protektahan ang Snapchat mula sa dramatikong pagtaas ng maling impormasyon sa mga nagdaang taon, isang takbong naging talagang nauukol sa panahon kung saan ang maling impormasyon tungkol sa COVID-19 at sa eleksyon sa pagka-presidente sa U.S. noong 2020 ay nilamon ang maraming platform.
Sa panahong ito sa buong mundo, nagpatupad ang Snapchat laban sa 5,841 na piraso ng content at mga account sa paglabag sa aming mga patnubay sa maling impormasyon. Sa mga hinaharap na ulat, nagpaplano kaming magbigay ng mas detalyadong pag-iisa-isa ng mga paglabag sa maling impormasyon.
Dahil sa tumataas na pagkabahala tungkol sa mga pagsisikap na pahinain ang akses sa pagboto at mga resulta ng eleksyon noong tag-araw ng 2020 sa U.S., bumuo kami ng panloob na Task Force na nakatuon sa pagtatasa ng anumang potensyal na panganib o vector sa maling paggamit ng aming platform, pagmonitor sa lahat ng mga pag-unlad, at nagtrabaho para masiguro na ang Snapchat ay pinagmumulan ng mga totoong balita at impormasyon. Kabilang ang mga pagsisikap na ito:
Pag-a-update sa aming mga patnubay sa komunidad para idagdag ang pagmamanipula ng media sa mga mapanlinlang na layunin, gaya ng mga deepfake, sa aming mga kategorya ng ipinagbabawal na content;
Nakikipagtulungan sa aming mga katuwang sa editoryal sa Discover para siguruhing ang mga publisher ay hindi sinasadyang palakihin ang anumang maling impormasyon sa pamamagitan ng paghahayag ng balita;
Pagtatanong sa mga Snap Star, na ang mga content ay lumilitaw rin sa aming Discover content platform para siguruhing sumunod sila sa aming Mga Patnubay sa Komunidad at hindi intensyong magpakalat ng maling impormasyon;
Pagkakaroon ng malinaw na kinalalabasan ng pagpapatupad para sa anumang content na lumalabag — sa halip na tatatakan ang content, tatanggalin na lamang namin ito, para kagyat na mabawasan ang panganib na mas malawak itong maibahagi; at
Maagap na pagtatasa sa mga entity at ibang pinagkukunan ng maling impormasyon na maaaring magamit sa pamamahagi ng nabanggit na impormasyon sa Snapchat para masuri ang panganib at gumawa ng mga hakbang sa pagpigil.
Sa buong pandemya ng COVID-19, gumawa kami ng katulad na paglapit sa pagbibigay ng makatotohanang balita at impormasyon, kabilang na ang pamamahayag na ibinigay ng aming mga katuwang sa editoryal sa Discover, sa mga PSA at Q&A sa mga opisyal sa kalusugan ng publiko at mga ekspertong medikal, at sa mga malikhaing tool, gaya ng Augmented Reality Lenses at filters, na nagpapaalala sa mga Snapchatter tungkol sa patnubay ng eksperto sa kalusugan ng publiko.
Kabuuang Pagpapatupad sa Content at Account
5,841
Ang pagsasamantala sa sinumang miyembro ng aming komunidad, lalo na sa mga kabataan at menor de edad, ay iligal, hindi katanggap-tanggap, at ipinagbabawal sa aming mga patnubay. Pangunahing prayoridad para sa amin ang iwasan, tukuyin, at tanggalin ang pang-aabuso sa aming platform, at patuloy naming pinauunlad ang aming mga kakayahan para labanan ang Materyal sa Sekswal na Pang-aabuso sa Bata (Child Sexual Abuse Material, CSAM) at iba pang uri ng mapagsamantalang content.
Gumagamit ang aming mga team sa Tiwala at Kaligtasan ng mga maagap na tool sa pagtukoy, gaya ng teknolohiya ng PhotoDNA, para kilalanin ang mga hayag na imahe ng CSAM at i-ulat ito sa Pambansang Sentro para sa mga Nawawala at Pinagsamantalahang Bata (National Center for Missing and Exploited Children, NCMEC). Kapag maagap naming natukoy o kinilala ang mgapagkakataon ng CSAM, napepreserba namin ang mga ito at naiuulat sa NCMEC, na siya namang magsusuri at makikipag-ugnayan sa tagapagpatupad ng batas.
