Mga Tuntunin sa Rewards Program ng Snap Lens Creator
May bisa: Hunyo 1, 2024
NOTICE SA ARBITRATION: NAGLALAMAN ANG TERMS NA ITO NG SUGNAY NG ARBITRATION SA MAS HULING BAHAGI.
KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES O KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG NEGOSYO NA NASA UNITED STATES ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO, MALIBAN SA MGA PARTIKULAR NA URI NG TUNGGALIAN NA BINANGGIT SA SUGNAY SA ARBITRATION NG SNAP INC. TERMS OF SERVICE, IKAW AT ANG SNAP INC. SUMANG-AYON NA ANG MGA PAGTUTOL SA PAGITAN NATIN AY RESOLBAHIN NG SUGNAY SA MANDATORY BINDING ARBITRATION SA SNAP INC. TERMS OF SERVICE, AT IKAW AT ANG SNAP INC., AY TUMATALIKOD SA ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION NA LAWSUIT O CLASS-WIDE NA ARBITRATION. MAY KARAPATAN KA NA MAG-OPT OUT SA ARBITRATION AYON SA IPINALIWANAG SA CLAUSE NA IYON.
KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG NEGOSYONG NASA LABAS NG ESTADOS UNIDOS ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO, IKAW AT ANG SNAP (TINUKOY SA IBABA) AY SUMASANG-AYON NA ANG MGA DISPUTE SA PAGITAN NATIN AY MARERESOLBA NG UMIIRAL NA SUGNAY NG ARBITRATION SA MGA TUNTUNIN NG SERBISYO NG SNAP GROUP LIMITED
Na-draft namin itong Lens Creator Rewards Program Terms (“Terms”) upang malaman mo ang mga panuntunang sumasaklaw sa iyong pagsusumite ng mga Lens sa, at pakikilahok sa, Lens Creator Rewards Program (“Programa”), kung kwalipikado gaya ng nakasaad sa Terms na ito. Pinapahintulutan ng Programa ang mga user na nakakatugon sa mga pamantayan sa pagiging kwalipikadong itinakda sa Terms na ito (na tinutukoy namin sa kabuuan ng Terms na ito bilang “Mga Tagapagbigay ng Serbisyo” o “Mga Creator”) na may pagkakataong makatanggap ng mga reward mula sa Snap kaugnay ng kanilang mga serbisyo ng pagsusumite ng Lenses na may mahusay na pagganap sa Snapchat sa loob ng Lens Studio. Ang Programa, at ang bawat produkto at serbisyong inilalarawan sa Terms na ito, ay “Mga Serbisyo” na gaya ng tinutukoy sa Terms of Service ng Snap. Sa pamamagitan ng pagbanggit, kabilang sa Terms na ito ang Snap Terms of Service, Community Guidelines, Terms ng Lens Studio, Kasunduan sa Lisensya ng Lens Studio, Brand Guidelines ng Snapchat, Guidelines ng Paggamit ng Snapcode, at Guidelines sa Pagsusumite sa Lens Studio, at anupamang terms, patakaran, o guidelines na sumasaklaw sa mga Serbisyo. Pakisuri din ang aming Privacy Policy para matutunan kung paano namin pinapangasiwaan ang impormasyon kapag ginamit mo ang Mga Serisyo. Pakibasa nang mabuti ang Terms na ito.
Bumubuo ang Terms na ito ng legal na umiiral na kontrata sa pagitan mo (o ng iyong organisasyon) at Snap (tinukoy sa ibaba). Para sa mga layunin ng Terms na ito, ang “Snap” ay nangangahulugang:
Snap Inc. (kung nakatira ka sa Estados Unidos o kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng negosyong matatagpuan ang pangunahing lugar ng negosyo nito sa Estados Unidos);
Snap Camera India Private Limited (kung nakatira ka o ginagamit ang Mga Serbisyo sa ngalan ng negosyong matatagpuan ang pangunahing lugar ng negosyo nito sa India); o
Snap Group Limited (kung nakatira ka o gumagamit ng Mga Serbisyo sa ngalan ng negosyong matatagpuan ang pangunahing lugar ng negosyo saanman sa mundo.
