Privacy Notice sa Nevada

May bisa: Setyembre 30, 2021

Partikular naming ginawa ang notice na ito para sa mga residente ng Nevada. May ilang partikular na karapatan sa privacy ang mga residente ng Nevada gaya ng nakasaad sa batas ng Nevada. Ang Aming Mga Prinsipyo sa Privacy at ang mga kontrol sa privacy na iniaalok namin sa lahat ng user ay naaayon sa mga batas na ito—tinitiyak ng notice na ito na sinasaklaw namin ang mga kinakailangan na partikular sa Nevada. Para sa kabuuan nito, tingnan ang aming Privacy Policy.

Abiso sa Hindi Pagbebenta

Hindi namin ibinebenta ang nasasaklawang impormasyon mo, gaya ng tinukoy sa Chapter 603A ng Nevada Revised Statutes. Kung mayroon ka pa ring mga tanong tungkol sa nasasaklawang impormasyon mo o anupamang nasa aming Privacy Policy, i-contact kami.