Polisiya sa Komersyal na Content ng Snap
May bisa: Disyembre 14, 2023
Polisiya sa Komersyal na Content ng Snap
May bisa: Disyembre 14, 2023
Ang Snapchat ay isang app na nagbibigay ng kakayahan sa mga tao na maipahayag ang kanilang mga sarili, mag-enjoy sa mismong sandali, matuto tungkol sa mundo, at sama-samang magsaya. Gusto naming maging masaya at ligtas ang mga Snapchatter, at ang aming policies ay bunsod ng mga layuning iyon. Ang Patakaran sa Komersyal na Nilalaman na ito ay nalalapat sa nilalaman sa platform ng Snap maliban sa mga ad na inihahatid ng Snap, na itinataguyod ng, nagpo-promote, o nag-a-advertise ng anumang tatak, produkto, mga goods, o serbisyo (kabilang ang iyong sariling tatak o negosyo), at nilalaman na iyong naging insentibo na mag-post sa pamamagitan ng pagtanggap ng monetary payment o libreng regalo.
Kailangan mong sumunod sa Terms of Service at Community Guidelines ng Snap, at lahat ng iba pang policy ng Snap na sumasaklaw sa paggamit ng aming mga Serbisyo. Maaari naming baguhin paminsan-minsan ang aming terms, policies, at guidelines, kaya regular na pakitingnan at suriin ang mga ito.
Kailangan mong maging tapat tungkol sa mga brand, produkto at serbisyong pino-promote ng content mo; kailangan mong iwasan ang content na nanlilinlang, nanloloko, o nananakit; at kailangang hindi mo kailanman ikokompromiso ang privacy ng mga user namin.
May pananagutan ka sa paninigurado na ang content mo, at anumang brand, produkto o serbisyong itinataguyod nito, ay naaangkop sa mga Snapchatter na may edad 13+. Maaari naming ibigay sa iyo ang opsyong i-target para sa partikular na edad ang content na ginagawa mong available. Kung ang content na iyon ay nangangailangan ng pag-target ng edad sa policy na ito, o kung iniaatas iyon ng mga naaangkop na batas o mga pamantayan sa industriya sa rehiyon kung saan tatakbo ang content, responsibilidad mong gamitin ang mga opsyon sa pag-target na iyon at piliin ang (mga) wastong edad at hindi kami mananagot kung hindi mo iyon magagawa. Kung hindi available ang isang iniaatas na target na edad, huwag i-post ang content na iyon.
Ang content ng komersyal na nauugnay sa pabahay, credit, o trabaho at nakadirekta o naka-target (kung naaangkop) sa partikular na lahi, etnisidad, relihiyon o paniniwala, bansang pinagmulan, edad, sekswal na oryentasyon, kasarian, gender identity o gender expression, kapansanan o kundisyon, o sa sinumang miyembro ng pinoprotektahang uri ng mamamayan sa lipunan.
Responsibilidad mo ring tiyaking ang content mo at anumang pagbubunyag ay sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas, kautusan, ordinansa, panuntunan, panuntunan sa kaayusan ng publiko, kodigo at regulasyon ng industriya.
Lahat ng pagsisiwalat, disclaimer, at babala ay dapat na malinaw at lantad.
Dapat tukuyin ng komersyal na content ang komersyal na katangian ng content, at anumang pino-promote na brand. Dapat mo ring gamitin ang tool na paid partnership ng Snap para lagyan ng label ang content na ito, at kung kinakailangan, dapat mong isama ang anumang kinakailangang disclaimer o watermark na nagsasaad na niretoke ang komersyal na content mo.
Narito ang ilang halimbawang scenario kung kailan mo maaaring kailanganing gamitin ang tool na paid partnership:
Creator kang gumagawa ng mga video ng roller skating. Nagpapadala sa iyo ng pera ang isang roller skate na brand para i-mention mo ang kanilang brand sa isang Snap.
Kailangan mo bang ilapat ang label na “paid partnership”? Oo, dahil binabayaran ka para mag-promote.
Hindi nagpapadala sa iyo ng pera ang isang roller skate na brand, pero nagpapadala sila sa iyo ng pares ng mga roller skate nang “libre” — na may kahilingang gumawa ka ng pagsusuri sa mga skate kung gusto mo ang mga ito.
Kailangan mo bang ilapat ang label na “paid partnership”? Oo, dahil nakatanggap ka ng isang bagay na may halaga (ang mga skate) kapalit ng promotion.