Sa abot ng pagsalungat ng Terms na ito sa iba pang terms na sumasaklaw sa Serbisyo, ang Terms na ito ang tanging iiral kaugnay ng Programa. Ang lahat ng naka-capitalize na terms na ginamit pero hindi binigyang-kahulugan sa Terms na ito ay may kani-kaniyang kahulugan alinsunod sa itinakda sa naaangkop na terms na sumasaklaw sa Serbisyo. Mag-print ng kopya ng Terms na ito at panatilihin ang mga ito para sa sanggunian mo.
GAYA NG MAS DETALYADONG INILALARAWAN SA IBABA, POSIBLE KANG MAKATANGGAP NG BAYAD PARA SA IYONG MGA SERBISYO KUNG MAKAKATUGON SA MGA NAAANGKOP NA PAMANTAYAN SA PAGIGING KWALIPIKADO ANG MGA LENS NA ISUSUMITE MO AT ANG IYONG PAYMENT ACCOUNT (TINUKOY SA IBABA). MALIIT NA PORSYENTO LANG NG MGA CREATOR NA MAGSUSUMITE NG MGA LENS SA PROGRAMA ANG MAKAKATANGGAP NG BAYAD.
Isa-submit ang lahat ng Lens na isinumite mo sa Programa alinsunod sa, at sumasailalim sa, Terms ng Lens Studio at Kasunduan sa License ng Lens Studio. Ang mga Lens na isinumite sa Programa ay mapapailalim sa pagsusuri para sa pagsunod sa Terms na ito, alinsunod sa mga moderation algorithm at pamamaraan ng pagsusuri ng Snap at ang mga Lens na hindi nakakasunod ay posibleng hindi kwalipikado para sa Programa. Ang mga Lens na kwalipikado ay ipamamahagi sa pamamagitan ng pagmamay-aring algorithm at mga pamamaraan sa pamamahagi ng content ng Snap.
Maliit na porsyento lang ng mga Creator na magsusumite ng Lens sa Programa ang makakatanggap ng bayad. Magiging available lang ang kakayahang makatanggap ng mga bayad sa limitadong bilang ng mga bansa, na nakalista sa Guidelines at FAQ ng Programa (“Mga Kwalipikadong Bansa”). Anumang oras, posibleng magdagdag o mag-alis ang Snap ng mga bansa sa listahan ng Mga Kwalipikadong Bansa. Ang pagbabayad ay popondohan ng Snap, kung mayroon man, (ang aming bayad sa iyo, gaya ng potensyal na inilalarawan sa ibaba, ang “Bayad sa Serbisyo” o “Bayad” lang).
Para maging kwalipikado sa Pagbabayad, kailangang mong (i) magsumite ng Kwalipikadong Lens, at (ii) matugunan ang lahat ng Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Payment Account, gaya ng inilalarawan pa sa ibaba.
Mga Kwalipikadong Lens. Para ituring na “Kwalipikadong Lens,” ang Lens na isinumite mo sa Programa sa Panahon ng Pagiging Kwalipikado ay dapat: (i) itinalagang “pampubliko” sa Lens Studio; at (ii) high-performing na Lens na pinagsama-sama sa lahat ng nga Rehiyon, na kinakalkula alinsunod sa aming pagmamay-aring formula, na posible naming pana-panahong i-adjust, at batay sa maraming salik, na posibleng kinabibilangan ng performance ng account at pakikipag-ugnayan sa user (kapag pinagsama, ang "Mga Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado”). Ibig sabihin ng "Panahon ng Pagiging Kuwalipikado," ito ang 90 araw sa kalendaryo pagkatapos ng pag-submit mo ng Lens. Puwede kang mag-enroll ng Lens sa Programa kahit kailan sa Panahon ng Pagiging Kuwalipikado sa pamamagitan ng pag-opt in ng nasabing Lens sa Programa sa loob ng 'Mga Lens Ko'. Kasama ang "Mga Rehiyon" at iba pang impormasyon tungkil sa Mga Kuwalipikadong Lens sa Gabay ng Developer. Sa anumang oras, maaaring magdagdag or mag-alis ng mga bansa ang Snap mula sa listahan ng mga Rehiyon.
Pagiging Kwalipikado para sa Payment Account. Para maging kwalipikado na makatanggap ng Mga Pagbabayad, kailangan mo ring matugunan ang lahat ng Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account (inilarawan sa ibaba).
Kung, habang nasa naaangkop na Panahon ng Pagiging Kwalipikado, nag-submit ka ng Kwalipikadong Lens, depende sa pagtugon mo sa Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Payment Account (na inilarawan sa ibaba) at pagsunod sa Terms na ito, magiging kwalipikado kang makatanggap ng bayad para sa mga serbisyo mo kaugnay ng iyong Kwalipikadong Lens (“Kwalipikadong Aktibidad”).
