Kung ikaw ay nakatira sa Estados Unidos o kung nasa Estados Unidos ang pangunahing lugar ng iyong negsyo, ikaw ay pumapayag sa Snap Inc. Mga Palatuntunan ng Serbisyo.
Kung nakatira ka sa labas ng Estados Unidos o kung nasa labas ng Estados Unidos ang pangunahing lugar ng negosyo mo, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap Group Limited.
Mga Palatuntunan ng Snap Inc.
May bisa: Nobyembre 15, 2021
Ibinalangkas namin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito (na tinatawag naming "Mga Tuntunin") para malaman mo ang mga patakarang namamahala sa aming relasyon sa inyo bilang mga user ng aming Mga Serbisyo. Bagama't ginawa namin ang aming makakaya upang alisin ang mga legal na kataga mula sa Mga Tuntunin, maaari pa rin iyong maging gaya ng isang tradisyunal na kontrata sa ilang mga pagkakataon. May magandang dahilan ito: bumubuo ang Mga Tuntuning ito ng legal na kontrata na bumubuklod sa pagitan mo at ng Snap Inc. ("Snap"). Kaya pakibasa ang mga ito nang mabuti.
Sa pamamagitan ng paggamit sa Snapchat, Bitmoji, o alinman sa iba pa naming produkto o serbisyo na nasa ilalim ng Mga Tuntuning ito (tinatawag namin ang mga ito nang sama-sama bilang "Services") ay sumasang-ayon ka rito. Siyempre, kung hindi ka sang-ayon sa mga ito, huwag gamitin ang Services.
Kumakapit ang Mga Tuntuning ito kapag nakatira ka sa Estados Unidos o kapag ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa Estados Unidos. Kung nakatira ka sa labas ng Estados Unidos o kung ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa labas ng Estados Unidos, naglalaan sa iyo ang Snap Group Limited ng Mga Serbisyo at ang ugnayan mo ay pinamamahalan ng Mga Tuntunin sa Serbisyo ng Snap Group Limited.
ABISO SA ARBITRASYON: ANG MGA TUNTUNING ITO AY NAGLALAMAN NG SUGNAY NG ARBITRASYON SA MAS HULING BAHAGI. MALIBAN SA IBANG MGA URI NG DI-PAGKAKAUNAWAANG BINANGGIT SA SUGNAY NG ARBITRASYON, NAGKAKASUNDO KAYO NG SNAP NA ANUMANG DI-PAGKAKAUNAWAAN SA PAGITAN NATIN AY AAYUSIN SA PAMAMAGITAN NG MANDATORY BINDING ARBITRATION, AT NAGKAKASUNDO KAYO NG SNAP NA IPAUBAYA ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION. MAY KARAPATAN KANG HINDI MAKILAHOK SA ARBITRASYON GAYA NG BINABANGGIT SA SUGNAY NG ARBITRASYON.
Walang sinuman na wala pang 13 taong gulang ang pahihintulutang gumawa ng account o gamitin ang mga Serbisyo. Kung wala ka pang 18, magagamit mo lang ang Services kung may paunang pahintulot ng iyong magulang o legal na tagapag-alaga. Pakisuyong siguruhin na nirepaso at pinag-usapan ninyo ng iyong magulang o legal na guardian ang Mga Tuntuning ito bago mo gamitin ang Mga Serbisyo. Maaari kaming mag-alok ng dagdag na mga Serbisyo na may karagdagang tuntunin na maaaring hingin na dapat mas matanda ka pa para magamit ang mga ito. Kaya pakibasa ang lahat ng tuntunin nang mabuti. Sa paggamit sa Services, ikaw ay kumakatawan, nagpapatunay, at sumasang-ayon na:
maaari kang bumuo ng nagbubuklod na kontrata sa Snap;
hindi ka pinagbabawalang gumamit ng Services sa ilalim ng mga batas ng United States o saan mang iba pang applicable na jurisdiction—kabilang, halimbawa, na hindi ka kasama sa listahan ng U.S. Treasury Department ng Specially Designated Nationals o mayroong anumang iba pang kahalintulad na pagbabawal;
hindi ka isang nahatulang sex offender; at
Susunod ka sa Terms at lahat ng naaangkop na lokal, pang-estado, pambansa, at pandaigdigang mga batas, tuntunin, at regulasyon.
Kung ikaw ay gumagamit ng Services sa ngalan ng isang negosyo o iba pang entity, inihahayag mong awtorisado kang pagsamahin ang negosyo o entity na iyon sa Terms na ito at ikaw ay pumapayag dito sa ngalan ng negosyo o entity na iyon (at ang lahat ng mga pagtukoy sa Terms na ito na "ikaw" at "iyong" ay nangangahulugang ikaw bilang end user at ang negosyo o entity na iyon). Kung ginagamit mo ang Services sa ngalan ng isang entity ng U.S. Government, sumasang-ayon ka sa Susog sa Terms of Service ng Snap Inc. para sa U.S. Government Users.
Gaya ng kasunduan natin, ang Snap (at ang mga licensor nito) ang may-ari ng Mga Serbisyo, kabilang na ang lahat ng pribadong content, impormasyon, materyal, software, mga larawan, text, graphics (kabilang ang alinmang Bitmoji avatar na maaari mong gamitin sa pamamagitan ng inilalaan naming visual element), mga ilustrasyon, logo, patent, trademark, service mark, copyright, litrato, audio, video, musika, at ang kabuoan ng Mga Serbisyo, at ang lahat ng kaugnay na karapatan sa intellectual property. Binibigyan ka ng Snap ng isang lisensiya para sa paggamit sa Mga Serbisyo, isang lisensiyang pandaigidig, royalty-free, hindi naililipat, hindi eksklusibo, napapawalang-bisa, at non-sublicensable. Ang lisensiyang ito ay pangunahin nang para sa layunin ng paggamit at pagtangkilik sa Mga Serbisyo na pinapahintulot ng Mga Tuntunin at polisiya namin, katulad ng Community Guidelines at Guidelines ng Mga Tunog sa Snapchat. Hindi mo maaaring gamitin ang Mga Serbisyo na hindi awtorisado ng Mga Tuntuning ito. Hindi mo rin pwedeng tulungan ang kahit na sino na gawin ito.