Hindi nagbibigay sa iyo ang brand ng roller skate ng mga skate na itatago, pero hinahayaan ka nilang humiram ng ilang skate para sa isang video, kung ime-mention mo ang kanilang brand o ipapakita ang logo sa kung saan man.
Kailangan mo bang ilapat ang label na “paid partnership”? Oo.
Ikaw mismo ang bumibili ng mga skate para i-review ang mga ito; ginagawa mo rin ito para sa iba pang mga brand ng skate.
Kailangan mo bang ilapat ang label na “paid partnership”? Hindi, dahil hindi ka binabayaran ng brand sa anumang paraan.
Gumagawa at nagbebenta ka ng mga roller skate.
Kailangan mo bang ilapat ang label na “paid partnership”? Oo, para ibunyag na ikaw ay may insentibong i-endorso ang mga roller skate.
Nauunawaan mo na ang komersyal na content na ikaw ang nag-post sa pampublikong profile ay maaari ring makita sa seksyong For You ng Snapchat at sisiguraduhin mong lahat ng pagbubunyag ay naaangkop din sa kontekstong iyon. Para maabot ng komersyal mong content ang pinakamaraming audience na posible sa Stories, Spotlight, Map, o iba pang bahagi ng app, dapat na nakikita at naaangkop ang iyong pagbubunyag sa mga kontekstong iyon. Halimbawa: kung magpo-post ka ng 6 na Snap ng komersyal na content, ngunit ang unang Snap lang ang nagbunyag ng komersyal na katangian, ang unang Snap lang ang kwalipikadong makarating sa labas ng iyong Pampublikong Profile.
Kung hihingi ka sa mga Snapchatter ng personal na impormasyon, kailangan mong linawin na ikaw ang nangongolekta ng data, hindi ang Snap, at kailangang may privacy policy na makukuha kaagad sa sitwasyon na nangongolekta ng personal na impormasyon.
Ang komersyal na content ay hindi maaaring kumolekta ng impormasyon tungkol sa pinagmulang lahi o etniko, pampulitikang opinyon, paniniwalang relihiyoso o pilosopikal, pagiging miyembro ng unyon ng manggagawa, kalusudan, sekswal na buhay o kasaysayang medikal.
Dapat na kolektahin at iproseso ang personal na impormasyon sa ligtas na paraan.
Ang komersyal na content ay hindi dapat lumabag sa intellectual property, privacy, publisidad o iba pang legal na karapatan ng sinumang tao o entity. Kailangan mayroon ka ng lahat ng kinakailangang karapatan at pahintulot para sa lahat ng elemento ng iyong content, kabilang na ang paggamit sa anumang content na ibinigay ng Snap, gaya ng musika, lenses at geofilters. Huwag itatampok ang pangalan, pagkakatulad (pati pagkakahawig), boses (pati pagkakatulad ng tunog) o iba pang tampok na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng indibidwal o brand nang wala ang kanilang pahintulot.
Kung naniniwala kang ang mga karapatan sa copyright, trademark o publisidad ay nilabag ng komersyal na content sa Snapchat, hinihikayat ka naming subukang makipag-ugnayan at lutasin ang mga alalahanin nang direkta sa publisher. O kaya, maaaring i-report dito sa Snap ng may hawak ng karapatan at ng kanilang mga ahente ang nabanggit na paglabag sa intellectual property. Pinapahalagahan namin ang lahat ng ganitong report.
Ang komersyal na content ay hindi dapat magmungkahi ng pagkakaugnay sa o pag-endorso ng Snap o ng mga produkto nito. Ibig sabihin nito, ang komersyal na content ay hindi dapat gumagamit ng anumang trademark na pagmamay-ari ng Snap, artwork ng Bitmoji, o mga representasyon ng user interface ng Snapchat, maliban na lang kung pinapahintulutan sa Brand Guidelines ng Snapchat o ang Bitmoji Brand Guidelines. Ang komersyal na content ay dapat ding hindi maglaman ng binago o nakakalitong katulad na variation ng anumang trademark na pagmamay-ari ng Snap.
