TERMS NG PAGPAPAKITA NG PAMPUBLIKONG CONTENT

Sa Public Content Display Terms na ito, ang “Snap”, “kami” at “namin” ay nangangahulugang Snap Inc. (kung nakatira ka sa United States o kung ginagamit mo ang Services sa ngalan ng isang lokasyon ng negosyo sa United States) o Snap Group Limited (kung nakatira ka sa o ginagamit mo ang Services sa ngalan ng negosyong matatagpuan sa ibang lugar). Sa pamamagitan ng pag-embed ng audiovisual player o iba pang (mga) produkto ng Snap na ginagawa naming available sa iyo (ang “Embed”), sumasang-ayon ka sa Public Content Display Terms na ito, na nagsasama sa pamamagitan ng pagbanggit sa aming Terms of ServicePrivacy PolicyCommunity Guidelines, at Advertising Policies (kapag sama-sama, at kasama ng Public Content Display Terms na ito, ang “Terms”). Ang Embed ay isa sa aming Services, at ang salitang iyon ay binibigyang-kahulugan sa aming Terms of Service at ginagamit sa buong Terms. Pakibasa nang mabuti ang Terms. Maaari naming i-update o baguhin ang Terms anumang oras nang walang abiso, kaya mangyaring regular na basahin ang mga ito. Sa patuloy na paggamit ng Service, tinatanggap mo ang anumang mga update sa Terms. Hanggang sa saklaw na ang Public Content Display Terms na ito ay sumasalungat sa iba pang terms na namamahala sa Service, ang Public Content Display Terms na ito ang ipatutupad.

PAALALA SA TERMS OF SERVICE AT ABISO SA ARBITRASYON: BILANG PAALALA SA AMING USERS NA NAKATIRA SA UNITED STATES AT MGA NEGOSYONG MATATAGPUAN SA UNITED STATES, ANG AMING TERMS OF SERVICE, KUNG SAAN KASAMA ANG SUMUSUNOD NA SEKSYON: PAGBABAYAD-PINSALA, MGA PAGTATATUWA, LIMITASYON NG PANANAGUTAN, AT ARBITRASYON, CLASS-ACTION, AT PAGPAPAUBAYA NG JURY, AY IPATUTUPAD SA AT ISINAMA SA PUBLIC CONTENT DISPLAY TERMS NA ITO. NANGANGAHULUGAN ITO NA, BUKOD SA IBA PANG BAGAY, NA MALIBAN SA MGA PARTIKULAR NA URI NG PAGTATALONG BINANGGIT SA AMING TERMS OF SERVICE, NAGKAKASUNDO KAYO NG SNAP NA IPAPAUBAYA ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION NA DEMANDA O CLASS-WIDE NA ARBITRASYON.

1. Lisensya

Binibigyan ka ng Snap ng personal, pandaigdig, hindi eksklusibo, royalty-free, hindi maililipat, hindi sublicensable, mababawing lisensya para (a) gamitin ang Embed sa isang website o mobile application para makapamahagi ng Pampublikong Content (na binibigyang kahulugan sa aming Terms of Services) at (b) ipakita ang pangalan at logo ng Snapchat, para lamang kilalanin ang Snapchat application bilang pinagmulan ng Embed.

Lahat ng karapatang hindi malinaw na iginawad sa iyo sa seksyon na ito ay inilalaan sa Snap. Walang anuman sa Terms na ito ang nagkakaloob sa iyo ng anumang uri ng ipinahihiwatig na lisensya.

2. Mga Pangkalahatang Tuntunin

Sa pamamagitan ng paggamit sa Embed, maipapakita mo ang Pampublikong Content sa labas ng Snapchat application. Samantalang inilalaan namin ang feature na ito upang makapag-share ang mga miyembro ng aming komunidad (kabilang ka) ng Pampublikong Content sa mas malawak na audience, kailangan mong sumunod sa sumusunod habang ginagamit ito:

  • Palaging gamitin ang Embed at magpakita ng Pampublikong Content alinsunod sa anumang kahingian sa branding o atribusyon na ibinibigay namin, kabilang ang Snapchat Brand Guidelines.

  • Bilang paalala, ang iyong paggamit ngEmbed ay paggamit pa rin ng Snapchat at dapat sumunod sa aming Community Guidelines.

  • Ang lisensyang iginawad namin sa iyo sa Public Content Display Terms na ito ay walang kasamang lisensya sa third party intellectual property o iba pang karapatan sa pagmamay-ari na maaaring kasama sa Pampublikong Content. Sumasang-ayon kang kunin ang lahat ng kinakailangang karapatan, permiso, at lisensya bago mo gamitin at ipamahagi ang Pampublikong Content sa isang website, o mobile application gamit ang Embed.

  • Palaging sumunod sa anumang kahingian o restriksyong ipinapataw namin o ng iba pang may-ari ng Pampublikong Content sa paggamit ng Pampublikong Content.

  • Agad na tanggalin ang anumang Pampublikong Content at ang kaugnay na Embed na hiniling namin — o ng may-ari ng Pampublikong Content, kung hindi kami iyon — sa iyo na tanggalin.

  • Huwag gamitin ang Pampublikong Content sa isang advertisement o advertising product nang wala ang malinaw na pahintulot mula sa may-ari ng Pampublikong Content.

  • Huwag gamitin ang Embed o Pampublikong Content upang magpahiwatig ng sponsorship ng, endorsement mula sa, o hindi totoong pagkakaugnay sa Snap, alinman sa mga user nito, o third party content provider.

  • Huwag mangolekta ng data na may kaugnayan sa Embed o Pampublikong Content o ang Snapchat application sa paraang lumalabag sa Terms.

  • Paalging gamitin ang Embed at ipakita ang Pampublikong Content alinsunod sa lahat ng naaangkop na batas, patakaran, at regulasyon.

  • Huwag gamitin ang Embed o Pampublikong Content sa isang website, o mobile application na may terms na sumasalungat sa Terms.

  • Huwag gamitin ang Embed o Pampublikong Content sa paraang nagpapahiwatig na mula ito sa isang social platform o medium na iba pa sa Snapchat application.

  • Huwag gamitin ang Embed o Pampublikong Content upang kopyahin ang o makipagkumpitensya sa Snapchat application.

3. Kaangkupan ng Content

Bilang dagdag sa mga disclaimer na kasama sa alinman sa aming iba pang Terms, sa pamamagitan ng pagpapakita ng Pampublikong Content sa isang website, o mobile application, nauunawaan mo na ang Pampublikong Content ay nililikha ng aming users at maaaring hindi naaangkop para sa lahat ng audience o edad. Dahil dito, sumasang-ayon ka na hindi mananagot ang Snap sa anumang paghahabol batay sa o na magmumula sa Pampublikong Content.