Marami sa aming mga Serbisyo ang nagpapahintulot sa iyong gumawa, mag-upload, mag-post, magpadala, tumanggap, at mag-store ng content. Kapag ginagawa mo iyon, mapapanatili mo ang anumang karapatan sa pag-aari ng content na iyon na mayroon ka sa simula pa lang. Pero binibigyan mo kami ng lisensyang gamitin ang content na iyon. Ang lawak ng saklaw ng lisensyang iyon ay nakadepende kung aling Services ang ginagamit mo at sa Settings na napili mo.
Para sa lahat ng content na isina-submit mo sa Services, binibigyan mo ang Snap at ang aming mga affiliate ng worldwide, royalty-free, sublicensable, at maililipat na license para i-host, i-store, i-cache, gamitin, ipakita, paramihin, baguhin, iangkop, i-edit, i-publish, pag-aralan, ipadala, at ipamahagi ang content iyon. Ang lisensyang ito ay para sa layunin ng pagpapatakbo, pagpapaunlad, paglalaan, pagtataguyod, at papahusay ng Services at pananaliksik at pagbubuo ng bago. Ang license na ito ay nagsasama ng karapatan para sa aming gawin ang iyong content na available sa, at ipasa ang mga karapatang ito sa, mga tagapagbigay ng serbisyo kung kanino kami may mga kontraktwal na ugnayang nauugnay sa probisyon ng Services, para lamang sa layuning magbigay ng naturang Services.
Tinatawag namin ang mga pagsa-submit ng Story na itinakdang makita ng Lahat ng Tao pati na rin ang content na isina-submit mo sa pampublikong Mga Serbisyo, tulad ng Mga Public Profile, Snap Map, o Lens Studio, "Pampublikong Content." Dahil likas na pampubliko ang Pampublikong Content, binibigyan mo ang Snap, ang aming mga affiliate, iba pang mga user ng Services, at aming mga kasosyo sa negosyo ng lahat ng parehong karapatang ibinibigay mo para sa hindi Pampublikong Content sa nakaraang talata, pati na rin sa hindi pinaghihigpitan, worldwide, royalty-free, hindi mababawi, at hindi nagwawakas na karapatan at license para gumawa ng mga gawaing hango sa, i-promote, i-exhibit, i-broadcast, i-syndicate, kopyahin, ipamahagi, i-synchronize, i-overlay ang graphics at epekto sa pandinig, isagawa sa publiko, at ipapakita sa publiko ang lahat o anumang bahagi ng iyong Pampublikong Content (kasama ang hiwalay na video, imahe, recording ng tunog, o mga musikal na kompositiong nakapaloob dito) sa anumang anyo at sa anuman at lahat ng mga pamamaraan ng media o pamamahagi, na kilala ngayon o nabuo kalaunan. Kapag lumitaw ka sa, gumawa, mag-upload, mag-post, o magpadala ng Pampublikong Content (kasama ang iyong Bitmoji), binibigyan mo rin ang Snap, ang aming mga affiliate, iba pang mga user ng Services, at ang aming mga kasosyo sa negosyo ng hindi pinaghihigpitan, wordwide, royalty-free, hindi mababawi at hindi nagwawakas na karapatan at license na gamitin ang pangalan, wangis, at boses, ng sinumang itinampok sa iyong Pampublikong Content para sa mga komersyal at hindi komersyal na layunin. Nangangahulugan ito, bukod sa iba pang mga bagay, na hindi ka magiging karapat-dapat sa anumang bayad kung ang iyong content, mga video, mga larawan, mga recording ng tunog, musikal na komposisyon, pangalan, wangis, o boses ay ginagamit namin, ng aming mga affiliate, ng mga user ng Mga Serbisyo, o ng aming mga kasosyo sa negosyo. Para sa impormasyon kung paano i-aakma kung sinong makakapanood ng iyong content, mangyaring tingnan ang aming Privacy Policy at Support Site. Dapat na naaangkop ang lahat ng Pampublikong Content para sa mga taong edad 13+.
Habang hindi kami inaatasang gawin ito, maaari naming i-akses, i-review, i-screen, at burahin ang iyong content anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang upang maibigay at mapaunlas ang Services o kung sa palagay namin ay lumalabag ang iyong content sa Mga Tuntunin na ito. Pero ikaw lang ang natatanging responsable sa content na ginagawa, ina-upload, pino-post, ipinadadala, o inii-store mo sa pamamagitan ng Service.
Kami, ang aming mga affiliate, at aming mga third-party na partner ay pwedeng maglagay ng advertising sa Services, kabilang ang naka-personalize na advertising batay sa impormasyong ibinigay mo sa amin, nakolekta namin, o nakuha namin tungkol sa iyo. Minsan lilitaw ang advertising sa malapit, pagitan, sa ibabaw, o sa loob iyong content.
Gustong-gusto naming makarinig mula sa aming users. Pero kung magbibigay ka ng feedback o mga suhestiyon, mangyaring tandaan na maaari naming gamitin ang mga iyon nang hindi ka binabayaran, at nang walang anumang paghihigpit o obligasyon sa iyo. Sumasang-ayon kang kami ang magmamay-ari sa lahat ng mga karapatan sa anumang mga materyales o item na binubuo namin ayon sa naturang feedback o mga mungkahi.
