Terms sa Pagsa-submit at Kita sa Spotlight ng Snap
May bisa: Abril 1, 2024
NOTICE NG ARBITRATION: NAGLALAMAN ANG TERMS NA ITO NG SUGNAY NGARBITRATION PAGKALIPAS NG ILAN PANG PANAHON.
KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES O KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG NEGOSYONG NASA LABAS NG UNITED STATES ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO: MALIBAN SA MGA PARTIKULAR NA URI NG PAGTATALONG BINANGGIT SA SUGNAY NG ARBITRATION NG SNAP INC. TERMS OF SERVICE, IKAW AT ANG SNAP INC. AY SUMASANG-AYONG MARERESOLBA ANG MGA PAGTATALO SA PAGITAN NATIN NG MANDATORY BINDING NA SUGNAY NG ARBITRATION SA SNAP INC. TERMS OF SERVICE, AT IKAW AT ANG SNAP INC. AY IPINAPAUBAYA ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA CLASS-ACTION NA LAWSUIT O CLASS-WIDE NA ARBITRATION. MAY KARAPATAN KANG MAG-OPT OUT SA ARBITRATION GAYA NG IPINALIWANAG SA SUGNAY NA IYON.
KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO PARA SA ISANG NEGOSYO NA NASA LABAS NG UNITED STATES ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO NITO: SUMASANG-AYON KA AT ANG SNAP (INILARAWAN SA IBABA) NA LULUTASIN ANG MGA HINDI PAGKAKASUNDO SA PAGITAN NATIN SA PAMAMAGITAN NG UMIIRAL NA SUGNAY NG ARBITRATION SA MGA TUNTUNIN NG SERBISYO NG SNAP GROUP LIMITED.
1. Panimula
Welcome sa Spotlight, isang entertainment platform para sa user-generated content sa Snapchat kung saan mae-enjoy mo ang mga pinaka-entertaining na Snaps mula sa Snapchat community. Ang Spotlight ay isang "Serbisyo" na inilarawan sa aming Terms of Service, na kasama ang aming Community Guidelines, The Spotlight Guidelines & FAQ, Music on Snapchat Guidelines, at anipamang terms na sumasaklaw sa Serbisyo, ay isinama bilang sanggunian sa Pag-submit sa Spotlight ng Snap at Terms ng Kita (ang “Terms ng Spotlight”). Paki-review ang aming Privacy Policy para alamin kung paano namin pinangangasiwaan ang impormasyon kapag ginagamit mo ang Mga Serbisyo. Pakibasa nang mabuti ang mga Spotlight Terms na ito. Ang Spotlight Terms na ito ay lumilikha ng ligal na umiiral na kontrata sa pagitan mo (o ng iyong organisasyon) at ng Snap Inc. (kung nakatira ka sa United States o kung ginagamit mo ang mga Service sa ngalan ng negosyo na sa United States ang pangunahing lugar ng negosyo) o Snap Group Limited (kung nakatira ka o ginagamit mo ang mga Service sa ngalan ng negosyo na nasa labas ng United States ang pangunahing lugar ng negosyo). Kung sumasalungat ang Spotlight Submission at Revenue Terms ng Snap Inc. na ito sa iba pang terms na sumasaklaw sa Service, ang Spotlight Submission at Revenue Terms ng Snap Inc. na ito ang ganap na magkokontrol sa iyong paggamit ng Spotlight. Ang lahat ng naka-capitalize na terms na ginamit pero hindi binigyang kahulugan sa Spotlight Submission at Revenue Terms ng Snap Inc. na ito ay may kani-kaniyang kahulugan alinsunod sa itinakda sa naaangkop na terms na sumasaklaw sa Service. Mag-print ng kopya ng Spotlight Terms na ito at itabi ang mga ito bilang iyong reference.
GAYA NG DETALYADONG INILARAWAN SA IBABA, PUWEDE KANG MAKATANGGAP NG MGA BAYAD PARA SA MGA SERBISYO MO KAUGNAY NG IYONG AKTIBIDAD SA SPOTLIGHT KUNG ANG SNAPCHAT ACCOUNT MO, ANG MGA SNAP NA NA-SUBMIT MO SA SPOTLIGHT, AT ANG BABAYARANG ACCOUNT MO (NA INILARAWAN SA IBABA) AY NAKAKATUGON SA NAAANGKOP NA PAMANTAYAN SA PAGIGING KWALIPIKADO. MALIIT NA BILANG LANG NG MGA CREATOR NA NAGSA-SUBMIT NG MGA SNAP SA SPOTLIGHT ANG MAKAKATANGGAP NG MGA BAYAD.
2. Mga Kinakailangan at Karapatan para sa Content Na Isina-submit Mo sa Spotlight
Maaaring magsumite ng content ang sinumang kwalipikadong user ng Snapchat (na tinatawag naming “Mga Snap”) sa Spotlight (bawat user na nagsumite ng Snap sa Spotlight, “Service Provider” o “Creator”). “Pampublikong Content” ang anumang Mga Snap na na-submit sa Spotlight dahil tinukoy ang term na iyon sa Seksyon 3 ng Terms of Service ng Snap Inc. o Seksyon 3 ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap Group Limited (alinman ang naaangkop sa iyo batay sa kung saan ka nakatira o, kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng negosyo, kung saan matatagpuan ang pangunahing lugar ng negosyo ng negosyong iyon).
