Mga Guideline ng Musika sa Snapchat

Ang musika ay makakabighani ng iyong emosyon, magpapataas ng iyong kakayahang magpahayag, makakapagpahiwatig ng iyong nararamdaman, at magbibigay ng tamang timpla para sa isang sandali. Iyon ang dahilan kung bakit namin sinimulang mag-alok ng library ng musika (na tinatawag naming, "Sounds") na pwede mong idagdag sa mga photo at video message gamit ang Snapchat camera (na tinatawag naming "Snaps"). Nasasabik kaming makita kung ano ang ginawa mo gamit ang Sounds. Pero tandaan na kailangang sumunod sa sumusunod na guidelines ang paggamit mo nito, na dagdag pa sa Terms of Service ng Snap.

Walang hindi awtorisadong karanasan sa musika

Hindi ka pwedeng lumikha, magpadala, o mag-post ng Snaps gamit ang Sounds sa anumang paraan na lumilikha ng hindi awtorisadong serbisyo sa pakikinig sa musika o premyadong serbisyo sa music video streaming.

Pulitikal o relihiyosong paggamit

Habang sinusuportahan namin ang pagpapahayag sa sarili, kabilang ang tungkol sa pulitika at relihiyon, naniniwala rin kaming may karapatan ang mga artista na pagpasyahan kung kailan at paano gagamitin ang kanilang mga likha sa mga pulitikal at relihiyosong pahayag. Dahil dito, hindi mo maaaring gamitin ang Sounds sa pulitikal o relihiyosong pananalita.

Ipinagbabawal na Content

Hindi mo maaaring gamitin ang Sounds upang lumikha, magpadala, o mag-post ng Snaps na sa ibang paraan ay lalabag sa Terms of Service ng Snap, tulad ng:

  • Mga snap na labag sa batas;

  • Mga snap na nagbabanta, pornograpiko, katumbas ng mapanghamak na pananalita, naghihikayat ng karahasan, o naglalaman ng paghuhuban (bukod sa pagpapasuso o iba pang pagpapakita ng pagkahubad sa mga kontekstong hindi sekswal), o grapiko o walang katuturang karahasan; o

  • Mga snap na lumalabag o nangingialam sa mga karapatan ng ibang tao, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, karapatan ng pagsasapubliko, pagkapribado, copyright, trademark, o iba pang karapatan sa intelektwal na pag-aari.

Pundamental na katangian ng likha

Hindi mo maaaring baguhin ang pundamental na katangian ng melody o lyrics ng Mga Tunog o gumawa ng pagbagay ng Mga Tunog. Hindi mo maaaring gamitin ang Mga Tunog sa paraang hindi kanais-nais at nakakasakit (sa aming sariling pagpapasya) o na maaaring maglantad sa amin, mga lincensor namin, mga Serbisyo, o iba pang user na anumang pananagutan o kapahamakan.

Bawal ang komersyal na paggamit

Maaari lamang gamitin ang mga tunog sa iyong personal, hindi-komersyal na paggamit. Halimbawa, ang Mga Tunog ay hindi maaaring gamitin sa paglikha, pagpapadala o pagpo-post ng mga Snap (o mga serye ng Snap) na inisponsoran ng, nagpo-promote, o nag-aadvertise ng anumang brand, kalakal, o serbisyo.

Hindi awtorisadong pamamahagi o paggamit

Ang mga snap na gumagamit ng Sounds ay maaari lamang ipadala o i-post sa pamamagitan ng Services. Hindi ka maaaring magpadala, magbahagi, o mag-post ng Snaps na may Sounds sa services ng third-party. Ang hindi awtorisadong pamamahagi ng Snaps na naglalaman ng Sounds ay isasailalim sa anumang naaangkop na batas, kabilang ang mga batas sa paglabag sa copyright, at sa mga karapatan, patakaran, at awtoridad ng anumang naaangkop na serbisyo ng third-party.

Hanggang sa saklaw na ginagamit mo ang Sounds sa paraang hindi ito sumusunod sa guidelines na ito, posibleng alisin sa Serbisyo ang naturang paggamit nang walang notice sa iyo, at puwede kang sumailalim sa pagpapatupad ng mga naaangkop na batas, kasama ang mga batas sa paglabag sa copyright.   Ibinibigay ang music na available sa Sounds gamit ang license mula sa mga third party. Hindi ka pinapayagan na gamitin ang alinman sa music na ito para sa mga layunin ng text mining o data mining nang walang hiwalay na license mula sa (mga) naaangkop na may-ari ng mga karapatan. Inilaan ang lahat ng karapatan sa mga naangkop na may-ari ng karapatan.

Kung ang iyong content ay naglalaman ng musika maliban sa Sounds, ikaw ang responsable sa pagkuha ng anumang kinakailangang lisensya at karapatan na maaaring kailanganin para sa naturang musika. Anumang naturang content ay maaaring i-mute, alisin, o burain kung hindi awtorisado ang iyong paggamit ng musika. Ang paglabag sa Music Guidelines na ito ay maaaring humantong sa pag-deactivate ng iyong Snap account. Maaaring hindi maging available ang Sounds sa lahat ng rehiyon.