Mga karagdagang tuntunin at kundisyong nakalista sa page na Mga Terms at Patakaran ng Snap o kung hindi man ginawang available sa iyo ay mailalapat sa partikular na Services. Kung ginagamit mo ang Services na iyon, ang mga karagdagang terms na iyon ay magiging bahagi ng Terms na ito. Kung alinman sa naaangkop na mga karagdagang tuntunin ay sumasalungat sa Terms na ito, ang mga karagdagang terms ay mananaig habang ginagamit mo ang Services kung saan nalalapat ang mga ito.
Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Maaari mong malaman kung paano ginagamit ang iyong impormasyon kapag ginagamit mo ang aming Services sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Privacy Policy.
Karamihan ng content sa aming mga Serbisyo ay nililikha ng users, publishers, at ng iba pang third party. Kung ang nilalamang iyon ay nai-post sa publiko o pribadong ipinadala, ang nilalaman ay ang tanging responsibilidad ng user o entity na nag-submit nito. Bagaman may karapatan ang Snap para suriin o tanggalin ang lahat ng nilalamang lilitaw sa Services, hindi namin kinakailangang suriin ang lahat ng ito. Kaya't hindi namin magagawa—at hindi—ginagarantiyahang ang ibang mga user o ang nilalamang ibinibigay nila sa pamamagitan ng Services ay susunod sa aming Terms o Community Guidelines.
Dapat mo ring igalang ang mga karapatan ng Snap at sumunod sa Brand Guidelines ng Snapchat, Brand Guidelines ng Bitmoji, at anumang iba pang guidelines, mga pahina ng support, o mga na-publish na FAQ ng Snap o aming mga affiliate. Nangangahulugan iyon, bukod sa iba pang mga bagay, hindi mo maaaring gawin, susubukang gawin, i-e-enable, o hihikayatin ang sinumang gawin, ang anuman sa mga sumusunod:
gumamit ng branding, mga logo, icon, user interface element, disenyo, larawan, video, o anumang iba pang materyales, na ginagamit sa aming Services, maliban kung hayagang pinapahintulutan ng Terms na ito, ang Brand Guidelines ng Snapchat, Brand Guidelines ng Bitmoji o iba pang brand guidelines na inilathala ng Snap o aming mga affiliate;
lumabag o manghimasok sa mga copyright ng Snap o ng mga affliate, mga trademark, o iba pang mga karapatan sa intellectual property;
kopyahin, baguhin, i-archive, i-download, i-upload, ibunyag, ipamahagi, ibenta, ipaupa, i-syndicate, i-broadcast, isagawa, ipakita, gawing available, gumawa ng mga hango ng, o kung hindi man gamitin ang Services o ang content sa Services, maliban sa mga pansamantalang file na awtomatikong naka-cache ng iyong web browser para sa mga layunin ng pagpapakita, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan sa Terms na ito, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan namin sa pamamagitan ng sulat, o tulad ng pinagana ng nilalayong functionality ng Service;
gumawa ng higit sa isang account para sa iyong sarili, gumawa ng isa pang account kung na-disable na namin ang iyong account, subukang i-access ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng hindi awtorisadong mga third-party na application, humingi ng mga kredensyal sa pag-login mula sa ibang mga user, o bumili, ibenta, umarkila, o magpaupa ng access sa iyong account, username, Snaps, o link ng friend;
i-reverse engineer, i-duplicate, i-decompile, i-disassemble, o i-decode ang Mga Serbisyo (kasama ang anumang pinagbabatayang ideya o algorithm), o kung hindi man kunin ang source code ng software ng Serbisyo;
gumamit ng anumang robot, spider, crawler, scraper, o iba pang awtomatikong paraan o interface para i-access ang Services o kunin ang impormasyon ng iba pang mga user;
gumamit o mag-develop ng anumang mga third-party application na nakikipag-ugnayan sa Services o sa content o impormasyon ng ibang user nang wala ang aming nakasulat na pahintulot;
gamitin ang Mga Serbisyo sa paraang maaaring makagambala, makasira, negatibong makaapekto, o makahadlang sa iba pang mga gumagamit mula sa ganap na pagtangkilik sa Mga Serbisyo, o na maaaring makapinsala, ma-disable, ma-overburden, o mapahina ang paggana ng Mga Serbisyo;
mag-upload ng mga virus o iba pang nakakapaminsalang code o kung hindi man ikompromiso, i-bypass, o iwasan ang seguridad ng Mga Serbisyo;
subukang iwasan ang anumang mga paraan sa pag-filter ng content na ipinapatupad namin, o subukang i-access ang mga bahagi o feature ng Services na hindi ka awtorisadong i-access;
siyasatin, i-scan, o subukan ang kahinaan ng aming Mga Serbisyo o anumang system o network;
lumabag sa anumang naaangkop na batas o regulasyong may kaugnayan sa iyong pag-access sa o paggamit ng Mga Serbisyo; o
i-access o gamitin ang Services sa anumang paraang malinaw na hindi pinahihintulutan ng mga Tuntuning ito o sa aming Community Guidelines.
Nirerespeto ng Snap ang mga karapatan ng iba. At dapat ganoon ka rin. Kaya hindi ka maaaring gumamit ng Mga Serbisyo, o magpahintulot sa iba na gumamit din nito, sa paraang lumalabag o nanghihimasok sa karapatan ng iba tungkol sa publicity, privacy, copyright, trademark, o iba pang karapatan sa intellectual property. Kapag nagsumite ka ng content sa Service, sumasang-ayon ka at inihahayag mong ikaw ang nagmamay-ari sa content na iyon, o hindi kaya ay tumanggap ka ng lahat ng mga kinakailangang permiso, clearance, at pahintulot para isumite ito sa Service (kabilang dito ang, kung angkop, ang karapatang gumawa ng mga mekanikal na kopya ng mga musikang nakapaloob sa anumang sound recording, pagsabayin ang alinmang komposisyon sa kahit anong content, isapubliko ang alinmang komposisyon o sound recording, o anumang angkop na karapatan sa musika na hindi inilalaan ng Snap na kabilang sa iyong content) at payagan ang mga karapatan at lisensyang nakapaloob sa Mga Tuntuning ito para sa iyong content. Pumapayag ka rin na hindi mo gagamitin at hindi mo susubukang gamitin ang account ng ibang user maliban na lang kung pinapahintulutan ito ng Snap o iba pang kaakibat nito.