Ilalaan ang mga bayad alinsunod sa aming pagmamay-aring formula sa pagbabayad, na posible naming pana-panahong i-adjust, at batay sa maraming salik, na posibleng kinabibilangan ng relatibong performance ng at pakikipag-ugnayan na na-generate ng iyong Kwalipikadong Lens kumpara sa iba pang Lens sa Programa, iyong heograpikong lokasyon, o kapag isinumite mo ang iyong Kwalipikadong Lens.
Matugunan mo man ang Mga Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado, at ang halaga ng anumang Bayad na posibleng kwalipikado kang makatanggap, posible pa rin itong maapektuhan ng aming mga algorithm at pamamaraan sa pag-moderate at pagmungkahi ng content, na posibleng magbigay priyoridad sa content sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng ilang salik, kasama ang kabuuang bilang ng mga natatanging view, post, share, at paborito na maiuugnay sa isang Lens, ang bilang ng mga pang-araw-araw na user na nag-view, nag-post, o nag-share ng Lens mo, ang kabuuang tagal na ginugol ng mga user na nakikipag-ugnayan sa Lens mo, ang heograpikong lokasyon mo at status ng account, o kung nauugnay ang Lens mo sa mahahalagang trend at paksa, na posibleng pana-panahong naming na-publish gamit ang Trending page sa Snapchat application o sa page ng Mga Trend sa Snapchat, at kung sumusunod ang content at account mo sa Terms na ito (kasama ang lahat ng isinamang Guideline sa pamamagitan ng pagbanggit).
Isasaalang-alang ang Kwalipikadong Aktibidad para sa aming mga internal system sa pamamagitan ng paggamit ng "Crystals," ang unit ng sukat na ginagamit namin para subaybayan at i-record ang iyong Kwalipikadong Aktibidad sa loob ng ibinigay na panahon.
Posibleng mag-iba-iba ang bilang ng Crystals na nire-record namin para sa Kwalipikadong Aktibidad, depende sa aming internal na pamantayan at mga formula, na puwede naming baguhin paminsan-minsan batay sa sarili naming pagpapasya. Puwede mong tingnan ang tinatayang bilang ng Crystals na ni-record namin para sa iyong Kwalipikadong Aktibidad sa pamamagitan na pagpunta sa Profile Ko ("Profile"). Pakitandaang ang anumang naturang bilang na mavi-view sa pamamagitan ng Profile mo ay mga paunang estimate na kinalkula para sa aming internal na pagbibilang. Ang Crystals ay inilaan lamang para maging internal na tool namin sa pagsukat para subaybayan ang Kwalipikadong Aktibidad at sukatin ang kasikatan ng content mo. Para malinaw, ang Crystals ay hindi naglalayong magbigay o magpahiwatig ng anumang karapatan o magrepresenta ng anumang pananagutan, hindi kabilang sa pag-aari, hindi naililipat o naitatalaga, at hindi maaaring bilhin o gawing subject ng bentahan, barter, o palitan.
Tutukuyin ang halaga ng bayad batay sa pinal na bilang ng Crystals na na-record namin para sa mga Kwalipikadong Aktibidad ng Creator na iyon sa ibinigay na panahon alinsunod sa aming pagmamay-aring formula sa pagbabayad, na posible naming pana-panahong i-adjust.
Sa pagpapasya kung isang Kwalipikadong Aktibidad ang isang aktibidad, puwede naming alisin ang tinatawag naming “Hindi Valid na Aktibidad,” hal. aktibidad na artipisyal na pinatataas ang bilang ng mga view, o iba pang performance, viewership, o engagement metrics ng Lens mo. Ang Hindi Tamang Aktibidad ay matutukoy ng Snap sa sarili nitong pagpapasya sa lahat ng oras at kabilang, pero hindi limitado sa: (i) spam, invalid na pakikipag-ugnayan, o mga invalid na view, o favorite, na na-generate ng sinumang tao, anumang bot, automated na program o katulad na device, kabilang ang sa pamamagitan ng anumang click o impression na nagmumula sa iyong mobile device, mga mobile device na pinapangasiwaan mo, o mga mobile device na may mga bago o kahina-hinalang account; (ii) mga pakikipag-ugnayan, view, favorite na na-generate sa pamamagitan ng pagbabayad ng pera o iba pang inducements sa mga third party, pekeng pagkatawan, o ang alok na mag-trade ng views ng Snaps; (iii) pakikipag-ugnayan, view, favorite na na-generate sa pamamagitan ng aktibidad na lumalabag sa terms na sumasaklaw sa Service, at (iv) pakikipag-ugnayan, mga click o view, favorite na co-mingled sa alinman sa aktibidad na inilarawan sa (i), (ii), (iii), at (iv) sa itaas. Kung natukoy naming nakilahok ka sa Hindi Valid na Aktibidad, puwede naming limitahan o suspendehin ang distribution ng mga Lens mo sa Programa at puwede kang ituring na hindi kwalipikado para sa Mga Pagbabayad.
