Polisiya sa Privacy

May bisa: Setyembre 30, 2021

Ang Snap Inc. ay isang kumpanya ng camera. Ang aming mga produkto at serbisyo—kabilang ang Snapchat, Bitmoji, Spectacles, pag-aadvertise, at iba pang naka-link sa Privacy Policy na ito—ay nagbibigay ng mabibilis at masasayang paraan para ipahayag ang iyong sarili, mabuhay sa sandali, matuto tungkol sa mundo, at magsayang magkakasama!

Kapag ginamit mo ang mga serbisyong ito, magbabahagi ka ng ilang impormasyon sa amin. Kaya gusto naming maging tapat sa iyo tungkol sa impormasyong kinokolekta namin, kung paano namin ito ginagamit, kanino namin ito ibinabahagi, at sa mga kontrol na ibinibigay namin sa iyo para i-access, i-update, at i-delete ang iyong impormasyon.

Kung kaya't isinulat namin ang Patakaran sa Privacy na ito. At ito ang dahilan kung bakit namin sinubukang isulat ito sa paraang hindi teknikal dahil madalas itong nakakalito. Siyempre, kung may mga tanong ka pa rin tungkol sa anumang bagay sa aming Patakaran sa Privacy, makipag-ugnayan lang sa amin.

Dapat mong basahin ang aming buong Privacy Policy, pero kung may ilang minuto ka lang o gusto mong tandaan ang isang bagay para sa ibang pagkakataon, maaari kang tumingin sa summary na ito—para ma-review mo ang ilan sa mga basic sa loob lang ng ilang minuto.

Impormasyong Kinokolekta Namin

May tatlong pangunahin na mga kategorya ng impormasyong kinokolekta namin:

  • Impormasyong iyong ibinibigay.

  • Impormasyong nakukuha namin kapag ginagamit mo ang aming serbisyo.

  • Impormasyong nakukuha namin sa mga ikatlong partido.

Narito ang ilan pang detalye sa bawat isa sa mga kategoryang ito.

Impormasyong Iyong Ibinibigay

Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming mga serbisyo, kinokolekta namin ang impormasyong ibinibigay mo sa amin. Halimbawa, karamihan sa aming mga serbisyo ay hinihingi sa iyong gumawa ng account sa Snapchat, kaya kailangan naming kumolekta ng ilang mahahalagang detalye tungkol sa iyo, gaya ng iyong pangalan, username, password, email address, numero ng telepono, at petsa ng kapanganakan. Maaari rin naming hilingin sa iyo na ibigay sa amin ang ilang karagdagang impormasyon na makikita ng publiko sa aming mga serbisyo, gaya ng profile picture o Bitmoji avatar. Posible ring hilingin sa iyo ng ibang services, gaya ng mga produktong pangkomersyo, na magbigay sa amin ng numero ng debit o credit card at kaugnay nitong impormasyon ng account.

Siyempre, ibibigay mo rin sa amin ang anumang impormasyon na ipadadala mo sa pamamagitan ng aming mga serbisyo, gaya ng mga Snap at Chat. Tandaan ang mga user na pinapadalhan mo ng mga Snap, Chat, at anupamang content ay maaaring mag-save ng content na iyon o kopyahin ito sa labas ng app. Kaya, parehong common sense na pangkalahatang nalalapat sa internet ang nalalapat din sa Snapchat: Huwag magpadala ng mga mensahe o magbahagi ng content na hindi mo gugustuhing i-save o ibahagi ng sinuman.

Kapag makipag-ugnayan ka sa customer support o makipag-ugnayan ka sa amin sa anumang iba pang paraan, kokolektahin namin ang anumang impormasyong iyong boluntaryong ibibigay o kailangan namin para maresolba ang iyong katanungan.

