Na-update namin ang aming Terms of Service, simula Abril 7, 2025. Puwede mong i-view ang naunang Terms of Service na nalalapat sa lahat ng user hanggang sa April 7, 2025, dito.

Mag-click dito para sa isang kapaki-pakinabang na buod ng Terms of Service ng Snap

Ang Terms of Service ng Snap ay isang kontrata sa pagitan mo at ng Snap. Ipinaliliwanag nito ang mga tuntunin sa paggamit ng Snapchat at iba pa naming serbisyo (na tinatawag naming "Mga Serbisyo"). Ang mga tuntuning ito ay may bisa sa ilalim ng batas, kaya mahalagang maunawaan ang mga ito. Narito ang mabilis na breakdown ng importanteng mga puntos, pero dapat mo pa ring basahin ang kabuuan nito:

  • Ikaw ay dapat na 13 anyos (o mas matanda pa, depende kung saan ka nakatira) para gumamit ng Snapchat: At ilan sa aming mga serbisyo ay nangangailangan na ikaw ay 18 na o mas matanda pa. 

  • Nagkokolekta kami at gumagamit ng impormasyon mo para makapagbigay ng mga Serbisyo: Basahin ang aming Privacy Policy para sa mga detalye. 

  • Ang aming mga Serbisyo ay nagbibigay ng personalisadong karanasan: Nagpapakita kami ng mga ad at nagrerekomenda ng content na batay sa iyong mga interes na ipinaliwanag dito.

  • Ikaw ay responsable sa iyong content at ano pang mga activity na nangyayari sa iyong account: Pero puwede naming baguhin, limitahan ang access, o tanggalin ang content na iyon. Huwag gumamit o mag-share ng content ng iba nang walang pahintulot nila. At huwag gumamit ng mga Serbisyo para gumawa o mag-share ng kahit anong content na lumalabag sa karapatan ng iba, kabilang na dito ang intellectual property o privacy. 

  • Ang aming mga Serbisyo ay sumasaklaw sa mga feature na pinapagana ng AI: Ang mga feature na ito ay gumagamit ng mga input na tinuturuan mo para gumawa ng content o mga sagot, na maaaring hindi maging tama o naaangkop, kaya gamitin ang mga ito habang iniisip ang peligrong maaaring maidulot nito. Lahat ng mga input at kahit na anong ginawa mo gamit ang mga AI feature o hilingin na gawin ng mga AI feature ay dapat na sumunod Terms of Service ng Snap. Ang mga output ng aming mga AI-enabled na feature ay hindi mga representasyon ng Snap.

  • Binibigyan mo kami ng permisyo na gamitin ang iyong content para makapagbigay, mapabuti, at mai-promote ang aming mga serbisyo: Makikita at makakapag-interact ang ibang mga user sa iyong content, depende sa feature at settings mo. Kasama na rito ang content na ginamitan ng AI na mga feature.

  • Wala kaming kontrol o responsibilidad sa content ng iba: Maaaring makakita ka ng content na nakakasakit, ilegal, o hindi nararapat, pero mayroon kaming mga sistema para subukang tanggalin ang mga mapanirang content na mababasa mo rito.

  • Dapat ay sundin mo ang itinakda ng Snap na Community Guidelines: Ang guidelines na ito ay inilalapat sa lahat ng kilos, mga uri ng komunikasyon, at content sa aming mga Serbisyo.

  • Dapat ay sundin mo rin ang terms ng Snap para katanggap-tanggap na paggamit: Bukod sa iba pang mga bagay, ikaw ay hindi dapat na:

    • gumawa ng iba pang account nang walang pahintulot mula sa amin kung isinara namin ang luma mo;

    • gamitin ang mga Serbisyo sa mga paraan na ipinagbabawal namin, tulad ng pagkopya o sa pagsubok sa pagri-reverse-engineer ng aming mga Serbisyo o ano pang content sa mga Serbisyo nang walang pahintulot;

    • gamitin ang mga automated na paraan para kumuha ng data o content mula sa aming mga Serbisyo nang walang pahintulot mula sa amin;

    • gumawa ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa karanasan ng ibang mga user o ang seguridad ng mga serbisyo; o

    • lumabag sa kahit anong mga batas habang ginagamit ang aming mga Serbisyo.

  • Kung hindi ka susunod sa mga Terms of Service ng Snap at sa Community Guidelines, ang iyong account ay maaaring masuspinde o maisara: Maaari rin naming sabihan ang mga third party, kabilang na rito ang mga nagpapatupad ng batas, at ibigay sa kanila ang data mula sa iyong account. Maaari ka ring hingan ng bayad kung nagdulot ka ng pinsala sa amin o sa mga iba. Kung hindi ka sumasang-ayon sa aming naging desisyon tungkol sa iyong account o content, maaari mong tutulan ito gaya nang naipaliwanag dito para sa mga apila na tungkol sa content at dito para sa mga apila tungkol sa account. 