Kailangan mo ring matugunan ang lahat ng sumusunod na kinakailangan (“Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account”) para maging kwalipikadong makatanggap ng Mga Bayad mula sa Snap.
Kung isa kang indibidwal, kailangan mong maging legal na residente ng isang Kwalipikadong Bansa at nag-submit ng Kwalipikadong Lens mo habang naroon ka sa nasabing Kwalipikadong Bansa.
Kailangan naabot mo na ang legal na age of maturity sa iyong hurisdiksyon o kahit 18 taong gulang at nakakuha ng (mga) kinakailangang pahintulot ng magulang o legal na tagapangalaga alinsunod sa aming mga pamamaraan.
Kailangan mong magbigay sa amin ng kumpleto at tumpak na impormasyon sa pakikipag-ugnayan, kasama ang iyong legal na pangalan at apelyido, email, phone number, state, at bansa kung saan ka naninirahan, at petsa ng kapanganakan ("Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan").
Kailangang gumawa at kumpletuhin mo (o ng iyong (mga) magulang/legal na tagapangalaga o business entity, kung naaangkop)) ang lahat ng kinakailangan para sa isang babayarang account sa awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad ("Babayarang Account"). Kailangang tumugma ang Babayarang Account mo sa iyong Kwalipikadong Bansa.
Inilaan namin ang karapatan, para sa aming mga sarili, affiliate, at third-party na provider ng pagbabayad, na i-verify ang Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan (na inilarawan sa ibaba) na ibinigay mo, pati na rin ang pagkakakilanlan at pahintulot ng magulang/legal na tagapangalaga para sa mga menor-de-edad bilang isang kondisyon para sa pagbabayad sa ilalim ng Terms na ito.
Kung pinahintulutan mo kaming i-transfer ang Mga Bayad sa iyo sa business entity mo alinsunod sa mga pamamaraan namin, at ng aming awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad, kailangang na-incorporate, may headquarters, o may opisina sa loob ng iyong Kwalipikadong Bansa ang nasabing entity.
Binigyan mo ang Snap at ang awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad nito ng tumpak na contact at iba pang impormasyong kinakailangan, para madaling makipag-ugnayan sa iyo ang Snap o third-party na provider ng pagbabayad nito at maipadala ang bayad sa iyo (o sa (mga) magulang/legal na tagapangalaga o business entity, kung naaangkop) kung kwalipikado ka para sa Pagbabayad.
Active ang Snapchat account at Babayarang Account mo, may good standing (na tinukoy namin at ng aming third-party na provide ng pagbabayad), at sumusunod sa Terms na ito.
Hindi ka magiging kwalipikadong makatanggap, at hindi ka namin babayaran, ng anumang Pagbabayad kung ikaw (o ang iyong (mga) magulang/ligal na tagapag-alaga o entity ng negosyo, kung naaangkop) ay hindi makakapasa sa amin, o sa aming third-party na provider sa pagbabayad, na pagsusuri sa pagsunod. Pana-panahong isinasagawa ang mga ganitong review at posibleng kasama dito ang, ngunit hindi limitado sa, isang pagsusuri para malaman kung lumalabas ka sa anumang listahan ng pinaghihigpitang party na mine-maintain ng anumang nauugnay na awtoridad ng pamahalaan, kabilang ang U.S. Specially Designated Nationals List at Foreign Sanctions Evaders List. Dagdag pa sa anupamang paggamit na inilarawan sa Terms na ito, posibleng i-share sa mga third party ang impormasyong ibinigay mo sa amin para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, mga pagsusuri sa pagsunod sa asal, at kumpletuhin ang proseso ng pagbabayad.