Ginagalang ng Snap ang mga batas sa copyright, kabilang na ang Digital Millennium Copyright Act at gumagawa ng makatuwirang mga hakbang para mabilis na maaalis sa aming Mga Serbisyo ang anumang nanghihimasok na bagay na malalaman namin. Kung malaman ng Snap na paulit-ulit na nakialam ang user sa mga copyright, gagawa kami ng makatuwirang mga hakbang sa abot ng aming makakaya para tanggalin ang account ng user. Kung naniniwala kang lumalabag ang kahit ano sa mga Serbisyo sa copyright na pag-aari o kinokontrol mo, paki-report ito gamit ang form na maaakses sa tool na ito. O maaari ka ring magsampa ng notice sa itinalaga naming ahente: Snap Inc., Attn: Copyright Agent, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, email: copyright @ snap.com. Huwag gamitin ang email address na ito para sa kahit ano bukod sa pagre-report ng paglabag sa copyright, dahil babale-walain ang mga naturang email. Para magreport ng iba pang uri ng paglabag sa Services, pakigamit ang tool na maa-access mo rito. Kung nag-file ka ng abiso sa aming Copyright Agent, dapat itong sumunod sa mga kahingian na nakasaad sa 17 U.S.C. § 512(c)(3). Nangangahulugan iyon na ang abiso ay dapat:
naglalaman ng pisikal o electronic na pirma ng isang taong awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright;
tinutukoy nito ang naka-copyright na gawa na sinasabing nalabag;
tinutukoy nito ang materyal na sinasabing lumalabag o ang sumasailalim sa gawaing paglabag at aalisin, o access sa materyal ay idi-disable, at may makatuwirang sapat na impormasyon para mahanap namin ang materyal;
ibigay ang iyong contact information, kabilang ang iyong address, telephone number, at isang email address;
nagbibigay ng personal na pahayag na mayroon kang mabuting-saloobing paniniwala na ang paggamit sa materyal na isinusumbong ay hindi awtorisado ng may-ari ng copyright, ng agent nito, o ng batas; at
nagbibigay ng pahayag na ang impormasyon sa notification ay tama at, sa ilalim ng parusa ng perjury, na ikaw ay awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright.
Pinagsisikapan naming mabuti na panatilihing ligtas na lugar ang aming Services para sa lahat ng user. Pero hindi namin magagarantiya ito. Diyan ka papasok. Sa paggamit ng Services, pumapayag kang sundin ang Terms na ito sa lahat ng pagkakataon, kabilang na ang aming Community Guidelines at iba pang mga polisiya na inilalaan ng Snap para mapanatili ang safety ng Services.
Kung nabigo kang sumunod, karapatan naming alisin ang anumang nakakasakit na content, tanggalin o limitahan ang visibility ng iyong account, at sabihan ang mga third party—kabilang ang mga law enforcement—at bigyan ng impormasyon ang mga third party na iyon may kaugnayan sa iyong account. Maaaring kinakailangan ang hakbang na ito para ingatan ang safety ng aming mga user, at ng iba pa, imbestigahan, lunasan, at ipatupad ang mga maaaring paglabag sa Terms, at matukoy at masolusyunan ang anumang pandaraya o pananagutan sa seguridad.
Pinahahalagahan din namin ang iyong safety habang ginagamit ang aming Services. Kaya huwag gamitin ang aming Services sa paraang makakagambala sa iyong pagsunod sa mga batas trapiko o batas sa kaligtasan. Halimbawa, huwag gamitin ang Services habang nagmamaneho. At huwag kailanman ipahamak ang iyong sarili o ibang tao para lang makakuha ng Snap.
Para magamit ang Mga Serbisyo, kailangan mong gumawa ng account. Pumapayag kang ibigay sa amin ang tama, kunpleto, at updated mong impormasyon para sa iyong account. Ikaw ay responsable sa anumang aktibidad na nangyayari sa iyong account. Kaya mahalagang panatilihin na ligtas ang iyong account. Isang paraan para gawin iyon ay pumili ng malakas na password na hindi mo ginagamit para sa anumang ibang account. Kung sa tingin mo ay nabuksan ng iba ang iyong account, pakisuyong makipag-ugnayan kaagad sa Support. Anumang software na ilalaan namin sa iyo ay maaaring awtomatiko mong i-download at mag-install ng mga upgrade, update, o iba pang bagong feature. Maaari mong i-adjust ang mga awtomatikong download na ito sa pamamagitan ng settings ng iyong device. Pumapayag kang hindi gumawa ng anumang account kapag tinanggal o binan namin kamakailan ang iyong account mula sa alinman sa aming Mga Serbisyo, maliban na lang kung pumapayag kaming gawin mo iyon.
Ang Memories ay ang aming data-storage service na nagpapadali para balikan mo ang iyong mga alaala kahit kailan, kahit saan. Sa pagpayag sa mga Tuntuning ito, awtomatiko mong ine-enable ang Memories. Kapag naka-enable na ang Memories, mananatili itong naka-enable hangga't pinanatili mo ang iyong Snapchat account. Pero pwede mong i-off ang ilang feature ng Memories sa pamamagitan ng Settings anumang oras.