Impormasyong Nakukuha Namin Kapag Ginagamit Mo ang Aming Mga Serbisyo

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, mangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa kung alin sa mga serbisyo na iyon ang ginamit mo at kung paano mo ginamit ang mga ito. Maaari naming malaman, halimbawa, na nanood ka ng partikular na Story, nakakita ng partikular na ad sa isang panahon, at nagpadala ng ilang Snap. Narito ang mas kumpletong paliwanag tungkol sa mga uri ng impormasyong kokolektahin namin kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo:

  • Impormasyon sa Paggamit. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa iyong aktibidad sa pamamagitan ng aming mga serbisyo. Halimbawa, posible naming kolektahin ang impormasyon tungkol sa:

    • kung paano ka nakikipag-interact sa aming mga serbisyo, tulad ng kung aling mga filter ang tiningnan o ina-apply mo sa Snaps, aling Stories ang pinanood mo sa Discover, kung gumagamit ka ng Spectacles, o aling search queries ang isinumite mo.

    • kung paano ka nakikipag-ugnayan sa ibang Snapchatter, tulad ng kanilang mga pangalan, ang oras at petsa ng iyong mga pakikipag-ugnayan, ang bilang ng mga message na ipinadala at tinanggap mo sa mga friend, kanino ka nakipagpalitan ng message nang pinakamadalas, at ang mga interaction mo sa mga message (tulad ng kapag nagbukas ka ng message o nag-screenshot).

  • Impormasyon ng Content. Kinokolekta namin ang content na ginagawa mo sa aming mga serbisyo, tulad ng mga custom na sticker, at impormasyon tungkol sa content na ginawa o ibinigay mo, tulad ng kung tiningnan ng recipient ang content at ang metadata na kasama sa content.

  • Impormasyon ng Device. Kinokolekta namin ang impormasyon mula at tungkol sa mga device na ginagamit mo. Halimbawa, kinokolekta namin ang:

    • impormasyon tungkol sa iyong hardware at software, tulad ng model ng hardware, bersyon ng operating system, memory ng device, mga identifier sa pag-advertise, mga natatanging identifier ng application, mga app na naka-install, mga natatanging identifier ng device, uri ng browser, mga keyboard na naka-install, wika, level ng baterya, at time zone;

    • impormasyon mula sa mga sensor ng device, tulad ng mga accelerometer, gyroscope, compass, microphone, at kung may nakakonekta kang headphones; at

    • impormasyon tungkol sa iyong mga wireless at mobile network connection, tulad ng mobile phone number, service provider, IP address, at lakas ng signal.

  • Phonebook ng Device. Dahil ang Snapchat ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, posible naming gawin—nang may pahintulot mo—na mangolekta ng impormasyon mula sa phonebook ng iyong device.

  • Camera at Mga Larawan. Hinihiling sa amin ng karamihan sa aming mga serbisyo na mangolekta ng larawan at iba pang impormasyon mula sa camera at mga larawan ng iyong device. Halimbawa, hindi ka makakapagpadala ng Snaps o makakapag-upload ng mga larawan mula sa iyong camera roll maliban kung maa-access namin ang iyong camera o mga larawan.

  • Impormasyon ng Lokasyon. Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, posibleng mangolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong lokasyon. Sa pahintulot mo, posible ring mangolekta kami ng impormasyon tungkol sa iyong tumpak na lokasyon gamit ang mga paraan na kinabibilangan ng GPS, mga wireless network, mga cell tower, mga access point ng Wi-Fi, at iba pang sensor, gaya ng mga gyroscope, accelerometer, at compass.

  • Impormasyong Kinokolekta ng Cookies at Iba Pang Teknolohiya. Tulad ng karamihan ng online services at mobile applications, posibleng gumamit kami ng cookies at iba pang teknolohiya, gaya ng web beacons, web storage, at unique advertising identifiers, para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong aktibidad, browser, at device. Maaari rin naming gamitin ang mga teknolohiya na ito para mangolekta ng impormasyon kapag nakipag-ugnayan ka sa mga serbisyong ibinibigay namin sa pamamagitan ng isa sa aming mga kasosyo, gaya ng mga feature sa advertising at commerce. Halimbawa, maaari naming gamitin ang impormasyong nakolekta namin sa ibang website para pakitaan ka ng higit pang nauugnay na ads. Nakatakda ang karamihan sa web browsers na tanggapin ang cookies bilang default. Kung gusto mo, karaniwang magagawa mong alisin o tanggihan ang cookies ng browser sa pamamagitan ng settings sa iyong browser o device. Gayunpaman, tandaang makakaapekto sa availability at functionality ng aming mga serbisyo ang pag-alis o pagtanggi sa cookies. Para higit pang matuto tungkol sa kung paano namin at ang mga kasosyo namin ginagamit ang cookies sa mga serbisyo at iyong pinili, paki tingnan ang aming Cookie Policy.