Kung (i) isa kang empleyado, opisyal, o direktor ng Snap o ng parent, subsidiary, o affiliated na kompanya nito, (ii) isang entity ng pamahalaan, subsidiary o affiliate ng isang entity ng pamahalaan, o miyembro ng isang royal family, o (iii) nag-submit ng mga Lens sa Programa mula sa isang Business Account, hindi ka magiging kwalipikado para sa Mga Pagbabayad.
Kung ikaw ay nakilahok sa o para sa Snap sa labas ng mga Terms na ito para gumawa o magbigay ng mga Lens na partikular para sa Snap, maaring hindi ka magiging kwalipikado para sa Mga Pagbabayad ng mga Lens na ginawa mo bilang bahagi ng pakikilahok na iyon.
Kung binura mo ang isang Lens bago ginawa ang isang Pagbabayad, ikaw ay hindi na magiging kwalipikado na makatanggap ng Pagbabayad sa kahit anumang naipon na pakikipag-ugnayan.
Kung matukoy naming nag-engage ka sa Kwalipikadong Aktibidad, aabisuhan ka namin tungkol sa iyong pagiging kwalipikado sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng notification gamit ang Snapchat application.
Depende sa iyong pagtupad sa Terms na ito, at, sa saklaw na pinapahintulutan ng batas, ikaw (o ang iyong (mga) magulang/legal na tagapangalaga o entity ng negosyo, kung naaangkop) ay makakapag-request ng Bayad sa pamamagitan ng pagpili sa nauugnay na opsyon sa Profile mo. Upang valid kang makapag-request ng Bayad, dapat munang may na-record at naibigay kami sa iyo na sapat na Crystals para matugunan ang minimum Payment threshold na $100 USD (“Payment Threshold”).
PAKITANDAAN: KUNG (A) HINDI NAMIN NA-RECORD AT NAIUGNAY ANG ANUMANG CRYSTALS SA ANUMANG AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON MULA SA IYO SA LOOB NG ISANG TAON, O (B) HINDI KA NAG-REQUEST NG PURSUANT SA PAGBABAYAD NANG TAMA SA KAAGAD NA SINUSUNDANG TALATA LOOB NG DALAWANG TAON, PAGKATAPOS — SA KATAPUSAN NG NAAANGKOP NA PANAHON — IBIBIGAY NAMIN ANG BAYAD SA IYONG PAYMENT ACCOUNT SA ISANG HALAGANG BATAY SA ANUMANG CRYSTALS NA NA-RECORD AT NAIUGNAY SA AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON MO SA PAGTATAPOS NG NATURANG PANAHON, SA KUNDISYONG SA BAWAT KASO: (I) NAABOT MO ANG THRESHOLD SA PAGBABAYAD, (II) GUMAWA KA NG ACCOUNT SA PAGBABAYAD, (III) IBINIGAY MO ANG LAHAT NG KAILANGANG IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAY AT ANUMANG IBA PANG IMPORMASYONG KINAKAILANGAN PARA MAGBUNGA ANG PAGBABAYAD SA IYO, (IV) HINDI PA KAMI NAGBIGAY NG BAYAD SA INYO KAUGNAY NG ANUMANG CRYSTALS NA ATING NA-RECORD AT NAIUGNAY SA NATURANG AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON, (V) ANG IYONG SNAPCHAT ACCOUNT AT PAYMENT ACCOUNT AY NASA MAGANDANG KATAYUAN, AT (VI) KUNG HINDI MAN AY NASA COMPLIANCE KA SA TERMS NA ITO AT ANG ATING MGA PAMAMARAAN AT TUNTUNIN NG THIRD-PARTY NA PROVIDER NG PAGBABAYAD. KUNG, GAYUNPAMAN, PAGKATAPOS NG NAAANGKOP NA PANAHON AY HINDI MO NATUGUNAN ANG LAHAT NG NAUNANG KINAKAILANGAN NANG BUO, HINDI KA NA MAGIGING KWALIPIKADONG MAKATANGGAP NG ANUMANG PAGBABAYAD NA NAUUGNAY SA NATURANG AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON.