Dahil Public Content ang Snaps, para sa anumang Snaps na isa-submit mo sa Spotlight, nang hindi nililimitahan ang anupamang obligasyong posibleng mayroon ka, (i) dapat mayroon ka ng anumang kinakailangang karapatan ng third-party kasama, nang walang limitasyon ang, copyrights sa musika at mga karapatan sa publicity, para sa lahat ng content sa iyong Snaps, (ii) kapag lumitaw, lumikha, nag-upload, nag-post, o nag-send ka ng Pampublikong Content, binibigyan mo ang Snap, ang aming mga katuwang, at ang aming mga kasosyo sa negosyo ng malaya, pandaigdigan, walang-bayad na karapatan at lisensya para sa takdang panahon ng karapatang iyon na gamitin ang pangalan, anyo, at boses, kabilang na ang koneksyon sa komersyal o naka-sponsor na content, (iii) dahil binigyan mo kami ng sublicensable na karapatan na gumawa ng mga derivative ng content mo, binigyan mo kami at ang ibang mga user ng mga Service ng walang-bayad na karapatan na kopyahin, i-edit, at magkakahiwalay na mag-synchronize, makipag-usap sa publiko at magsagawa, at kung hindi man, gumamit at mamahagi ng anumang content (kabilang ang walang limitasyong audio at video sa Snap mo) para gumawa ng bagong content, kabilang ang bagong Mga Snap at bagong Pampublikong Content, at (iv) maliban sa kakayanan na tumanggap ng pera bilang isang Creator gaya ng inilarawan sa Mga Panuntunan sa Spotlight Submission at Revenue ng Snap, wala kang karapatang makakuha ng anumang kabayaran mula sa Snap, sa aming mga katuwang, kasosyo sa negosyo o, kung naaangkop, ibang user, kung ang Snap, content, sound recording, komposisyon, o pangalan, anyo, o boses mo ay ipinararating sa pamamagitan ng Service, alinman sa Snapchat application o sa isa sa mga platform ng aming mga kasosyo sa negosyo.
Dapat sumunod ang lahat ng Creator at Snap na na-submit sa Spotlight sa Terms ng Spotlight na ito. Maaaring sumasailalim sa review ang Mga Creator at Snap para sa pagsunod sa Terms ng Spotlight na ito, alinsunod sa mga algorithm sa pag-moderate at mga pamamaraan ng review ng Snap. Maaaring hindi ipamahagi o maaaring ituring na hindi karapat-dapat na tumanggap ng Mga Pagbabayad ang Mga Creator at Snap na hindi sumusunod.
Ipapamahagi ang Mga Snap sa Spotlight sa pamamagitan ng algorithm at mga pamamaraan ng pamamahagi ng proprietary content ng Snap. Para mapanatili ang kalidad ng Spotlight, puwede rin naming limitahan ang bilang ng Snaps na puwedeng i-submit ng Creators sa loob ng partikular na yugto ng panahon, batay sa mga pamantayan ng Snap para sa performance ng content sa Snapchat application, at kung lalampas ka sa limitasyon, aabisuhan ka kapag nag-submit ka sa Spotlight.
3. Pagiging Kwalipikado sa Pagbabayad ng Spotlight
Para hikayatin at bigyan ka ng incentive na gawin ang services na paggawa at pag-post ng iyong Snaps sa Spotlight, gusto naming bayaran ka para sa iyong mga services kung magiging kwalipikado ka gaya ng inilalarawan sa mga Spotlight Terms na ito. Ang maliit na bilang lang ng Mga Creator na nagsusumite ng mga Snap sa Spotlight ang makakatanggap ng mga bayad. Ang Snaps na na-submit sa Spotlight bago ang iyong pagsang-ayon sa Spotlight Terms na ito ay hindi magiging eligible para sa mga bayad. Magiging available lang ang kakayahang makatanggap ng mga bayad sa limitadong bilang ng mga bansa, na nakalista sa Guidelines at FAQ ng Spotlight (“Mga Kwalipikadong Bansa”). Anumang oras, posibleng magdagdag o mag-alis ang Snap ng mga bansa sa listahan ng Mga Kwalipikadong Bansa. Puwedeng pondohan ang mga pagbabayad ng Snap o ng bahagi ng bayad na natatanggap namin mula sa mga advertisement na na-distribute sa Spotlight sa araw na iyon, kung mayroon, (ang bayad namin sa iyo, na potensyal na binago sa ibaba, ang "Bayad sa Serbisyo" o simpleng “Pagbabayad”).
Para maging kwalipikado sa Pagbabayad, kailangang mong (i) magsumite ng mga Kwalipikadong Snap, (ii) maging isang Kwalipikadong Creator, at (iii) matugunan ang lahat ng Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account, gaya ng inilarawan pa sa ibaba.
Mga Kwalipikadong Snap. Para maturing na "Mga Kwalipikadong Snap," ang mga Snap na iyong isinumite sa Spotlight sa "Panahon ng Pagiging Kwalipikado" dapat mayroong: (i) nag-perform ng maayos sa Spotlight sa Panahon ng Pagiging Kwalipikado, kinakalkula batay sa aming pagmamay-aring pormula, na nakaipon na hindi sa bababa sa 10,000 na kabuuan mga natatatanging video views ("View Threshold"), (ii) kasali ang hindi bababa sa 10 na mga natatatanging mga Snap na isinumite sa hindi bababa sa 5 magkakaibang mga araw, at (iii) binubuo ng hindi bababa sa 5 mga Snap na gumagamit ng Snapchat Creative Tools (e.g., Lenses, Filters, Sounds). Ibig sabihin ng "Panahon ng Pagiging Kwalipikado," ang naunang buwan sa kalendaryo na kinalkula gamit ang Pacific Time.