  • Ang ibang mga feature ay napapailalim sa karagdagang mga legal na term: Kung sila nga, sasabihan ka namin at ang mga ito ay magiging bahagi rin ng Terms of Service ng Snap.

  • Ang aming mga Serbisyo ay nagbabago sa paglipas ng panahon at maaaring hindi ka namin masabihan tungkol sa bawat pagbabago: Maaari rin naming ma-update ang Terms of Service ng Snap kung kinakailangan, at sasabihan ka namin kung may mahahalagang mga pagbabago.

  • Ginagamit mo ang mga Serbisyo sa iyong sariling peligro: Hindi namin garantisado ang kalidad, seguridad, o ang pagkakaroon ng mga serbisyo, at hindi kami responsable para sa content o mga serbisyo mula sa third party na naka-link sa aming mga Serbisyo.

  • May mga limitasyon sa aming pananagutan sa iyo: Hindi kami responsable sa content o mga activity na hindi sa amin. Kung saan na pinapayagan ng batas, nililimitahan din namin ang pananagutan para sa mga isyu tulad ng problema sa pag-a-access ng mga Serbisyo, mga problema na dahil sa iba, o hindi awtorisadong paggamit ng iyong account.

  • Ang Terms of Service ng Snapay naglalaman ng isang bagay na tinatawag na "Sugnay ng Arbitration" na nagpapaliwanag kung paano namin nireresolba ang karaniwang mga pagtatalo. Ang ibig sabihin nito na, maliban na lang sa ilang uri ng mga pagtatalo na nabanggit sa Sugnay ng Arbitration, ang mga pagtatalo sa pagitan natin ay mareresolba sa pamamagitan ng mandatory binding na arbitration imbes na padaanin sa hukuman, at pareho nating tinatalikuran ang karapatan na makibahagi sa isang class-action na demanda o classwide na arbitration. Depende kung saan ka nakatira, ang mga ito ay maaaring hindi mailapat sa iyo at mayroon kang karapatan na mag-opt out sa arbitration. Ang mga detalye ay naipaliwanag sa Sugnay ng Arbitration.

  • Kung may pagtatalo sa pagitan natin, ang namamahalang batas ay magdi-depende sa Snap entity na nagbibigay ng mga Serbisyo sa iyo. At wala kahit sa ano sa Terms of Service ng Snap ang makakaapekto sa kahit anumang statutory rights na mayroon ka bilang isang consumer sa ilalim ng kahit anong batas na sumasakop sa iyo.

  • Maaari naming paghigpitan o putulin ang iyong access sa aming mga Serbisyo sa kahit anong oras: Maaari mo ring piliing itigil ang iyong paggamit ng mga Serbisyo o alisin ang iyong account kahit kailan. 

Ang buod na ito ay nagpapasimple ng mga pinaka-importanteng puntos, pero tandaang ang buong Terms of Service ng Snap ay ang opisyal na kasunduan sa pagitan natin na namamahala sa iyong paggamit ng aming mga Serbisyo.

Mga Palatuntunan ng Serbisyo ng Snap


Terms of Service ng Snap Inc.

Epektibo: April 7, 2025

Welcome!

Gumawa kami ng Terms of Service (tinatawag namin itong "mga Tuntunin") upang iyong maunawaan ang mga patakaran na gumagabay sa aming kaugnayan sayo bilang user ng Snapchat, Bitmoji, o sa iba naming mga produkto at serbisyo na sakop ng mga ito, katulad ng My AI, (tinutukoy namin ang mga ito na "Serbisyo"). Naka-personalize ang Mga Serbisyo namin at nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa kung paano gumagana ang mga ito sa Terms na ito, aming Privacy, Safety, at Policy Hub, sa aming Site ng Support, at sa Mga Serbisyo (tulad ng mga abiso, pahintulot, at settings). Ang mga impormasyon na aming binigay ay bumubuo sa pangunahing paksa ngga Tuntuning ito.

Bagama't ginawa namin ang aming makakaya upang alisin ang mga legal na kataga mula sa Mga Tuntunin, maaari pa rin itong maging gaya ng isang tradisyonal na kontrata sa ilang mga pagkakataon. May magandang dahilan ito: bumubuo ang Mga Tuntuning ito ng legal na kontrata na bumubuklod sa pagitan mo at ng Snap Inc. ("Snap"). Kaya pakibasa ang mga ito nang mabuti.

Sa pamamagitan ng paggamit ng alin sa aming mga Serbisyo, sumasang-ayon ka sa mga Tuntunin. Kung gayon, binibigyan ka ng Snap ng lisensyang hindi naitatalaga, hindi eksklusibo, mababawi, at non-sublicensable para gamitin ang Mga Serbisyo alinsunod sa Terms na ito at aming mga patakaran. Siyempre, kung hindi ka sumasang-ayon sa Terms, huwag gamitin ang Mga Serbisyo.