  • Impormasyon ng Log. Nangongolekta rin kami ng impormasyon ng log kapag ginamit mo ang aming website, gaya ng:

    • mga detalye kung paano mo ginagamit ang aming mga serbisyo;

    • impormasyon ng device, tulad ng uri ng iyong web browser at wika;

    • mga oras ng pag-access;

    • mga page na tiningnan;

    • IP address;

    • mga identifier na nauugnay sa cookies o iba pang mga teknolohiya na maaaring makatukoy nang unique sa iyong device o browser; at

    • mga page na binisita mo dati o pagkatapos bisitahin ang aming website.

Impormasyong Kinokolekta Namin mula sa Mga Ikatlong Partido

Posible naming kolektahin ang impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba pang user, aming mga kaakibat, at mga ikatlong partido. Narito ang ilang mga halimbawa:

  • Kung ni-link mo ang iyong Snapchat account sa isa pang serbisto (kagaya ng Bitmoji o ng ikatlong partido na app), maaaring kaming makatanggap ng impormasyon mula sa ibang serbisyo, kagaya ng kung paano mo ginagamit ang serbisyo na iyon.

  • Maaari ring magbahagi sa amin ng impormasyon ang mga nagpapatalastas, app developer, publisher, at iba pang ikatlong partido. Maaari naming gamitin ang impormasyong ito, bukod sa iba pang mga paraan, para makatulong na ma-target o masukat ang pagganap ng mga ads. Maaari mong higit pang matutunan ang tungkol sa aming paggamit ng ganitong uri ng ikatlong partido na impormasyon sa aming Support Center.

  • Kung mag-upload ang isa pang gumagamit ng kanyang contact list, maaaring pagsasama-samahin namin ang impormasyon mula sa contact list ng gumagamit na iyon sa ibang impormasyong nakolekta namin tungkol sa iyo.

Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Ano ang ginagawa namin sa impormasyong aming kinokolekta? Para sa detalyadong sagot, pumunta rito. Ang maikling sagot ay: Bigyan ka ng kamangha-manghang hanay ng mga produkto at serbisyo na patuloy naming pinapahusay. Narito ang mga paraan kung paano namin gawin ang mga ito:

  • paunlarin, paganahin, pahusayin, ihatid, panatilihin, at protektahan ang aming mga produkto at serbisyo.

  • padalhan ka ng mga komunikasyon, pati na rin sa email. Halimbawa, posible naming gamitin ang email para tumugon sa mga inquiry ukol sa suporta o para magbahagi ng impormasyon tungkol sa aming mga produkto, serbisyo, at pampromosyong alok kung saan tingin namin ay maaaring interesado ka.

  • pamahalaan at suriin ang mga trend at paggamit.

  • i-personalize ang aming mga serbisyo sa pamamagitan ng, bukod sa iba pang mga bagay, pagmumungkahi ng mga kaibigan, impormasyon ng profile, o mga Bitmoji sticker, tumulong sa Mga Snapchatter na hanapin ang isa't isa sa Snapchat, mga affiliate at third-party na app at serbisyo, o i-customize ang content na ipinapakita namin sa iyo, kabilang ang mga ad.

  • ilagay sa konteksto ang iyong karanasan sa pamamagitan ng, bukod pa sa ibang mga bagay, pag-tag sa content ng iyong Memories gamit ang iyong eksaktong location information (siyempre kung binigyan mo lang kami ng pahintulot na kolektahin ang impormasyong iyon) at pag-apply ng iba pang mga label batay sa content.