Mga Kwalipikadong Creator. Para ituring na isang "Kwalipikadong Creator," kailangan mong matugunan ang lahat ng sumusunod na pamantayan habang nasa Panahon ng Pagiging Kwalipikado: (i) kailangan mong maging isang legal na residente ng isang Kwalipikadong Bansa, (ii) kailangan mong i-set sa Pampubliko ang Profile mo, (iii) kailangang hindi bababa sa isang buwan ang Snapchat account mo, at (iv) kailangan mong magkaroon ng kahit 1,000 follower.
Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account. Para maging kwalipikado na makatanggap ng Mga Pagbabayad, kailangan mo ring matugunan ang lahat ng Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account (inilarawan sa ibaba).
Kung, habang nasa naaangkop na Panahon ng Pagiging Kwalipikado, nag-submit ka ng Mga Kwalipikadong Snap at natugunan ang mga pamantayan sa pagiging isang Kwalipikadong Creator, depende sa pagtugon mo sa Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account (na inilarawan sa ibaba) at pagsunod sa Terms ng Spotlight na ito, magiging kwalipikado ka na makatanggap ng bayad para sa mga serbisyo mo kaugnay ng iyong Mga Kwalipikadong Snap ("Kwalipikadong Aktibidad").
Ilalaan ang mga pagbabayad alinsunod sa aming pagmamay-aring formula sa pagbabayad, na puwede naming i-adjust nang paminsan-minsan, at nakabatay sa ilang salik, na posibleng kasama ang kabuuang bilang ng mga unique na video view na naiuugnay sa iyong Mga Kwalipikadong Snap, ang nauugnay na performance at nabuong engagement ng iyong Mga Kwalipikadong Snap kumpara sa iba pang Snap sa Spotlight, at sa geographic na lokasyon ng iyong Mga Kwalipikadong Snap, o mga user na nanonood ng iyong Mga Kwalipikadong Snap habang nasa Panahon ng Pagiging Kwalipikado.
Naabot mo man ang Threshold ng View, at ang halaga ng anumang Bayad na posibleng kwalipikado kang makatanggap, posible pa rin itong maapektuhan ng aming mga algorithm at pamamaraan sa pag-moderate at pagmungkahi ng content, na posibleng magbigay priyoridad sa content sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng ilang salik, kabilang ang kabuuang bilang ng mga natatanging pag-view at pag-favorite sa video na attributable sa isang Snap, ang bilang ng mga user na nagvi-view ng content mo araw-araw, ang oras na ginugol ng mga user sa pag-view ng content mo, geographic location at status ng account mo, ang nakaraang performance ng content mo, kung gumagamit ba ang content mo ng teknolohiya ng Snap (hal. Snapchat, Camera, Lenses, Filters, Sounds, atbp.), nauugnay man ang content mo sa mga sikat na trend at paksa, na posible naming i-publish paminsan-minsan gamit ang Trending page sa Snapchat application o sa Spotlight Tips & Tricks page, at kung sumusunod ba ang content at account mo sa Terms ng Spotlight na ito (kasama ang lahat ng Guidelines na kasama sa sanggunian).
Isasaalang-alang ang Kwalipikadong Aktibidad para sa aming mga internal system sa pamamagitan ng paggamit ng "Crystals," ang unit ng sukat na ginagamit namin para subaybayan at i-record ang iyong Kwalipikadong Aktibidad sa loob ng ibinigay na panahon.
Posibleng mag-iba-iba ang bilang ng Crystals na nire-record namin para sa Kwalipikadong Aktibidad, depende sa aming internal na pamantayan at mga formula, na puwede naming baguhin paminsan-minsan batay sa sarili naming pagpapasya. Puwede mong tingnan ang tinatayang bilang ng Crystals na ni-record namin para sa iyong Kwalipikadong Aktibidad sa pamamagitan na pagpunta sa Profile Ko ("Profile"). Pakitandaan na anumang naturang bilang na makikita sa Profile mo ay mga paunang tantya na kinalkula para sa aming mga internal na layunin sa accounting. Ang Crystals ay inilaan lamang para maging internal na tool namin sa pagsukat para subaybayan ang Kwalipikadong Aktibidad at sukatin ang kasikatan ng content mo. Para malinaw, ang Crystals ay hindi naglalayong magbigay o magpahiwatig ng anumang karapatan o magrepresenta ng anumang pananagutan, hindi kabilang sa pag-aari, hindi naililipat o naitatalaga, at hindi maaaring bilhin o gawing subject ng bentahan, barter, o palitan.
Tutukuyin ang mga halaga ng babayaran sa mga kwalipikadong Creator batay sa pinal na bilang ng Crystals na na-record namin para sa Kwalipikadong Aktibidad ng Creator sa loob ng ibinigay na panahon alinsunod sa aming pagmamay-aring formula sa pagbabayad, na puwede naming i-adjust paminsan-minsan.
Sa pagpapasya kung isang Kwalipikadong Aktibidad ang isang aktibidad, puwede naming alisin ang tinatawag naming "Hindi Valid na Aktibidad," hal. aktibidad na artipisyal na pinatataas ang bilang ng mga view, follower, o iba pang performance, viewership, o engagement metrics ng mga Snap mo o ng Account mo. Tutukuyin ng Snap ang Hindi Valid na Aktibidad batay sa sarili nitong pagpapasya sa lahat ng oras at kasama ang, pero hindi limitado sa, (i) spam, mga hindi valid na query, o hindi valid na impression, mga paborito, o follow na ginawa ng sinumang tao, bot, automated program, o katupad na device. kasama na sa pamamagitan ng anumang pag-click o impression na nagmumula sa iyong mobile device, mobile devices na nasa iyong kontrol, o mobile devices na may bago o kahina-hinalang accounts; (ii) mga impression, paborito, o follow na ginawa sa pamamagitan ng pagbabayad ng pera o iba pang panghihikayat sa mga third party, maling representasyon, o alok na magpalitan ng mga view ng mga Snap; (iii) mga impression, paborito, o follow na ginawa gamit ang aktibidad na lapag sa terma na sumasaklaw sa Serbisyo, at (iv) mga click, impression, paborito, o follow na kasama ng anumang inilarawang aktibidad sa (i), (ii), (iii), at (iv) sa itaas. Kung natukoy naming nakilahok ka sa Hindi Valid na Aktibidad, puwede naming limitahan o suspendehin ang distribution ng mga Snap mo sa Spotlight at puwede kang ituring na hindi kwalipikado para sa Mga Pagbabayad.
4. Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account
Kailangan mo ring matugunan ang lahat ng sumusunod na kinakailangan ("Mga Kinakailangan sa Pagiging Kwalipikado para sa Babayarang Account") para maging kwalipikadong makatanggap ng Mga Bayad mula sa Snap:
Kung isa kang indibidwal, kailangan mong maging legal na residente ng isang Kwalipikadong Bansa at nag-submit ng Mga Kwalipikadong Snap mo habang naroon ka sa nasabing Kwalipikadong Bansa.
Kailangan naabot mo na ang legal na age of maturity sa iyong hurisdiksyon o kahit 16 na taong gulang at nakakuha ng (mga) kinakailangang pahintulot ng magulang o legal na tagapangalaga alinsunod sa aming mga pamamaraan.
Kailangan mong magbigay sa amin ng kumpleto at tumpak na impormasyon sa pakikipag-ugnayan, kasama ang iyong legal na pangalan at apelyido, email, phone number, state, at bansa kung saan ka naninirahan, at petsa ng kapanganakan ("Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan").
Kailangang gumawa at kumpletuhin mo (o ng iyong (mga) magulang/legal na tagapangalaga o business entity, kung naaangkop)) ang lahat ng kinakailangan para sa isang babayarang account sa awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad ("Babayarang Account"). Kailangang tumugma ang Babayarang Account mo sa iyong Kwalipikadong Bansa.
Inilaan namin ang karapatan, para sa aming mga sarili, affiliate, at third-party na provider ng pagbabayad, na i-verify ang Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan (na inilarawan sa ibaba) na ibinigay mo, pati na rin ang pagkakakilanlan at pahintulot ng magulang/legal na tagapangalaga para sa mga menor-de-edad bilang isang kondisyon para sa pagbabayad sa ilalim ng Terms ng Spotlight.
Kung pinahintulutan mo kaming i-transfer ang Mga Bayad sa iyo sa business entity mo alinsunod sa mga pamamaraan namin at ng aming awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad, kailangang na-incorporate, may headquarters, o may opisina sa loob ng iyong Kwalipikadong Bansa ang nasabing entity.
Binigyan mo ang Snap at ang awtorisadong third-party na provider ng pagbabayad nito ng tumpak na contact at iba pang impormasyong kinakailangan, para madaling makipag-ugnayan sa iyo ang Snap o third-party na provider ng pagbabayad nito at maipadala ang bayad sa iyo (o sa (mga) magulang/legal na tagapangalaga o business entity, kung naaangkop) kung kwalipikado ka para sa Pagbabayad.
Active ang Snapchat account at Babayarang Account mo, may good standing (na tinukoy namin at ng aming third-party na provide ng pagbabayad), at sumusunod sa Terms ng Spotlight na ito.
Hindi ka magiging kwalipikado na makatanggap, at hindi ka namin babayaran, ng anumang Kabayaran kung ikaw (o ang iyong (mga) magulang/legal na tagapag-alaga o entidad ng negosyo, kung naaangkop) ay hindi makakapasa sa aming, o sa third-party payment provider namin, pagsusuri sa pagsunod. Pana-panahong isinasagawa ang mga ganitong review at posibleng kasama dito ang, ngunit hindi limitado sa, isang pagsusuri para malaman kung lumalabas ka sa anumang listahan ng pinaghihigpitang party na mine-maintain ng anumang nauugnay na awtoridad ng pamahalaan, kabilang ang U.S. Specially Designated Nationals List at Foreign Sanctions Evaders List. Dagdag pa sa anupamang paggamit na inilarawan sa Terms ng Spotlight na ito, posibleng i-share sa mga third party ang impormasyong ibinigay mo sa amin para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, mga pagsusuri sa pagsunod sa asal, at kumpletuhin ang proseso ng pagbabayad.
Kung (i) isa kang empleyado, opisyal, o direktor ng Snap o ng parent, subsidiary, o affiliated na kompanya nito, (ii) isang entity ng pamahalaan, subsidiary o affiliate ng isang entity ng pamahalaan, o miyembro ng isang royal family, o (iii) nag-submit ng mga Snap sa Spotlight mula sa isang Business Account, hindi ka magiging kwalipikado para sa Mga Pagbabayad.
Kung nakilahok ka sa o para sa Snap sa labas ng mga Terms ng Spotlight na ito para subukan o magbigay ng content na partikular para sa Spotlight, hindi ka magiging kwalipikado para sa Mga Pagbabayad ng content na ginawa mo habang nasa panahon ng pakikilahok.
5. Notification at Proseso ng Pagbabayad
Kung matukoy naming nag-engage ka sa Nagka-qualify na Aktibidad, aabisuhan ka namin tungkol sa pagiging kwalipikado mo sa pamamagitan ng pagpapadala sa iyo ng notification gamit ang application ng Snapchat.