Pwedeng magbigay sa iyo ng Pagbabayad sa ngalan ng Snap sa pamamagitan ng subsidiary o mga entity ng affiliate o iba pang awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad, na maaaring magsilbing payor sa ilalim ng Terms na ito. Walang pananagutan ang Snap para sa anumang delay, failure, o inability na maglipat ng Mga Bayad sa Service sa iyong Payment Account batay sa anumang dahilan na wala sa kontrol ng Snap, kasama ang failure mong sumunod sa Terms na ito o sa terms ng naaangkop na Payment Account. Walang pananagutan ang Snap kung, sa anumang dahilan na wala sa kontrol ng Snap, may isang tao maliban sa iyo (o sa iyong (mga) magulang/legal na tagapangalaga o entity ng negosyo, kung naaangkop) na mag-request ng Bayad batay sa anumang Crystals na na-record at naibigay namin sa Kwalipikadong Aktibidad mo gamit ang iyong Snapchat account o mag-transfer ng Bayad gamit ang impormasyon ng Payment Account mo. Kung binibigyan mo ng awtorisasyon ang Snap na magpadala ng mga Kabayaran sa entidad ng negosyo alinsunod sa mga pamamaraan namin at ng awtorisadong third-party payment provider namin, kinikilala at sinasang-ayunan mo na maaaring ipadala ng Snap ang alinman sa o lahat ng halagang ibabayad sa iyo sa ilalim ng Terms na ito sa nasabing entidad sa negosyo, sa ilalim ng pagsunod sa Terms na ito. Ibibigay ang bayad sa United States dollars, pero pwede mong piliing i-withdraw ang mga pondo mula sa iyong Payment Account sa iyong lokal na currency, na papatawan ng mga bayarin sa paggamit, pag-exchange, at transaksyon, gaya ng higit na inilalarawan sa Guidelines at FAQ sa Programa, at napapailalim sa terms ng aming third party payment provider. Anumang mga halaga sa Pagbabayad na ipinapakita sa Snapchat application ay mga tinantyang halaga at maaaring magbago. Ang mga pinal na halaga ng anumang Kabayaran ay makikita sa iyong Account sa Kabayaran.
Bilang karagdagan sa aming ibang mga karapatan at remedyo, maaari naming, hanggang sa saklaw na pinapayagan ng batas, nang hindi nagbibigay ng babala o paunang abiso, i-withhold, i-offset, i-adjust, o alisin ang anumang Pagbabayad sa iyo sa ilalim ng Terms na ito dahil sa hinihinalang Di-wastong Aktibidad, ang hindi pagsunod sa Terms na ito, anumang sobrang Mga Pagbabayad na maling naibigay sa iyo, o para i-offset ang mga naturang halaga sa anumang mga bayaring kailangan mong bayaran sa amin sa ilalim ng anumang kasunduan.
Kinakatawan mo na ang lahat ng impormasyong ibibigay mo sa amin o aming mga subsidiary, affiliate, o hindi awtorisadong provider ng bayad, ay totoo at tumpak, at na papanatilihin mo ang pagiging tumpak ng nasabing impormasyon sa lahat ng oras.
Sumasang-ayon ka at kinikilala mong mayroon kang natatanging pananagutan at sagutin para sa anuman at lahat ng buwis, tungkulin, o bayarin kaugnay ng anumang Mga Bayad na maaari mong matanggap kaugnay ng Service. Kasama sa Mga Bayad ang anumang naaangkop na buwis sa pagbebenta, paggamit, excise, value added, goods at services o katulad na buwis na maibabayad sa iyo. Kung, naaayon sa ilalim ng batas, kinakailangang ikaltas o kunin ang buwis mula sa anumang Kabayaran sa iyo, at ang Snap, ang katuwang, o awtorisadong third-party payment provider nito ay maaaring magkaltas ng mga nabanggit na buwis mula sa halagang ibabayad sa iyo at ibayad ang mga nasabing buwis sa wastong awtoridad sa buwis ayon sa kinakailangan ng naaayon na batas. Sumasang-ayon ka at kinikilala mo na ang pagbabayad sa iyo bilang nabawasan ng mga nasabing pagbabawas o pag-iingat ay magbubuo ng buong pagbabayad at pag-areglo sa iyo ng mga halagang babayaran sa ilalim ng Mga Tuntunin na ito. Ibibigay mo sa Snap, mga subsidiary nito, mga kaakibat, at anumang awtorisadong tagapagbigay ng bayad ang anumang mga form, dokumento o iba pang mga sertipikasyon na maaaring kailanganin upang matugunan ang anumang pag-uulat ng impormasyon o pag-withhold ng buwis na patungkol sa anumang Mga Pagbabayad sa ilalim ng Mga Tuntunin na ito.