  • ibigay at pabutihin ang aming mga serbisyo sa pag-aadvertise, ad targeting, at ad measurement, kabilang na ang paggamit mo na may tumpak na impormasyon sa lokasyon (muli, kung binigyan mo kami ng pahintulot para kolektahin ang impormasyong iyon), parehong sa loob at sa labas ng aming mga serbisyo. Tingnan ang seksyon ng Kontrol sa Iyong Impormasyon sa ibaba para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa advertising ng Snap Inc. at iyong mga pagpili.

  • pahusayin ang kaligtasan at seguridad ng aming mga produkto at serbisyo.

  • patunayan ang iyong pagkakakilanlan at pigilan ang panloloko o iba pang hindi awtorisado o iligal na aktibidad.

  • gamitin ang impormasyong nakolekta namin mula sa cookies at iba pang teknolohiya para pahusayin ang aming mga serbisyo at iyong karanasan sa mga ito.

  • ipatupad, imbestigahan, at i-report ang pag-uugaling lumalabag sa aming Mga Terms of Service at iba pang mga patakaran sa paggamit, tumugon sa mga kahilingan mula sa pagpapatupad ng batas, at sumunod sa mga ligal na kinakailangan.

Maaari din kaming gumamit ng impormasyon mula sa TrueDepth camera ng Apple para pahusayin ang kalidad ng Lenses. Ginagamit ang impormasyon mula sa TrueDepth camera nang real time—hindi namin sino-store ang impormasyong ito sa aming mga server o ibinabahagi sa mga third party.

Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon

Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga sumusunod na paraan:

  • Kasama ng iba pang mga Snapchatter. Posible naming ibahagi ang sumusunod na impormasyon sa iba pang Snapchatter:

    • impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng iyong username, pangalan, at Bitmoji.

    • impormasyon tungkol sa kung paano ka nakipag-ugnayan sa aming mga serbisyo, gaya ng iyong “score” sa Snapchat, mga pangalan ng kaibigan mong Snapchatters, at iba pang impormasyon na makakatulong sa mga Snapchatter na maunawaan ang iyong koneksyon sa iba pang gumagamit ng aming mga serbisyo. Halimbawa, dahil posibleng hindi malinaw kung mula talaga sa kakilala mo ang isang friend request, posible naming ibahagi kung may pareho kayong kaibigan sa Snapchat ng nag-request.

    • anumang karagdagang impormasyong sinabi mo sa amin na maaari naming ibahagi. Halimbawa, ibabahagi ng Snap ang iyong impormasyon kapag ikinonekta mo ang iyong Snapchat account sa ikatlong partido na app, at kung nagbahagi ka ng impormasyon o nilalaman mula sa Snapchat sa ikatlong partido na app.

    • nilalaman na ipino-post o ipinapadala mo. Kung gaano kalawak ibinabahagi ang iyong nilalaman ay nakasalalay sa iyong personal na mga setting at ang uri ng serbisyo na iyong ginagamit. Halimbawa, maaaring magpadala ng isang Snap sa isang kaibigan na iyong pinili, pero maaaring ang iyong My Story na nilalaman ay makita ng sinumang Snapchatter na iyong papayagang makakita ng iyong My Story.

  • Kasama ang lahat ng mga Snapchatter, aming mga kasosyo sa negosyo, at ang pangkalahatang publiko. Maaari naming ibahagi ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng mga Snapchatter pati na rin sa aming mga kasosyo sa negosyo at ang pangkalahatang publiko:

    • pampublikong impormasyon gaya ng iyong pangalan, username, mga larawan sa profile, Snapcode, at Public Profile.

    • Ang Pampublikong Nilalaman gaya ng iyong mga Highlights, Custom na Stickers, Lenses, mga pagsumite ng Story na naka-set na matitingnan ng Lahat ng Tao, at anumang nilalaman na sinusumite mo sa likas na pampublikong serbisyo, tulad ng Spotlight, Snap Map, at iba pang mga crowd-sourced na serbisyo. Maaaring matingnan, magamit, at maibahagi ng publiko sa kabuuan ang content na ito kapwa sa loob at labas ng aming mga serbisyo, kabilang sa mga resulta ng paghahanap, mga website, mga app, at online at offline na mga pag-broadcast.