Sumasailalim sa pagsunod mo sa Terms ng Spotlight na ito, at, sa saklaw na pinapahintulutan ng batas, ikaw (o ang (mga) magulang/legal na tagapangalaga o entity ng negosyo mo, kung naaangkop) ay magagawang mag-request ng Bayad sa pamamagitan ng pagpili sa nauugnay na opsyon sa Profile mo. Upang valid kang makapag-request ng Bayad, dapat munang may na-record at naibigay kami sa iyo na sapat na Crystals para matugunan ang minimum Payment threshold na $100 USD (“Payment Threshold”).
PAKITANDAAN: KUNG ISA KANG NAGKA-QUALIFY NA CREATOR AT (A) HINDI KAMI NAG-RECORD AT NAG-ATTRIBUTE NG ANUMANG CRYSTALS SA ANUMANG NAGKA-QUALIFY NA AKTIBIDAD MULA SA IYO SA RERIOD NA ISANG TAON, O (B) HINDI KA WASTONG HUMINGI NG BAYAD ALINSUNOD SA KAAGAD NA SINUNDANG TALATA SA PERIOD NA DALAWANG TAON, PAGKATAPOS — SA KATAPUSAN NG NAAANGKOP NA PANAHON — IBIBIGAY NAMIN ANG BAYAD SA IYONG PAYMENT ACCOUNT SA ISANG HALAGANG BATAY SA ANUMANG CRYSTALS NA NA-RECORD AT NAIUGNAY SA AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON MO SA PAGTATAPOS NG NATURANG PANAHON, SA KUNDISYONG SA BAWAT KASO: (I) NAABOT MO ANG THRESHOLD SA PAGBABAYAD, (II) GUMAWA KA NG ACCOUNT SA PAGBABAYAD, (III) IBINIGAY MO ANG LAHAT NG KAILANGANG IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAY AT ANUMANG IBA PANG IMPORMASYONG KINAKAILANGAN PARA MAGBUNGA ANG PAGBABAYAD SA IYO, (IV) HINDI PA KAMI NAGBIGAY NG BAYAD SA IYO KAUGNAY NG ANUMANG CRYSTALS NA ATING NA-RECORD AT NAIUGNAY SA NATURANG NAGKA-QUALIFY NA AKTIBIDAD, (V) NASA MAGANDANG KATAYUAN ANG SNAPCHAT ACCOUNT AT PAYMENT ACCOUNT MO, AT (VI) KUNG HINDI MAN, SUMUSUNOD KA SA TERMS NG SPOTLIGHT NA ITO AT ANG MGA PAMAMARAAN AT TERMS NG AMING THIRD-PARTY NA PROVIDER NG PAGBABAYAD. KUNG, GAYUNPAMAN, PAGKATAPOS NG NAAANGKOP NA PANAHON AY HINDI MO NATUGUNAN ANG LAHAT NG NAUNANG KINAKAILANGAN NANG BUO, HINDI KA NA MAGIGING KWALIPIKADONG MAKATANGGAP NG ANUMANG PAGBABAYAD NA NAUUGNAY SA NATURANG AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON.
Sa ngalan ng Snap, pwedeng magbigay sa iyo ng Bayad ang mga subsidiary o affiliate entity o iba pang awtorisadong third-party payment provider, na maaaring magsilbing payor sa ilalim ng Spotlight Terms na ito. Walang pananagutan ang Snap para sa anumang delay, failure, o inability na maglipat ng Mga Bayad sa Service sa iyong Payment Account batay sa anumang dahilan na wala sa kontrol ng Snap, kasama ang failure mong sumunod sa Spotlight Terms na ito o sa terms ng naaangkop na Payment Account. Walang pananagutan ang Snap kung, sa anumang dahilan na wala sa kontrol ng Snap, may isang tao maliban sa iyo (o sa iyong (mga) magulang/legal na tagapangalaga o entity ng negosyo, kung naaangkop) na mag-request ng Bayad batay sa anumang Crystals na na-record at naibigay namin sa Kwalipikadong Aktibidad mo gamit ang iyong Snapchat account o mag-transfer ng Bayad gamit ang impormasyon ng Payment Account mo. Kung binibigyan mo ng awtorisasyon ang Snap na magpadala ng mga Kabayaran sa entidad ng negosyo alinsunod sa mga pamamaraan namin at ng awtorisadong third-party payment provider namin, kinikilala at sinasang-ayunan mo na maaaring ipadala ng Snap ang alinman sa o lahat ng halagang ibabayad sa iyo sa ilalim ng Mga Panuntunan sa Spotlight na ito sa nasabing entidad sa negosyo, sa ilalim ng pagsunod sa Mga Panuntunan sa Spotlight na ito. Gagawin ang pagbabayad sa United States dollars, pero pwede mong piliing i-withdraw ang mga pondo mula sa Account sa Pagbabayad mo sa lokal mong pera, sumasailalim sa paggamit, palitan, at mga babayaran sa transaksyon, gaya ng ipinaliwanag sa Guidelines ng Spotlightat FAQ, at sumasailalim sa terms ng third-party na provider ng pagbabayad namin. Anumang mga halaga sa Pagbabayad na ipinapakita sa Snapchat application ay mga tinantyang halaga at maaaring magbago. Magre-reflect ang mga huling halaga ng anumang Pagbabayad sa Account mo sa Pagbabayad.
Dagdag pa sa aming ibang mga karapatan at remedyo, maaari naming, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, i-withhold, i-offset, i-adjust, o alisin, nang hindi nagbibigay ng babala o paunang abiso, ang anumang Bayad sa iyo sa ilalim ng Spotlight Terms na ito dahil sa hinihinalang Invalid Activity, hindi pagsunod sa Spotlight Terms na ito, anumang sobrang Bayad na nagkamaling naibigay sa iyo, o para i-offset ang anumang halaga para sa anumang fee na kailangan mong bayaran sa amin sa ilalim ng anupamang kasunduan.