Isa sa mga opsyong ibinibigay namin sa Memories ay ang kakayahang gumawa ng restricted area sa pamamagitan ng pagtatakda ng passcode, na pwedeng isang PIN o passphrase o kung anong iba pang mekanismo. Katulad ito ng device-lock option na maaaring ginagamit mo sa iyong mobile device; sa pagtatakda ng passcode, binabawasan mo ang tsansa na makita ng ibang taong makakahawak ng iyong device kung anong nai-save mo sa restricted area ng Memories. Pero heto ang isang malaking babala: KAPAG NAWALA O NAKALIMUTAN MO ANG IYONG MEMORIES PASSCODE, O KAPAG ILANG BESES KANG NAGLAGAY NG MALING PASSCODE, MAWAWALAN KA NG AKSES SA ANUMANG CONTENT NA NAI-SAVE MO SA RESTRICTED AREA NG MEMORIES. Hindi kami nag-aalok ng anumang feature para ma-recover ang passcode para sa restricted area na ito. Ikaw ang natatanging responsable sa pag-alala sa iyong passcode. Mangyaring pumunta sa aming Support Site para sa dagdag na detalye tungkol sa passcodes.
Maaaring maging unavailable ang content mo sa Memories sa anumang ilang dahilan, kabilang ang mga bagay na tulad ng problema sa paggana o desisyon namin na isara ang iyong account. Dahil hindi namin maipapangako na palaging magiging available ang iyong content, inirerekoenda namin ang pagtatago ng hiwalay ng kopya ng content na isini-save mo sa Memories. Hindi kami nangangako na matutugunan ng Memories ang eksaktong pangangailangan mo sa storage. Inilalaan namin ang karapatang magtakda ng mga limitasyon ng storage para sa Memories, at maaari naming baguhin ang mga limitasyong ito sa pana-panahon sa sarili naming pagpapasya. At tulad ng iba pa naming mga Serbisyo, ang paggamit mo ng Memories ay maaaring gumamit ng espasyo sa iyong device at maaaring magkaroon ng mga bayad sa mobile data.
Ikaw ay responsable sa anumang mobile charge na makukuha mo sa paggamit ng aming Services, kabilang na ang text-messaging (katulad ng SMS, MMS, o mga katulad na protocol o teknolohiya sa hinaharap) at mga data charge. Kung hindi ka tiyak kung ano ang mga singil na iyon, magtanong ka sa iyong service provider bago gamitin ang Services.
Kapag ibinigay mo sa amin ang iyong cellphone number, sumasang-ayon kang makatanggap ng mga SMS message mula sa Snap may kaugnayan sa Services, kabilang na ang mga promosyon, iyong account, o ang kaugnayan mo sa Snap. Ang mga SMS message na ito ay posibleng ipadala sa iyong cellphone number kahit na ang cellphone number mo ay nasa Do Not Call list ng estado o pederal, o kahalintulad na listahan sa buong mundo.
Kung babaguhin o ide-deactivate mo ang cellphone number na ginamit mo para gumawa ng account, dapat mong i-update ang impormasyon ng iyong account sa Settings sa loob ng 72 oras para pigilan kaming mag-send sa ibang tao ng mga message na para sa iyo.
May ilang Services na maaaring magpakita, magsama o gumawa ng mga available na content, data, impormasyon, mga application, feature o materyal mula sa mga third party ("Third-Party Materials"), o maglaan ng mga link para sa isang third-party website. Kung gumagamit ka ng anumang Third-Party Material na available sa aming Services (kabilang na ang Services na magkasama naming inaalok ng third party), ang terms ng party na iyon ay mamamahala sa kaugnayan ng kabilang party sa iyo. Hindi responsable at walang pananagutan ang Snap at ang mga affiliate nito para sa mga tuntunin at mga aksyon ng isang third party na isinagawa sa ilalim ng mga tuntunin ng third party. Karagdagan pa, sa pamamagitan ng paggamit ng Services, kinikilala at pumapayag kang hindi responsable ang Snap sa pagsisiyasat o pagsusuri ng content, katiyakan, pagkakumpleto, availability, pagkanapapanahon, validity, pagsunod sa copyright, legalidad, decency, kalidad o iba pang katulad na aspekto ng mga Third-Party Material o website. Hindi namin tinitiyak, pinagtitibay, inaasahan, at hindi kami responsable o may pananagutan sa iyo o sa ibang tao sa anumang mga third-party service, Third-Party Material o third-party website, o sa anumang materyal, produkto, o serbisyo ng mga third party. Ang mga Third-Party Material at link sa ibang websites ay inilalaan para lamang sa iyong kaginhawahan.
Walang humpay naming pinahuhusay ang aming mga Serbisyo at lumilikha kami ng mga bago sa lahat ng panahon. Nangangahulugan iyon na maaari kaming magdagdag o magtanggal ng features, mga produkto, o functionality, at maaari rin naming isuspinde o ihinto ang lahat ng Services. Maaari naming isagawa ang alinman sa mga aksyong ito anumang oras sa anumang dahilan, at kapag ginawa namin ito, maaaring hindi ka namin bigyan ng anumang paunang abiso.
Kahit nais naming manatili kang Snapchatter habambuhay, maaari mong ihinto ang Mga Tuntuning ito anumang oras at dahilan sa pamamagitan ng pag-delete ng iyong Snapchat account (o sa ibang kaso ay account kung saan nakaugnay ang ang bahagi ng Mga Serbisyo na iyong ginagamit).