Kinakatawan at ginagarantiyahan mong: (i) naabot mo ang edad ng legal na mayorya sa lugar na iyong tinitirahan (kung isang indibidwal), at mayroong ganap na karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na pumasok sa Terms na ito sa sarili mong ngalan at sa ngalan ng sinumang entity kung para kanino ka kumikilos, o nakuha mo ang pahintulot ng magulang/legal na tagapag-alaga, ayon sa kinakailangan sa iyong bansang tinitirahan, para sumang-ayon sa Terms na ito; (ii) nakuha mo ang lahat ng kinakailangang karapatan ng third party, kasama na ang mga karapatan sa publicity at privacy at anupamang karapatan pagdating sa pangalan, pagiging katulad, at boses, para sa paglabas ng sinumang indibidwal sa iyong Lens, at lahat ng kinakailangang pahintulot mula sa (mga) magulang o legal na tagapag-alaga para sa paglitaw ng sinumang indibidwal sa iyong Lens na wala pang labingwalong (18) taong gulang o anupamang naaangkop na edad ng hustong gulang; (iii) nabasa mo, nauunawaan mo, at sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng Terms na ito, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa aming Terms of Service, Community Guidelines, Terms ng Lens Studio, Kasunduan sa Lisensya ng Lens Studio, Brand Guidelines ng Snapchat, Guidelines ng Paggamit ng Snapcode, at Guidelines sa Pagsusumite sa Lens Studio; (iv) ang mga Lens na isusumite mo sa Programa ay tanging ikaw lang ang gumawa, hindi lumalabag sa o nagnanakaw ng anumang karapatan ng third party, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, copyright (kabilang ang master, synch, at public performance music copyright rights), trademark, publisidad, privacy, o anupamang naaangkop na karapatan, at sumusunod sa naaangkop na batas; (v) ibibigay mo ang anumang kinakailangang bayad sa sinumang third party patungkol sa iyong mga Lens at hindi ka magdudulot na makakaipon ang Snap ng anumang sagutin sa sinumang third party bilang resulta ng pagmamahagi ng content mo; at (vi) kung isa kang legal na residente ng isang bansa maliban sa United States, aktwal kang matatagpuan sa labas ng United States noong isinagawa mo ang mga serbisyo ng paggawa at pagsusumite ng mga Lens sa Programa.
Sumasang-ayon kang kumpidensyal ang anumang hindi pampublikong impormasyon na posibleng ibigay ng Snap at na hindi mo ito ihahayag sa sinumang third party nang walang hayagang paunang nakasulat na pag-apruba ng Snap.
Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Maaari mong malaman kung paano ginagamit ang iyong impormasyon kapag ginagamit mo ang aming Services sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Privacy Policy.
Bilang karagdagan sa anumang iba pang mga karapatan o remedyong maaaring mayroon kami, inilalaan namin ang karapatang suspindihin o i-terminate ang pamamahagi ng iyong mga Lens bilang bahagi ng Programa, Mga Serbisyo, o access mo sa alinman sa nabanggit. Sa pagkakataong hindi ka makasunod sa Terms na ito, posible kang madiskwalipika sa pagiging kwalipikadong makatanggap ng anumang hindi pa nababayarang halaga na naipon pero hindi pa nata-transfer sa iyong Payment Account. Kung sa anumang oras ay hindi ka sumasang-ayon sa anumang bahagi ng Terms na ito, dapat mong ihinto ang paggamit sa Programa o sa mga naaangkop na bahagi ng Serbisyo.
Nakalaan sa amin ang karapatang ihinto, baguhin, huwag ialok, o ihinto ang pag-alok o pagsuporta sa Programa o anuman sa Mga Serbisyo sa anumang oras at para sa anumang kadahilanan, sa aming sariling pagpapasya, nang walang paunang notice o pananagutan sa iyo, sa maximum na saklaw na pinapahintulutan ng mga naaangkop na batas. Hindi namin ginagarantiyahan na magiging available ang Programa o ang alinman sa mga Serbisyo sa lahat ng oras o sa anumang pagkakataon, o na patuloy naming iaalok ang alinman sa mga kasalukuyang Serbisyo sa loob ng anumang partikular na tagal ng panahon. Hindi ka inirerekomendang umasa sa patuloy na availability ng Programa o anuman sa Mga Serbisyo para sa anumang kadahilanan.