  • Sa aming mga kaakibat. Posible naming ibahagi ang impormasyon sa mga entidad na kabilang sa pamilya ng mga kumpanya ng Snap Inc.

  • Sa mga ikatlong partido. Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga tagapagbigay ng serbisyo na nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, kabilang na ang pagsukat at pagpapahusay sa pagganap ng mga ads at paghahatid ng mas nauugnay na mga ads, kabilang ang mga nasa ikatlong partido na website at app. Matuto pa rito.

    • Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga kasosyo sa negosyo na nagbibigay ng mga serbisyo at pagpapagana ng aming mga serbisyo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa impormasyong kinokolekta ng mga ikatlong partido sa aming mga serbisyo, bisitahin ang aming Site ng Suporta.

    • Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo, tulad ng impormasyon tungkol sa device at paggamit, para matulungan kami at ang iba pa na mapigilan ang panloloko.

    • Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo para sa mga ligal, pangkaligtasan, at pangseguridad na dahilan. Posible naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo kung naniniwala kaming kinakailangang ihayag ang impormasyon upang:

      • makasunod sa anumang balidong ligal na proseso, request ng pamahalaan, o naaangkop na batas, tuntunin, o regulasyon.

      • imbestigahan, malunasan, o ipatupad ang mga potensyal na mga paglabag sa Mga Tuntunin ng Serbisyo at mga Gabay sa Komunidad.

      • protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan namin, ng aming mga gumagamit, at iba pa.

      • matukoy at maresolba ang anumang pandaraya o mga alalahanin sa seguridad.

    • Maaari naming ibahagi ang impormasyon tungkol sa iyo bilang bahagi ng merger o acquisition. Kung magiging bahagi ang Snap Inc. sa isang merger, pagbebenta ng asset, financing, liquidation o pagkalugi, o acquisition ng lahat o ng ilang bahagi ng aming negosyo sa ibang kumpanya, posible naming ibahagi ang iyong impormasyon sa kumpanyang iyon bago at pagkatapos magsara ang transaksyon.

  • Hindi personal na impormasyon.  Maaari rin naming ibahagi sa mga ikatlong partido na nagbibigay sa amin ng mga serbisyo o gumagawa ng mga layuning pang-negosyo para sa amin ng pinagsama, na hindi personal na nakakatukoy, o maitutukoy muli na impormasyon.

Nilalaman at mga Integrasyon ng Ikatlong Partido

Ang aming mga serbisyo ay maaaring maglaman ng mga nilalaman at integrasyon ng ikatlong partido. Kabilang sa mga halimbawa ang mga integrasyon ng ikatlong partido sa Camera, mga laro ng ikatlong partido sa Chat, at mga integrasyon ng ikatlong partido sa Snap Kit. Sa pamamagitan ng mga integrasyong ito, maaaring nagbibigay ka ng impormasyon sa ikatlong partido pati na rin sa Snap. Hindi kami responsable para sa kung paano kinokolekta o ginagamit ng mga ikatlong partido na ito ang iyong impormasyon. Tulad ng palagi naming ginagawa, hinihikayat ka naming suriin ang mga polisiya sa privacy ng bawat serbisyo ng ikatlong partido na binibisita o ginagamit mo, kabilang ang mga ikatlong partido kung saan ka nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng aming mga serbisyo. Maaari mo pang matutunan ang tungkol sa mga serbisyo ng ikatlong partido sa Snapchat dito.

Gaano Katagal Naming Pananatilihin ang Iyong Impormasyon

Nagbibigay-daan sa iyo ang Snapchat na makunan ang iyong karanasan sa mismong sandaling iyon. Sa bahagi namin, ang ibig sabihin noon ay awtomatikong made-delete sa aming mga server bilang default ang karamihan ng mga mensahe—tulad ng Snaps at Chats—na ipapadala sa Snapchat kapag na-detect namin na nabuksan na ang mga ito ng lahat ng tatanggap o nag-expire na. Mas matagal sino-store ang iba pang content, tulad ng Story posts. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa kung gaano namin katagal tinatago ang iba't ibang uri ng content, tingnan ang aming Site ng Suporta.