Maaari naming ihinto o suspendihin ang iyong access sa Services kapag nabigo ka sa pagsunod sa Terms na ito, sa Community Guidelines o sa batas, sa anumang dahilan, kahit ang hindi namin kontrolado, at kung walang patiunang abiso. Ibig sabihin na maaari naming ihinto ang Mga Tuntuning ito, ang paglalaan sa iyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo, o magpatupad ng mga bago o karagdagang limitasyon sa iyong paggamit sa Mga Serbisyo. At hindi namin magagarantiya sa iyo na ang abiso ay posible sa lahat ng pagkakataon, kahit susubukan namin itong ibigay nang makatuwiran at patiuna. Halimbawa, maaari naming i-deactivate ang iyong account dahil sa matagal na kawalan ng aktibidad, at maaari naming bawiin ang iyong username anumang oras para sa anumang dahilan.
Kahit sinuman ang maghinto ng Terms na ito, nagkakasundo pa rin kayo ng Snap sa mga Seksyong 3 at 4 (hangga't saan ang saklaw na sakop ng anumang karagdagang tuntunin at kondisyon) at 6 - 23 ng Terms.
Sumasang-ayon ka, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas, na babayaran sa pinsala, ipagtatanggol, at hindi pananagutin ang Snap, ang affiliates, mga direktor, opisyal, stockholder, empleyado, tagalisensya, at ahente nito mula at laban sa anuman at lahat ng reklamo, demanda, paghahabol, pinsala, pagkalugi, halaga, multa, pananagutan, at gastos (kabilang ang fees ng mga abogado) dahil, mula, o nauugnay sa anumang paraan sa: (a) iyong access sa o paggamit ng Services, o anumang produkto o serbisyo na hatid ng third party kaugnay ng Services, kahit na inirekomenda, ginawang available, o inaprubahan ng Snap; (b) iyong content, kabilang ang mga claim sa paglabag na nauugnay sa content mo; (c) paglabag mo sa Terms na ito o anumang naaangkop na batas o regulasyon; o (d) iyong kapabayaan o pananadya.
Sinusubukan naming panatilihing gumagana at walang palya ang Services. Pero hindi kami nangangako na magtatagumpay kami.
ANG SERVICES AY IBINIBIGAY NANG "AS IS" AT "AS AVAILABLE" AT HANGGANG SA SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS NANG WALANG ANUMANG URI NG GARANTIYA, NAKASAAD MAN O IPINAHIHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHIHIWATIG NA GARANTIYA NG PAGIGING MAIBEBENTA, KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, AT KAWALAN NG PAGLABAG. DAGDAG PA RITO, BAGAMA'T SINUSUBUKAN NAMING MAGHATID NG MAGANDANG KARANASAN SA USER, HINDI NAMIN INIHAHAYAG O GINAGARANTIYA NA: (A) ANG SERVICES AY PALAGING MAGIGING SECURE, WALANG ERROR, O NAPAPANAHON; (B) ANG SERVICES AY PALAGING GAGANA NANG WALANG ANTALA, ABALA, O PAGKAKAMALI; O (C) NA ANG ANUMANG CONTENT, CONTENT NG USER, O IMPORMASYONG MAKUKUHA MO SA O SA PAMAMAGITAN NG SERVICES AY MAGIGING NAPAPANAHON O TUMPAK.
WALA SA AMIN O SA AMING MGA AFFILIATE ANG AAKO NG RESPONSIBILIDAD O MANANAGOT PARA SA ANUMANG CONTENT NA IKAW, IBANG USER, O THIRD PARTY ANG GUMAWA, NAG-UPLOAD, NAG-POST, NAGPADALA, TUMANGGAP, O NAG-STORE SA O SA PAMAMAGITAN NG AMING SERVICES. NAUUNAWAAN MO AT SUMASANG-AYON KA NA PWEDE KANG MA-EXPOSE SA CONTENT NA POSIBLENG MAPANAKIT, ILEGAL, MAPANLINLANG, O HINDI NARARAPAT, KUNG SAAN KAMI O ANG AMING MGA AFFILIATE AY WALANG RESPONSIBILIDAD.
SA MAXIMUM NA HANGGANANG PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, KAMI AT ANG AMING MGA TAGAPAMAHALANG MIYEMBRO, SHAREHOLDER, EMPLEYADO, KAALYADO, LICENSOR, AHENTE, AT SUPPLIER AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG HINDI DIREKTA, INSIDENTAL, ESPESYAL, KINAHINATNAN, MAPAPARUSAHAN, O MARAMIHANG PINSALA, O ANUMANG PAGKALUGI SA TUBO O KITA, DIREKTA MAN O HINDI DIREKTANG NAKUHA, O ANUMANG PAGKAWALA NG DATA, PAGGAMIT, KABUTIHANG LOOB, O IBA PANG HINDI NADARAMANG PAGKAWALA, NA RESULTA NG: (A) IYONG PAG-ACCESS SA O PAGGAMIT NG, O KAWALAN NG KAKAYAHANG I-ACCESS O GAMITIN ANG SERVICES; (B) ASAL O CONTENT NG IBA PANG USER O THIRD PARTY SA O SA PAMAMAGITAN NG SERVICES; O (C) HINDI AWTORISADONG PAG-ACCESS, PAGGAMIT, O PAGBAGO SA CONTENT MO, KAHIT NA NAABISUHAN PA KAMI TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG MGA NATURANG DAMAGE. HINDI KAILANMAN MANGYAYARI NA ANG KABUUAN NG AMING PANANAGUTAN PARA SA LAHAT NG CLAIM NA NAUUGNAY SA SERVICES AY LALAMPAS SA $100 USD O SA HALAGANG IBINAYAD MO SA AMIN SA LOOB NG 12 BUWAN BAGO ANG PETSA NG AKTIBIDAD NA PINAGMULAN NG CLAIM.