Kinakatawan mo na ang lahat ng impormasyong ibibigay mo sa amin o aming mga subsidiary, affiliate, o hindi awtorisadong provider ng bayad, ay totoo at tumpak, at na papanatilihin mo ang pagiging tumpak ng nasabing impormasyon sa lahat ng oras.
6. Mga Buwis
Sumasang-ayon ka at kinikilala mong mayroon kang natatanging pananagutan at sagutin para sa anuman at lahat ng buwis, tungkulin, o bayarin kaugnay ng anumang Mga Bayad na maaari mong matanggap kaugnay ng Service. Kasama sa Mga Bayad ang anumang naaangkop na buwis sa pagbebenta, paggamit, excise, value added, goods at services o katulad na buwis na maibabayad sa iyo. Kung, naaayon sa ilalim ng batas, kinakailangang ikaltas o kunin ang buwis mula sa anumang Kabayaran sa iyo, at ang Snap, ang katuwang, o awtorisadong third-party payment provider nito ay maaaring magkaltas ng mga nabanggit na buwis mula sa halagang ibabayad sa iyo at ibayad ang mga nasabing buwis sa wastong awtoridad sa buwis ayon sa kinakailangan ng naaayon na batas. Sumasang-ayon ka at kinikilala mo na ang bayad sa iyo na binawasan ng mga nasabing deduction o withholding ay siyang magsisilbing buong bayad at settlement sa iyo ng mga halagang payable sa ilalim ng Spotlight Terms na ito. Ibibigay mo sa Snap, mga subsidiary, affiliate, at anumang awtorisadong provider ng bayad nito ang anumang form, dokumento, o iba pang certification kung kinakailangan para matugunan ang anumang obligasyon sa pag-uulat ng impormasyon o pag-withhold ng buwis patungkol sa anumang Mga Bayad sa ilalim ng Spotlight Terms na ito.
7. Advertising sa Spotlight
Posibleng may advertisements ang Spotlight. Sumasang-ayon ka na nakikipag-ugnayan ka sa amin, aming affiliate, at aming third-party na partner, nang walang bayad mula sa iyo, para mamahagi ng advertising sa Spotlight Service batay sa sarili naming pagpapasya. Sumasang-ayon kang i-facilitate ang pamamahagi ng nasabing advertisements sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa Spotlight Terms na ito, pagsunod sa Guidelines portion ng The Spotlight Guidelines & FAQ, at patuloy na pagbibigay sa Snap ng access sa anumang Snaps na isa-submit mo sa Spotlight na napapailalim sa Spotlight Terms na ito. Kami ang tutukoy sa lahat ng aspeto ng advertisements na ipapamahagi sa Spotlight Service, kung mayroon man, kasama na ang uri, format, at frequency ng advertisements na ipapamahagi kaugnay ng iyong Snaps na na-submit sa Spotlight, sa aming pagpapasya. Nakalaan din sa amin ang karapatan, sa aming pagpapasya, na huwag magpakita ng advertisements sa o katabi ng iyong Snaps sa Spotlight para sa anumang dahilan.
8. Iyong Mga Kinakatawan at Garantiya
Kinakatawan at ginagarantiyahan mong: (i) naabot mo ang edad ng legal na mayorya sa lugar na iyong tinitirahan (kung isang indibidwal), at mayroong ganap na karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na pumasok sa Spotlight Terms na ito sa sarili mong ngalan at sa ngalan ng sinumang entity kung para kanino ka kumikilos, o nakuha mo ang pahintulot ng magulang/legal na tagapag-alaga, ayon sa kinakailangan sa iyong bansang tinitirahan, para sumang-ayon sa Spotlight Terms na ito; (ii) nakuha mo ang lahat ng kinakailangang karapatan ng third party, kasama na ang mga karapatan sa publicity at privacy at anupamang karapatan pagdating sa pangalan, pagiging katulad, at boses, para sa paglabas ng sinumang indibidwal sa iyong Snaps, at lahat ng kinakailangang pahintulot ng magulang o (mga) legal na tagapag-alaga para sa paglabas ng sinumang indibidwal sa iyong Snaps na wala pang labinwalong taong gulang (18) o anupamang naaangkop na edad ng mayorya, (iii) nabasa, naunawaan, at sumasang-ayon kang susundin ang lahat ng Spotlight Terms na ito, kasama pero hindi limitado sa aming Terms of Service, Privacy Policy, Community Guidelines, Music on Snapchat Guidelines at bahaging Guidelines ng The Spotlight Guidelines & FAQ; (iv) ang Snaps na isa-submit mo sa Spotlight ay ikaw lang ang gumawa, hindi lumalabag o sumisira sa anumang karapatan ng third-party, kasama na ang, pero hindi limitado sa, copyright (kasama ang mga music copyright rights sa master, synch, at public performance), trademark, publicity, privacy, o anupamang naaangkop na karapatan, at sumusunod sa naaangkop na batas; (v) ibibigay mo ang anumang kinakailangang bayad sa sinumang third party patungkol sa iyong Snaps at hindi ka magdudulot na makakaipon ang Snap ng anumang sagutin sa sinumang third party bilang resulta ng pagmamahagi ng content mo; at (vi) kung isa kang legal na residente ng isang bansa maliban sa United States, pisikal kang matatagpuan sa labas ng United States kapag isinagawa mo ang mga service na paggawa at pag-post ng Snaps na isa-submit mo sa Spotlight at pag-facilitate sa pamamahagi ng advertisements kaugnay ng Snaps na isa-submit mo sa Spotlight.