Sa ikalawang hati ng 2020, 2.99 porsyento ng mga kabuuang account na ginawan namin ng aksyon ng pagpapatupad sa buong mundo para sa mga paglabag sa aming Mga Patnubay sa Komunidad ang naglalaman ng CSAM. Dito, maagap naming natukoy at nagawan ng aksyon ang 73 porsyento ng content. Sa pangkalahatan, nakapagbura na kami ng 47,550 account dahil sa mga paglabag sa CSAM, at sa bawat kaso iniulat ang content na iyon sa NCMEC.
Sa panahong ito, gumawa kami ng ilang hakbang para higit na labanan ang CSAM. Hiniram namin ang teknolohiyang Child Sexual Abuse Imagery (CSAI) ng Google para sa mga video, na nagbigay daan sa amin na matukoy ang mga video ng CSAM at i-ulat ito sa NCMEC. Kasama ng aming PhotoDNA na pantukoy sa kilalang koleksyon ng imahe ng CSAM at pagsira ng database ng industriya, kaya na namin ngayong maagap na tukuyin at i-ulat sa mga awtoridad ang kilalang video at koleksyon ng larawan. Ang pinahusay na kakayahang ito ay nagbigay daan sa amin na maging mas mabisa sa aming pagtutukoy — at sa gayon ang pag-uulat namin ng kriminal na gawaing ito.
Dagdag pa, patuloy naming pinalawak ang aming mga pakikipagtulungan sa mga eksperto sa industriya at nagpagulong ng mga karagdagang in-app feature para makatulong na magturo sa mga Snapchatter tungkol sa mga panganib ng pakikipag-ugnayan sa mga estranghero at kung paano gamitin ang in-app na pag-uulat para maalerto ang aming mga team sa Tiwala at Kaligtasan sa anumang uri ng pang-aabuso. Patuloy kaming nagdadagdag ng mga katuwang sa aming pinagkakatiwalaang flagger program na nagbibigay sa mga sinusubaybayang eksperto sa kaligtasan ng kumpidensyal na channel para mai-ulat ang mga pang-emerhensiyang pagdami, gaya ng napipintong banta sa buhay o sa kasong sangkot ang CSAM. Nakikipagtulungan din kami nang malapitan sa mga katuwang na ito para magbigay ng edukasyon sa kaligtasan, rekurso sa kagalingan, at ibang suporta sa pag-uulat para mas mabisa nilang masuportahan ang komunidad ng Snapchat.
Dagdag pa, naglilingkod kami sa Lupon ng mga Tagapamahala para sa Technology Coalition, isang grupo ng mga pinuno sa industriya ng teknolohiya na nagsusulong na iwasan at puksain ang online na sekswal na pagsasamantala at pang-aabuso sa bata, at patuloy na nakikipagtulungan sa ibang mga platform at eksperto sa kaligtasan para saliksikin ang mga karagdagang solusyon para palakasin ang aming sama-samang pagsisikap sa espasyong ito.
Kabuuan ng mga Pagtanggal sa Account
47,550
Sa Snap, ang pagsubaybay sa pagpapaunlad sa espasyong ito at ang pagpapagaan ng anumang potensyal na vector sa pang-aabuso sa aming platform ay bahagi ng aming trabaho sa task force ng integridad ng eleksyon sa U.S. Parehong nililimitahan ng arkitektura ng produkto at disenyo ng paggana ng aming Group Chat ang pagkalat ng nakapipinsalang content at mga pagkakataon na mag-organisa. Nag-aalok kami ng mga Group Chat, ngunit limitado lamang ang mga ito sa sukat at sa ilang dosenang miyembro, hindi inirerekomenda ng mga algorithm, at hindi matutuklasan sa aming platform kung hindi ka miyembro ng Group na iyon.
Sa panahon ng ikalawang hati ng 2020, nagtanggal kami ng walong account dahil sa paglabag sa aming pagbabawal sa terorismo, pagsasalita ng pagkasuklam, at ekstremistang content.
Kabuuan ng mga Pagtanggal sa Account
8
Nagbibigay ang seksyong ito ng pangkalahatang-ideya ng pagpapatupad ng aming mga patakaran sa mga indibidwal na bansa. Mailalapat ang aming Community Guidelines sa lahat ng content sa Snapchat—at lahat ng Snapchatter—sa buong mundo, saanman ang lokasyon.
Maaaring i-download ang impormasyon para sa lahat ng ibang bansa sa kalakip na CSV file.
Rehiyon
Mga Ulat sa Content*
Ipinatupad na Content
Mga Kakaibang Account na Naipatupad
North America
4,230,320
2,538,416
928,980
Europe
2,634,878
1,417,649
535,649
Buong Mundo
3,266,693
1,587,216
431,407
Kabuuan
10,131,891
5,543,281
1,896,015