PAKIBASA NANG MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TALATA DAHIL ISINASAAD NG MGA ITONG SUMASANG-AYON KA AT ANG SNAP NA AYUSIN ANG LAHAT NG PAGTATALO SA PAGITAN NATIN SA PAMAMAGITAN NG NAGBUBUKLOD NA INDIBIDWAL NA ARBITRATION.
a. Kakayahang Iangkop ng Kasunduan sa Arbitration. Sa Seksyon 18 na ito (ang “Kasunduan sa Arbitration”), sumasang-ayon Ka at ang Snap na ang lahat ng claim at pagtatalo (kontrata man, tort, o iba pa), kabilang ang lahat ng ayon sa batas na claim at pagtatalo, na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms na ito o sa paggamit ng Services na hindi kayang resolbahin sa hukuman ng maliliit na claim ay reresolbahin sa pamamagitan ng umiiral na arbitration sa indibidwal na batayan, maliban kung ikaw at ang Snap ay hindi kinakailangang mamagitan sa anumang pagtatalo kung saan ang anumang partido ay naghahabol ng pantay na relief para sa sinasabing labag sa batas na paggamit ng mga copyright, trademark, pangalan ng kalakalan, logo, lihim ng kalakalan, o patent. Para maging malinaw: kabilang din sa talatang "lahat ng claim at pagtatalo" ang mga paghahabol at pagtatalong sumulpot sa pagitan namin bago ang petsa ng pagpapatupad ng Terms na ito. Dagdag pa rito, ang lahat ng pagtatalo tungkol sa arbitrability ng claim (kabilang ang mga pagtatalo tungkol sa saklaw, kakayahang iangkop, ipatupad, kakayahang bawiin, o bisa ng Kasunduan sa Arbitration) ay pagpapasyahan ng arbitrator, maliban na lang kung malinaw na isinaad sa ibaba.
b. Mga Tuntunin ng Arbitration. Ang Federal Arbitration Act, kasama ang mga probisyon sa pamamaraan nito, ay pinamamahalaan ang interpretasyon at pagpapatupad ng probisyon sa resolusyon ng pagtatalo, at hindi batas ng estado. Ang arbitration ay isasagawa ng ADR Services, Inc. (“ADR Services”)(https://www.adrservices.com/). Kung hindi available ang ADR Services para sa arbitration, pipili ang mga partido ng alternatibong arbitral forum, at kung hindi sila makakasang-ayon, hihilingin sa hukumang humirang ng arbitrator alinsunod sa 9 U.S.C. § 5. Pamamahalaan ng mga tuntunin ng arbitral forum ang lahat ng aspeto ng arbitration na ito, maliban kung sumasalungat ang mga tuntuning iyon sa mga Terms na ito. Isasagawa ang arbitration ng isahang neutral na arbitrator. Anumang mga claim o pagtatalo kung saan ang kabuuang halagang hinahabol ay mas mababa sa $10,000 USD ay maaaring resolbahin sa pamamagitan ng umiiral na arbitration na hindi kailangang magpakita, sa opsyon ng party na naghahabol ng relief. Para sa mga claim o pagtatalo kung saan ang kabuuang halagang hinahabol ay $10,000 USD o higit pa, matutukoy ang karapatan sa pagdinig ayon sa mga tuntunin ng arbitral forum. Anumang paghuhusga sa award ibinigay ng arbitrator ay maaaring ipasok sa anumang hukumang may karampatang hurisdiksyon.
c. Mga Karagdagang Tuntunin para sa Arbitration na Hindi Kailangang Magpakita. Kung napili ang arbitration na hindi kailangang magpakita, ilulunsad ang arbitration sa telepono, online, nakasulat na pagsusumite, o anumang kumbinasyon ng tatlo; pipiliin ang partikular na paraan ng partidong nagpapasimula sa arbitration. Ang arbitration ay hindi magsasangkot ng anumang personal na pagpapakita ng mga partido o saksi maliban kung magkasundo ang mga partidong gawin iyon.
d. Mga Babayaran. Nagtatakda ang ADR Services ng mga babayaran para sa mga serbisyo nito, na available sa https://www.adrservices.com/rate-fee-schedule/. Kung ang Snap ay ang partidong nagsisimula ng arbitration laban sa iyo, babayaran ng Snap ang lahat ng gastos na nauugnay sa arbitration, kabilang ang buong bayad sa paghahain. Kung ikaw ang partidong nagsisimula ng arbitration laban sa Snap, ikaw ang magiging responsable para sa unang $100 tungo sa hindi maibabalik na Bayad sa Paunang Paghahain, at babayaran ng Snap ang natitira sa iyong bayad sa Paunang Paghahain at Bayad sa Administratibo ng magkabilang partido.
e. Awtoridad ng Arbitrator. Ang arbitrator ang magpapasya sa hurisdiksyon ng arbitrator at sa mga karapatan at pananagutan mo at ng Snap, kung mayroon man. Hindi isasama ang pagtatalo sa anumang iba pang mga usapin o isasama sa anumang iba pang mga kaso o partido. Ang arbitrator ay magkakaroon ng awtoridad na magkaloob ng mga kilos na magreresolba sa lahat o bahagi ng anumang claim o pagtatalo. Ang arbitrator ay magkakaroon ng awtoridad na mag-award ng mga monetary na damage at magkaloob ng anumang remedyo o relief na available sa indibidwal sa ilalim ng batas, ng mga tuntunin ng arbitral forum, at ng Terms. Maglalabas ang arbitrator ng nakasulat na award at pahayag ng pagpapasiyang naglalarawan sa mahahalagang natuklasan at konklusyon kung saan nakabatay ang award, kabilang ang kalkulasyon ng anumang mga damage na iginawad. Ang arbitrator ay may parehong awtoridad na maggawad ng relief sa indibidwal na batayang mayroon ang isang hukom sa hukuman ng batas. Ang award ng arbitrator ay pinal at magbubuklod sa iyo at sa Snap.