Tinatago namin ang ibang impormasyon sa loob ng mas matatagal na yugto ng panahon. Halimbawa:

  • Inii-store namin ang basic na impormasyon ng iyong account—tulad ng iyong pangalan, phone number, at email address—at listahan ng mga friend hanggang sa sabihan mo kami na i-delete ang mga ito.

  • Nagso-store kami ng impormasyon ng lokasyon sa magkakaibang haba ng panahon batay sa kung gaano ito katumpak at kung aling mga serbisyo ang ginagamit mo. Kung nauugnay ang impormasyon ng lokasyon sa Snap—tulad ng mga naka-save sa Memories o naka-post sa Snap Map—papanatilihin namin ang lokasyong iyon hangga't inii-store namin ang Snap. Pro tip: Makikita mo ang data ng lokasyong pinapanatili namin tungkol sa iyo sa pamamagitan ng pag-download sa data mo.

Kung magpasya kang huminto sa paggamit ng Snapchat, maaari mo lang hilingin sa aming burahin ang iyong account. Buburahin din namin ang karamihan sa impormasyong aming nakolekta tungkol sa iyo pagkatapos mong maging hindi aktibo nang ilang panahon!

Tandaan, bagama't idinisenyo ang aming systems upang awtomatikong isagawa ang aming mga kasanayan sa pagbura, hindi namin maipapangakong mabubura ito sa loob ng partikular na yugto ng panahon. Maaaring mayroong mga legal na kinakailangan para i-store ang iyong data at maaaring kailanganin naming patagalin ang pagbubura kung makakatanggap kami ng tamang legal na prosesong humihingi sa aming pangalagaan ang content, kung makakatanggap kami ng mga ulat ng pang-aabuso o ibang paglabag sa Terms of Service, o kung ang account o content na ginawa mo ay na-flag sa aming na-automate na mga system dahil sa pang-aabuso o iba pang paglabag sa Terms of Service. Panghuli, maaari ring magpanatili kami ng ilang partikular na impormasyon sa backup sa loob ng limitadong yugto ng panahon o ayon sa kinakailangan ng batas.

Kontrol sa Iyong Impormasyon

Gusto namin na ikaw ang may kontrol sa iyong impormasyon, kaya binibigyan ka namin ng mga sumusunod na tool.

  • Pag-access, Pagwawasto, at Kakayahang Dalhin. Maaari mong i-access at i-edit mismo sa aming mga app ang karamihan sa pangunahing impormasyon ng iyong account. Maaari mo ring gamitin ang I-download ang Aking Data para makakuha ng kopya ng impormasyon na hindi available sa aming apps sa portable na format, para mailipat o ma-store mo ito saan mo man gusto. Dahil mahalaga sa amin ang iyong privacy, posible naming hilingin sa iyo na i-verify ang iyong pagkakakilanlan o magbigay ng karagdagang impormasyon bago namin hayaang i-access o i-update mo ang iyong personal na impormasyon. Posible rin naming tanggihan ang iyong kahilingan na i-access o i-update ang iyong personal na impormasyon dahil sa ilang bagay, kabilang ang, halimbawa, malalagay sa alanganin ang privacy ng ibang user dahil sa kahilingan o kaya ay labag ito sa batas.

  • Pagbawi ng mga pahintulot. Kadalasan, kung papayagan mo kaming gamitin ang iyong impormasyon, maaari mong bawiin ang pahintulot mo sa pagpapalit ng settings sa app o sa iyong device kung ang iyong device ay nag-aalok ng mga ganoong opsyon. Siyempre, kung gagawin mo iyon, may ilang partikular na services na posibleng mawalan ng ganap na functionality.

  • Pag-delete. Bagama't umaasa kaming mananatili kang Snapchatter habambuhay, kung sakali mang gusto mong burahin ang iyong account sa ilang kadahilanan, pumunta langdito para malaman kung paano. Maaari mo ring burahin ang ilang impormasyon sa app, tulad ng mga larawang na-save mo sa Memories, mga pag-submit sa Spotlight, at history ng paghahanap.