9. Pagiging Kompidensyal
Sumasang-ayon kang kumpidensyal ang anumang hindi pampublikong impormasyon na posibleng ibigay ng Snap at na hindi mo ito ihahayag sa sinumang third party nang walang hayagang paunang nakasulat na pag-apruba ng Snap.
10. Privacy
Dinaragdagan ng seksyong ito ang impormasyong ibinibigay namin sa Privacy Policy at Privacy Center namin.
Pampubliko ang Spotlight Snaps. Naiintindihan mong Pampublikong Content ang Mga Snap na sina-submit mo sa Spotlight at pwedeng makita ng lahat ng user ng Snapchat, pati na rin ng mga hindi user ng Snapchat sa iba pang mga serbisyo at website.
Pwedeng muling paghaluin ang Snaps sa Spotlight Nangangahulugan itong pwedeng gamitin ng iba pang mga user ng Snapchat ang Snaps mo sa Spotlight (kabilang ang audio at video) para gumawa ng bagong Snaps o iba pang Pampublikong Content. Pwede mong burahin palagi ang Mga Snap mo sa Settings pero tandaang hindi pwedeng burahin ang mga remix ng mga ito.
Impormasyong kinokolekta namin. Kapag nag-submit ka ng Snaps sa Spotlight, kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa paggamit at interaction nito, gaya ng bilang ng pag-view, oras ng pag-view, favorite, screenshot capture, at bilang ng pag-send na nakukuha nito sa o mula sa Snapchat. Para sa detalyadong overview ng impormasyong kinokolekta namin, tingnan ang Privacy Policy namin.
Paano namin pwedeng gamitin ang Snaps sa Spotlight. Ang pangunahing dahilan ng pagkolekta namin ng impormasyon mula sa Spotlight Snaps ay para maialok sa iyo ang Spotlight Service. Bilang karagdagan sa Seksyon 2 ng Terms sa Spotlight na ito at mga layuning ibinunyag sa Privacy Policy namin, pwede naming gamitin at ng iba pa ang Snaps sa Spotlight mo sa mga sumusunod na paraan:
Pwede naming itampok ang Snaps sa Spotlight sa Snapchat, kasama sa Chat, o sa Mag-discover bilang bahagi ng Na-curate na Story, Edisyon ng Publisher, o Palabas.
Puwedeng i-edit o gamitin ng ibang users ang iyong Spotlight Snaps, i-share ang iyong Spotlight Snaps sa Chat sa kanilang Friends, mag-share ng link sa iyong Spotlight Snaps sa pamamagitan ng ibang non-Snapchat services (gaya ng messaging services), at mag-share ng link sa iyong Spotlight Snap sa third-party na websites.
Kung magsa-submit ka ng Snaps na mahusay na gumaganap o kwalipikado para sa reward, pwede naming i-highlight ang Account mo o ang Snaps mo sa Snapchat application, halimbawa, sa pamamagitan ng paglalagay ng badge sa Snaps sa Spotlight mo.
Kung magpasya kang mag-add ng location tag sa iyong Spotlight Snap, puwede ring iugnay ang iyong Spotlight Snap sa isang Lugar at lumitaw sa Snap Map.
Pwede naming i-feature ang Snaps sa Spotlight mo sa Search at iugnay ang mga ito sa Mga Pahina, halimbawa, kung gumagamit ang Snap mo ng partikular na Lens, tunog, o iba pang distinct na elemento.
Kung magsa-submit ka ng Snap sa Spotlight, puwedeng i-favorite ng ibang users ang Snap, at lalabas ang favorite na Spotlight Snap na iyon sa pribadong listahan ng Favorites ng user na iyon.
Pwede naming i-analyze ang Snaps sa Spotlight para sa mga trend, analytics, research at development, pag-personalize, [1] pag-optimize, at machine learning.
Para makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa pagiging kwalipikado ng Account sa Pagbabayad at makausap ka para sa iba pang tanong tungkol sa Snaps sa Spotlight mo o sa aming paggamit sa Snaps sa Spotlight mo.
Retention ng Spotlight Snaps. Posibleng i-store nang walang hanggan ang mga pag-submit ng Spotlight Snaps at posibleng makita ito sa Snapchat sa loob ng mahabang panahon — kung minsan, sa loob ng ilang buwan o higit pa.
Kontrol sa Snaps sa Spotlight mo. Puwede mong pamahalaan ang Snaps na na-submit sa Spotlight sa iyong Profile. Pwede mo ring gamitin ang Mag-download ng Data Ko para kumuha ng kopya ng impormasyon, para pwede mong ilipat o i-store ito saan mo man gusto. Tingnan ang Section na Kontrol sa Impormasyon Mo para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kontrol na mayroon ka, kasama ang karapatan mong humiling ng kopya ng iyong impormasyon.
Pag-share ng impormasyon sa mga third party. Pwede naming i-share ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga provider ng serbisyong nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, gaya ng mga third-party na provider sa pagbabayad, tulad ng inilalarawan sa Seksyon 4 ng Terms ng Spotlight na ito.
Syempre, kung may mga tanong ka pa rin tungkol sa kung paano pinapangasiwaan ang data mo, makipag-ugnayan sa amin.