f. Waiver ng Paglilitis ng Jury. NAGPAPAUBAYA KA AT ANG SNAP NG ANUMANG KONSTITUSYONAL AT AYON SA BATAS NA MGA KARAPATAN PARA MAGPUNTA SA HUKUMAN AT MAGKAROON NG PAGLILITIS SA HARAPAN NG HUKOM O NG JURY. Ikaw at ang Snap ay, sa halip, pinipiling magkaroon ng mga claim at pagtatalong malutas sa pamamagitan ng arbitration. Ang mga proseso ng arbitration ay karaniwang mas limitado, mas mabisa, at hindi kasing-gastos ng mga tuntuning naaangkop sa hukuman at sumasailalim sa napakalimitadong pagsusuri ng hukuman. Sa anumang litigasyon sa pagitan mo at ng Snap, kung aalisan o magpapatupad ng award sa arbitration, IPINAPAUBAYA MO AT NG SNAP ANG LAHAT NG KARAPATAN SA PAGLILITIS NG JURY, at pipiliin sa halip na iparesolba ang pagtatalo sa hukom.
g. Waiver ng Class o Mga Consolidated Action. LAHAT NG CLAIM AT PAGTATALO SA LOOB NG SAKLAW NG KASUNDUAN SA ARBITRATION NA ITO AY DAPAT I-ARBITRATE O LITISIN BILANG INDIBIDWAL NA BATAYAN AT HINDI BATAYAN SA URI. ANG MGA CLAIM NG MAHIGIT SA ISANG KOSTUMER O USER AY HINDI MAAARING I-ARBITRATE O LITISIN NANG MAGKASAMA O PINAGSAMA KASAMA YUNG ANUMANG IBA PANG KOSTUMER O USER. Sa kabila ng anumang iba pang probisyon ng Kasunduang ito, ang Kasunduan sa Arbitration o Mga Tuntunin ng ADR Services, ang mga pagtatalo tungkol sa interpretasyon, kakayahang iangkop, o kakayahang ipatupad ng waiver na ito ay maaari lamang lutasin ng hukuman at hindi ng arbitrator. Kung ang waiver ng class o mga consolidated action na ito ay itinuturing na hindi tama o hindi maipapatupad, hindi ikaw o kami ang may karapatan sa arbitration; sa halip, ang lahat ng claim at pagtatalo ay reresolbahin sa hukuman tulad ng nakasaad sa Section 18.
h. Karapatang I-waive. Ang anumang karapatan at limitasyong nakasaad sa Kasunduan sa Arbitration na ito ay maaaring i-waive ng partido laban sa kung kanino isinampa ang claim. Ang naturang waiver ay hindi magwe-waive o makakaapekto sa anumang iba pang bahagi ng Kasunduan sa Arbitration na ito.
i. Pag-opt out. Maaari kang mag-opt out sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Kung gawin mo ito, hindi mo o ng Snap maaaring pilitin ang iba pang mag arbitrate. Para mag-opt out, kailangan mong abisuhan ang Snap sa sulat nang hindi lalampas ng 30 araw matapos unang mapailalim sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Dapat laman ng iyong notice ang iyong pangalan at address, ang Snapchat username mo at ang email address na iyong ginamit para i-set up ang Snapchat account mo (kung mayroon ka nito), at malinaw na pahayag na gusto mong mag-opt out sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Dapat mong ipadala ang iyong notice ng pag-opt out sa address na ito: Snap Inc., Attn: Arbitration Opt-out, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, o i-email ang notice sa pag-opt out sa arbitration-opt-out @ snap.com.
j. Hukuman ng Maliliit ng Claim. Sa kabila ng nabanggit, ikaw o ang Snap ay maaaring magdala ng indibidwal na aksyon sa hukuman ng maliliit na claim.
k. Pagpapatuloy ng Kasunduan sa Arbitration. Magpapatuloy ang Kasunduan sa Arbitration na ito kahit na magwakas ang iyong ugnayan sa Snap.
Hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ka o ang Snap ng Terms na ito na magpasimula ng litigasyon sa isang korte, pareho kayong sumasang-ayon ng Snap na lahat ng paghahabol at pagtatalo (sa kontrata man, paglabag sa karapatan, o iba pa), kabilang ang mga paghahabol at pagtatalo ayon sa batas, na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms o sa paggamit ng Services ay eksklusibong lilitisin sa United States District Court for the Central District of California. Gayunpaman, kung walang orihinal na hurisdiksyon ang hukumang iyon sa litigasyon, eksklusibong lilitisin ang lahat ng naturang claim at dispute sa Superior Court of California, County of Los Angeles. Sumasang-ayon kayo ng Snap sa personal na hurisdiksyon ng parehong korte.
Maliban kung na-preempt ng U.S. federal law, ang mga batas ng California, maliban sa conflict-of-laws na mga prinsipyo nito, ang ipapatupad sa Terms na ito at anumang mga claim at pagtatalo (kontrata man, tort, o iba pa) na nagmumula sa o may-kaugnayan sa Terms na ito o ang paksa ng mga ito.
Ang anumang probisyon ng Terms na ito na hindi magiging enforceable ay aalisin sa Terms na ito at hindi makakaapekto sa bisa at pagpapatupad ng anumang mga natitirang probisyon.
Kung residente ka ng California, alinsunod sa Cal. Civ. Code § 1789.3, pwede mong i-report ang mga reklamo sa Complaint Assistance Unit ng Division of Consumer Services ng California Department of Consumer Affairs sa pamamagitan ng pag-contact sa kanila nang pasulat sa 1625 North Market Blvd., Suite N 112 Sacramento, CA 95834, o sa pagtawag sa (800) 952-5210.