Ang mga promosyon sa Snapchat ay sumasailalim sa Mga Tuntunin sa Promosyon ng Snap.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng alak ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pa sa naaangkop na legal na edad para uminom sa lugar kung saan ipinapakita ang content, o sa mga lugar kung saan ang ganitong content ay hindi pinapahintulutan. Kailangan mong gamitin ang mga available na opsyon sa pag-target. Ang ganitong content ay hindi dapat magpakita ng labis o iresponsableng pagkonsumo ng alak o ng mga lasing na indibidwal.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng serbisyo sa dating ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pang 18 taong gulang. Kailangan mong gamitin ang mga availble na opsyon sa pag-target. Ang ganitong conent ay hindi dapat masyadong sekswal, tumutukoy sa transaksyonal na relasyon, nagpo-promote o pumupuri sa pagtataksil, o naglalarawan ng mga indibidwal na masyadong bata o mukhang bata para gamitin ang serbisyo. Hindi pinapahintulutan ng Snap ang pagdirekta ng content sa mga serbisyo sa online dating sa mga sumusunod na bansa: Algeria, Bahrain, Egypt, Gaza at ang West Bank, Iraq, Japan, Jordan, Kuwait, Lebanon, Morocco, Oman, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, Tunisia, at United Arab Emirates.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng mga produkto o serbisyo para sa pagbabawas ng timbang ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pang 18 taong gulang. Kailangan mong gumamit ng mga available na opsyon sa pag-target. Ang ganitong content ay hindi dapat naglalaman ng mga hindi totoong pahayag o hindi tumpak na paglalarawan ng mga pagkaing produkto, kabilang ang mga nauugnay na pahayag tungkol sa kalusugan at nutrisyon.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng mga serbisyo sa pagsusugal ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pa sa naaangkop na legal na edad para magsugal sa lugar kung saan ipinapakita ang content, o sa mga lugar kung saan ang ganitong content ay hindi pinapahintulutan. Kailangan mong gamitin ang mga available na opsyon sa pag-target.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng ilang partikular na kumplikadong pinansyal na produkto, na posibleng kinabibilangan ng mga cryptocurrency wallet at trading platform ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pa sa naaangkop na legal na edad sa lugar kung saan ipinapakita ang content o sa mga lugar kung saan ang ganitong content ay hindi pinapahintulutan. Kailangan mong gamitin ang mga available na opsyon sa pag-target.
Ang komersyal na content na nagpo-promote ng mga pharmaceutical na produkto at serbisyo, kabilang ang mga online na botika, inireresetang gamot, over the counter na gamot, supplement para sa kalusugan at diet, condom, hormonal contraceptive, o cosmetic surgery/procedure ay hindi dapat nakadirekta sa sinumang wala pa sa naaangkop na legal na edad sa lugar kung saan ipinapakita ang content o sa mga lugar kung saan ang ganitong content ay hindi pinapahintulutan. Kailangan mong gamitin ang mga available na opsyon sa pag-target.
Ang komersyal na content na nauugnay sa mga sumusunod ay hindi pinapahintulutan:
Content na nauugnay sa halalan tungkol sa mga kandidato o partido na tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno, mga panukala sa balota o referendum, mga komite para sa politikal na aksyon, at content na naghihikayat sa mga taong bumoto o magparehistro para makaboto.
Content na nauugnay sa advocacy o issue tungkol sa mga issue o organisasyon na pinag-uusapan sa debate sa local, national, o global level, o na may halaga sa publiko. Kabilang sa mga halimbawa ang: content tungkol sa pagpapalaglag, imigrasyon, kalikasan, edukasyon, diskriminasyon, at mga baril.
Malaya ang mga Snapchatter na ipahayag ang kanilang sariling politikal na opinyon, ngunit pinaghihigpitan ng Snap ang may bayad na promotion ng politikal na mensahe sa mga tradisyonal na format ng ad. Ginagawa ito para magkaroon ng pananagutan sa aming komunidad at para mapanatili ang transparency. Para sa higit pang detalye tungkol sa advertising kaugnay sa politika, pakitingnan ang aming Policies sa Advertising.
Alamin ang aming Community Guidelines, na pangunahing pamantayan para sa lahat ng content sa Snapchat, kabilang ang komersyal na content. Sa konteksto ng komersyal na content, ipinagbabawal din namin ang:
Anumang uri ng sexual solicitation
Mga pagpapakita o mga graphic na paglalarawan ng ari sa anumang konteksto, mga nakalantad na utong o walang saplot na puwit, o bahagyang kahubaran (hal., isang taong nakahubad ngunit natatakpan ng body paint o mga emoji)
Mga pagpapakita ng, o mga pagtukoy sa mga partikular na sekswal na gawain, sa anumang konteksto. Kabilang dito ang mga kilos na gumagaya sa partikular na sekswal na gawain, may props man o wala
Mga serbisyo sa dating na nagbibigay-diin sa mga casual na sekswal na karanasan
Pang-adult na entertainment (hal., pornograpiya, mga sekswal na live stream, mga strip club, burlesque)
Sekswal na materyal na walang pahintulot (mga tabloid na nagpa-publish ng mga leaked, pribado, o hindi disenteng larawan
Mga pagpapakita ng, o mga labis na pagtukoy sa sekswal na karahasan
Bullying o pamamahiya. Halimbawa: ang komersyal na content na nauugnay sa fitness ay hindi dapat nangmamaliit ng kahit sino batay sa hugis o sukat ng katawan.