  • Mga Kagustuhan sa Pag-a-advertise. Susubukan naming magpakita sa iyo ng ads na tingin namin ay nauugnay sa iyong mga interes. Kung gusto mong baguhin ang impormasyon na ginagamit namin ng mga kasosyo namin sa pag-aadvertise para piliin ang ads na ito, maaari mo itong gawin sa app at sa pamamagitan ng mga kagustuhan mo sa device. Pumunta rito upang matuto pa.

  • Pakikipag-ugnayan sa ibang Snapchatter. Mahalaga sa amin na manatili kang may kontrol sa kung kanino ka nakikipag-ugnayan. Kaya bumuo kami ng ilang tools sa Settings na nagbibigay-daan sa iyong tukuyin, bukod sa iba pang bagay, kung sino ang gusto mong makakita ng iyong Stories, kung gusto mong makatanggap ng Snaps mula sa mga kaibigan mo lang o mula sa lahat ng Snapchatter, at kung gusto mong i-block ang isa pang Snapchatter mula sa pakikipag-ugnayang muli sa iyo. Pumunta rito para matuto pa.

Pandaigdig na Paglilipat ng mga Data

Posible naming kolektahin ang iyong personal na impormasyon mula sa, ilipat ito sa, at i-store at iproseso ito sa United States at iba pang bansa na hindi sakop ng iyong tinitirhan. Kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa lugar kung saan hindi ka nakatira, at kung pinapahintulutan kaming gawin ito nang legal, sinisiguro namin na napapatupad ang isang sapat na mekanismo ng paglilipat. Sinisiguro rin namin na mayroong sapat na mekanismo ng paglilipat ang anumang third party na binabahagian namin ng impormasyon. Maaari mong makita rito kung anong mekanismo ng paglilipat ng data ang ginagamit namin, at narito naman ang mga uri ng third party na binabahagian namin ng impormasyon.

Partikular na Impormasyon ng Estado at Rehiyon

Maaaring mayroon kang partikular na mga karapatan sa privacy sa iyong estado o rehiyon. Halimbawa, sa Estados Unidos, mayroong partikular na mga karapatan sa privacy ang mga residente ng California at iba pang mga estado. Ang Mga Snapchatter sa European Economic Area (EEA), ang UK, Brazil, ang Republika ng Korea, at iba pang mga nasasakupan ay mayroon ding partikular na mga karapatan. Nagpapanatili kami ng pinakabagong overview ng mga pagbubungyag na partikular sa estado at rehiyon dito.

Mga Bata

Ang aming mga serbisyo ay hindi para sa—at hindi namin idinidirekta ang mga ito sa—sinumang wala pang 13 taong gulang. At yun ang dahilan kaya hindi kami nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa sinumang wala pang 13 taong gulang. Dagdag pa rito, maaari naming limitahan ang paraan ng aming pagkolekta, paggamit, at pag-store ng ilan sa impormasyon ng mga user sa EEA at UK mula 13 hanggang 16. Sa ilang sitwasyon, nangangahulugan itong hindi kami makakapagbigay ng ilang partikular na functionality sa mga user na ito. Kung kailangan naming dumepende sa pahintulot bilang legal na batayan para sa pagproseso ng iyong impormasyon at nanghihingi ng pahintulot ang bansa mo mula sa magulang, maaaring kailanganin namin ang pahintulot ng iyong magulang bago namin kolektahin at gamitin ang impormasyong iyon.

Mga Pagbabago sa Polisiya sa Privacy

Posible naming pana-panahong baguhin ang Polisiya sa Privacy na ito. Ngunit kapag ginawa namin ito, gagawa kami ng paraan upang sabihin ito sa iyo. Kung minsan, ipapaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng pagbago sa petsa sa itaas ng Polisiya sa Privacy na makikita sa aming website at mobile application. Sa ibang pagkakataon, posibleng magbigay kami sa iyo ng karagdagang abiso (gaya ng pagdaragdag ng pahayag sa homepage ng aming mga website o pagbibigay sa iyo ng in-app na notipikasyon).