Walang anuman sa Terms na ito ang magpapakahulugan o magpapahiwatig ng ugnayan ng isang joint venture, principal-agent, o trabaho sa pagitan mo at ng Snap.
Gaya ng binanggit sa itaas, kung tutukuyin ng Snap na posibleng kwalipikado kang makatanggap ng Bayad, aabisuhan ka ng Snap at ng aming third-party na payment provider sa pamamagitan ng Snapchat application o ng Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan na ibinigay mo sa iyong user profile, kabilang ang email address. Puwede ring makipag-ugnayan sa iyo ang Snap tungkol sa iyong mga Lens na hindi eligible na tumanggap ng Mga Bayad at para sa iba pang dahilan. Mangyaring tingnan palagi ang mga notipikasyon mo sa Snapchat, panatilihing pinakabago ang email at numero sa telepono mo, at i-verify ang email mo.
Bilang paalala, ang Terms na ito ay isinasama ang Snap Inc. Terms of Service o ang Snap Group Limited Terms of Service (alinman ang naaangkop sa iyo batay sa kung saan ka nakatira o, kung ginagamit mo ang mga Service sa ngalan ng negosyo, kung saan ang pangunahing lugar ng negosyo na iyon). Kahit pa ang lahat ng Snap Inc. Terms of Service o ang Snap Group Limited Terms of Service (alinman sa naaangkop) ang magagamit sa iyo, nais naming partikular na ipunto na pinamamahalaan ang Terms na ito ng sugnay sa Arbitrasyon, Class-Action Waiver, at Jury Waiver, at sugnay sa Choice of Law, at sugnay sa Exclusive Venue ng Snap Inc. Terms of Service (kung nakatira ka, o ang pangunahing lugar ng negosyong kinakatawan mo ay, sa United States) o ang sugnay sa Paglutas ng Pagtatalo, Arbitrasyon, sugnay sa Choice of Law, at sugnay sa Exclusive Venue ng Snap Group Limited Terms of Service (kung nakatira ka, o ang pangunahing lugar ng negosyong kinakatawan mo ay, sa labas ng United States).
NOTIFICATION NG ARBITRATION: MALIBAN SA ILANG PARTIKULAR NA URI NG MGA DISPUTE NA BINANGGIT SA SNAP INC. TERMS OF SERVICE, IKAW AT ANG SNAP AY SUMASANG-AYON NA ANG CLAIMS AT PAGTATALO, KABILANG NA ANG STATUTORY CLAIMS AT PAGTATALO, NA LUMILITAW SA PAGITAN NATIN AY LULUTASIN NG INIUUTOS NA UMIIRAL NA SUGNAY SA ARBITRASYON NG SNAP INC. TERMS OF SERVICE KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES O GINAGAMIT MO ANG MGA SERVICE SA NGALAN NG NEGOSYO NA ANG PANGUNAHING LUGAR AY SA UNITED STATES, AT IKAW AT ANG SNAP INC. AY IPINAUUBAYA ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION. KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG NEGOSYO NA NASA LABAS NG UNITED STATES ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO, IKAW AT ANG SNAP GROUP LIMITED AY SUMASANG-AYON NA ANG MGA TUNGGALIAN SA PAGITAN NATIN AY MALULUTAS NG UMIIRAL NA SUGNAY SA ARBITRATION SA SNAP GROUP LIMITED TERMS OF SERVICE.
Sa pana-panahon, maaari naming baguhin ang Mga Tuntunin na ito. Maaari mong matukoy kung kailan huling binago ang Mga Tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa petsang nakalagay sa taas na may katagang "Epektibo". Anumang pagbabago sa Terms na ito ay magkakaroon ng bisa sa petsa ng "Bisa" sa itaas, at ilalapat sa paggamit mo ng mga Service pagkatapos noon. Sumasang-ayon kang suriin ang Terms na ito, kabilang ang anumang mga update, nang regular para matiyak na pamilyar ka sa pinakabagong bersyon ng naturang terms. Sa pamamagitan ng paggamit sa Service pagkatapos ng pampublikong pag-post ng na-updated na Terms, ituturing na sumasang-ayon ka sa na-update na Terms. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga pagbabago, dapat mong ihinto ang paggamit sa Service. Kung ang anumang probisyon ng Terms na ito ay napatunayang hindi maipapatupad, ang probisyong iyon ay mapuputol at hindi makakaapekto sa bisa at pagpapatupad ng anumang mga natitirang probisyon