Pagmumura, kalaswaan, at malalaswang kilos
Mga pagtatangka na manindak o manakot ng isang tao para bumili ng produkto o serbisyo
Graphic at tunay na karahasan sa labas ng konteksto ng balita o dokumentaryo
Pagpuri sa karahasan, pati na rin ang anumang pagpuri sa pananakit sa sarili, digmaan, pagpaslang, pang-aabuso, o pang-aabuso sa hayop.
Mga nakakabagabag at graphic na paglalarawan ng malubhang pinsala sa katawan na maaaring magresulta sa pagkamatay o pangmatagalang injury.
Hindi totoo o mapanlinlang na content, kabilang ang mga nakakalokong pahayag, alok, functionality, o mga kagawian sa negosyo
Promotion ng mga mapanlokong produkto o serbisyo, kabilang ang mga palsipikadong dokumento o sertipiko o mga pekeng produkto
Paggawa o pagse-share ng content na gumagaya sa hitsura o function ng features o formats ng Snapchat
Mga mapanlokong call to action, o bait-and-switch link sa mga landing page na walang kaugnayan sa brand o content na pino-promote
Pagkukubli, o paghihigpit sa access sa landing page, o mga pagbabago sa URL content pagkatapos ng pag-submit sa pagtatangkang iwasan ang review
Paghihikayat ng hindi tapat na gawi (hal., komersyal na content na nauugnay sa mga pekeng ID, plagiarism, mga serbisyo sa pagsusulat ng sanaysay)
Hindi paghahatid ng mga produkto, o pagkukunwaring naantala ang shipping o na may limitasyon sa imbentaryo
Mga produkto o serbisyong pangunahing nakatuon sa pagbebenta ng mga pekeng produkto, gaya ng mga imitasyon ng mga designer o opisyal na lisensyadong produkto
mga produkto o serbisyong may huwad na testimonya o paggamit ng tanyag na tao
Mga mapanlinlang na pinansyal na produkto gaya ng mga payday loan, mapanilang na pagpapautang, insider tip na nauugnay sa mga pinansyal na produkto o serbisyo, alok sa pagyaman nang mabilis, pyramid scheme o iba pang mapanlinlang o masyadong magandang pinansyal na alok para maging totoo,
Content na nangmamaliit, naninira, nandidiskrimina o nagpapakita ng pagkapoot sa partikular na lahi, etnisidad, kultura, bansa, paniniwala, bansang pinagmulan, edad, sekswal na oryentasyon, kasarian, gender identity o gender expression, kapansanan o kundisyon, o sa sinumang miyembro ng pinoprotektahang uri ng mamamayan sa lipunan
Pag-facilitate o paghihikayat ng ilegal na gawain (gawi, mga produkto, o mga enterprise). Halimbawa:
pag-promote ng ilegal na bentahan ng wildlife, o mga produkto at serbisyong nagmula o gawa sa mga endangered o threatened species
Mga produkto o serbisyong pangunahing ginamit para lumabag sa mga karapatan sa intelektuwal na pag-aari ng iba, gaya ng mga dinisenyo para iwasan ang mga mekanismo sa proteksyon ng copyright (halimbawa, mga descrambler ng software o cable signal)
Paghihikayat o pagbibigay-daan sa paglahok sa mga mapanganib o mapaminsalang aktibidad, tulad ng Snapping habang nagmamaneho o kumakain ng mga bagay na hindi pagkain.
Ang paglalarawan ng paggamit ng ilegal na droga o ang libangan na paggamit ng mga gamot.
Ang paglalarawan ng paninigarilyo o pag-vape, maliban sa konteksto ng pampublikong pagmemensahe sa kalusugan o pagtigil sa paninigarilyo.
Mga nilalaman na nagpo-promote ng mga armas at pampasabog at mga kaugnay na gamit. Kabilang dito ang mga baril, bala, paputok, combat knife, at pepper spray.