11. Pag-terminate; Pagsuspinde
Bilang karagdagan sa anupamang karapatan o remedyong posibleng mayroon kami, nakalaan sa amin ang karapatang suspindihin o wakasan ang pamamahagi ng iyong Snaps sa Spotlight, ang revenue program na nauugnay sa Spotlight, ang Spotlight Service, o ang akses mo sa alinman sa nauuna. Sa oras na hindi ka sumunod sa Spotlight Terms na ito, ay maaari kang madiskwalipika sa pagtanggap ng anumang hindi bayad na halaga na maaaring nagpatung-patong ngunit hindi pa naililipat sa iyong Payment Account. Kung anumang oras ay hindi ka sumasang-ayon sa anumang bahagi ng Spotlight Terms na ito, dapat mong ihinto ang paggamit sa Spotlight o sa mga naaangkop na bahagi ng Service.
12. Walang Ugnayang Pang-ahensya
Walang anuman sa Terms na ito ang magpapakahulugan o magpapahiwatig ng ugnayan ng isang joint venture, principal-agent, o trabaho sa pagitan mo at ng Snap.
13. Notification
Gaya ng nabanggit sa itaas, kung matutukoy ng Snap na maaari kang maging kwalipikado sa pagtanggap ng Kabayaran, ipagbibigay-alam sa iyo ng Snap o ng aming third-party payment provider sa pamamagitan ng Snapchat application, sa Impormasyon sa Kontak na inilagay mo sa user profile mo, kabilang na ang email address, o sa pamamagitan ng aming opisyal na Snapchat account, ang Team Snapchat. Puwede ring makipag-ugnayan sa iyo ang Snap tungkol sa iyong Snaps na hindi eligible na tumanggap ng Mga Bayad at para sa iba pang dahilan. Mangyaring tingnan palagi ang mga notipikasyon mo sa Snapchat, panatilihing pinakabago ang email at numero sa telepono mo, at i-verify ang email mo. Kung na-block o inalis mo dati ang Team Snapchat sa iyong friends, sumasang-ayon kang puwede naming ibalik ang Team Snapchat para makatanggap ka ng mga opisyal na mensahe mula sa amin sa Snapchat.
14. Arbitration at Namamahalang Batas
Bilang paalala, ang Terms na ito ay isinasama ang Snap Inc. Terms of Service o ang Snap Group Limited Terms of Service (alinman ang naaangkop sa iyo batay sa kung saan ka nakatira o, kung ginagamit mo ang mga Service sa ngalan ng negosyo, kung saan ang pangunahing lugar ng negosyo na iyon). Bagama't lahat ng Snap Inc. Terms of Service o ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap Group Limited (alinman ang naaangkop) ay nalalapat sa iyo, gusto naming partikular na ituro na ang Terms na ito ay pinamamahalaan ng Arbitration, Waiver para sa Class Action, at Jury Waiver na clause, Pagpili ng Batas na clause, at Eksklusibong Venue na clause ng Snap Inc. Mga Tuntunin ng Paggamit (kung nakatira ka sa United States o kung narito ang pangunahing lugar ng negoayo ng negosyong kinakatawan mo), o ang sugnay ng Paglutas ng Pagtatalo, Arbitration, sugnay ng Choice of Law, at sugnay ng Exclusive Venue ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap Group Limited (kung nakatira ka sa labas ng United States, o nasa labas nito ang pangunahing lugar ng negosyo ng negosyong kinakatawan mo).
NOTIFICATION SA ARBITRATION: MALIBAN SA ILANG URI NG PAGTATALONG BINANGGIT SA PROBISYON SA ARBITRATION NG SNAP INC. TERMS OF SERVICE, IKAW AT ANG SNAP AY SUMASANG-AYONG ANG CLAIMS AT MGA PAGTATALO, KABILANG NA ANG STATUTORY CLAIMS AT MGA PAGTATALO, NA LUMILITAW SA PAGITAN NATIN AY MARERESOLBA NG MANDATORY BINDING NA SUGNAY NG ARBITRATION NG ANG SNAP INC. TERMS OF SERVICE KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES O GINAGAMIT MO ANG MGA SERVICE SA NGALAN NG NEGOSYO NA ANG PANGUNAHING LUGAR AY SA UNITED STATES, AT IKAW AT ANG SNAP INC. AY IPINAUUBAYA ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION. KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG NEGOSYONG MAY PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYONG MATATAGPUAN SA LABAS NG UNITED STATES, IKAW AT ANG SNAP GROUP LIMITED AY SUMASANG-AYONG ANG MGA PAGTATALO SA PAGITAN NATIN AY MARERESOLBA SA PAMAMAGITAN NG BINDING NA ARBITRATION CLAUSE SA MGA TUNTUNIN NG SERBISYO NG SNAP GROUP LIMITED.
15. Miscellaneous
Paminsan-minsan, maaari naming baguhin ang Snap Inc. Spotlight Submission at Revenue Terms na ito. Malalaman mo kung kailan huling pinalitan ang Snap Inc. Spotlight Submission at Revenue Terms na ito sa pagtingin sa petsa ng “Bisa” sa itaas. Anumang pagbabago sa Spotlight Terms na ito ay magkakaroon ng bisa sa petsa ng "Bisa" sa itaas, at ilalapat sa paggamit mo ng mga Service pagkatapos noon. Sumasang-ayon kang susuriin ang Spotlight Terms na ito, kasama ang anumang updates, nang regular para matiyak na pamilyar ka sa pinakabagong bersyon ng nasabing terms. Sa pamamagitan ng paggamit sa Service pagkatapos ng pampublikong pag-post ng na-updated na Spotlight Terms, ituturing na sumasang-ayon ka sa na-update na Spotlight Terms. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga pagbabago, dapat mong ihinto ang paggamit sa Service. Kung mayroong anumang probisyon sa Snap Spotlight Submission at Revenue Terms ang hindi maipapatupad, tatanggalin ang probisyong iyon at hindi ito makakaapekto sa kawastuhan at kakayahang ipatupad ang anumang natitirang probisyon.