Kumakapit ang Mga Tuntuning ito kapag nakatira ka sa Estados Unidos o kapag ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa Estados Unidos. Kung nakatira ka sa labas ng Estados Unidos o kung ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa labas ng Estados Unidos, naglalaan sa iyo ang Snap Group Limited ng Mga Serbisyo at ang ugnayan mo ay pinamamahalan ng Mga Tuntunin sa Serbisyo ng Snap Group Limited.

Kung saan nagbigay kami ng mga buod na section sa Terms na ito, isinama ang mga buod na ito para lang maging madali para sa iyo at dapat mo pa ring basahin nang buo ang Terms na ito para maunawaan ang iyong mga legal na karapatan at obligasyon.

NOTICE SA ARBITRATION: NAGLALAMAN ANG TERMS NA ITO NG SUGNAY NG ARBITRATION SA MAS HULING BAHAGI. IKAW AT ANG SNAP AY SUMASANG-AYONG, MALIBAN SA ILANG URI NG MGA PAGTATALONG NABANGGIT SA ARBITRATION CLAUSE NA IYON, ANG MGA PAGTATALO SA PAGITAN NATIN AY RERESOLBAHIN NG SAPILITANG PAGBUBUKLOD NA ARBITRATION, AT TINATALIKURAN MO AT NG SNAP ANG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA CLASS-ACTION NA LAWSUIT O CLASS-WIDE NA ARBITRATION. MAY KARAPATAN KANG MAG-OPT OUT SA ARBITRATION GAYA NG IPINALIWANAG SA SUGNAY NG ARBITRATION NA IYON.

1. Sino Ang Maaaring Gumamit ng Mga Serbisyo

Hindi nakadirekta ang aming mga serbisyo sa mga batang wala pa sa edad na 13, at dapat mong kumpirmahing ikaw ay 13 taong gulang o mas matanda para gumawa ng account at gamitin ang Mga Serbisyo. Kung may aktwal na kaalaman kaming wala ka pang 13 taong gulang (o ang minimum na edad na pwedeng gamitin ng tao ang aming Mga Serbisyo sa estado, lalawigan, o bansa mo nang walang pahintulot ng magulang, kung mas mataas), ititigil namin ang pagbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo at buburahin ang account mo at data mo. Maaari kaming mag-alok ng dagdag na mga Serbisyo na may karagdagang tuntunin na maaaring hingin na dapat mas matanda ka pa para magamit ang mga ito. Kaya pakibasa nang mabuti ang lahat ng naturang terms. Sa paggamit sa Services, ikaw ay kumakatawan, nagpapatunay, at sumasang-ayon na:

  • maaari kang bumuo ng nagbubuklod na kontrata sa Snap;

  • hindi ka isang tao na pinagbabawalang gumamit ng Services sa ilalim ng mga batas ng Estados Unidos o anumang iba pang naaangkop na hurisdiksyon — kabilang, halimbawa, na hindi ka kasama sa listahan ng U.S. Treasury Department ng Specially Designated Nationals o hindi ka nahaharap sa anumang iba pang katulad na pagbabawal;

  • hindi ka isang nahatulang sex offender; at

  • susunod ka sa Terms na ito (kabilang ang anumang iba pang mga tuntunin at patakaran na binanggit sa Terms na ito, gaya ng Community Guidelines, Mga Guideline ng Musika sa Snapchat, at ang Patakaran sa Komersyal na Content) at lahat ng naaangkop na lokal, pang-estado, pambansa, at internasyonal na batas, panuntunan, at regulasyon.

Kung ikaw ay gumagamit ng Services sa ngalan ng isang negosyo o iba pang entity, inihahayag mong awtorisado kang pagsamahin ang negosyo o entity na iyon sa Terms na ito at ikaw ay pumapayag dito sa ngalan ng negosyo o entity na iyon (at ang lahat ng mga pagtukoy sa Terms na ito na "ikaw" at "iyong" ay nangangahulugang ikaw bilang end user at ang negosyo o entity na iyon). Kung ginagamit mo ang Services sa ngalan ng isang entity ng U.S. Government, sumasang-ayon ka sa Susog sa Terms of Service ng Snap Inc. para sa U.S. Government Users.

Bilang buod: Ang aming Services ay hindi nakadirekta sa sinumang wala pa sa edad na 13 o sa minimum na edad kung saan maaaring gamitin ng isang tao ang Services sa iyong estado, probinsya, o bansa kung ito ay mas matanda sa 13. Kung mamalayan naming wala ka pa sa edad na ito, sususpindihin namin ang iyong paggamit ng Services at idi-delete ang iyong account at data. Maaaring ipatupad ang ibang terms sa aming Services na hinihingi sa iyo na maging mas matanda pa para magamit ang mga ito kaya mangyaring i-review ang mga ito nang mabuti kapag na-prompt.

2. Mga Karapatang Ibinibigay Mo sa Amin

Marami sa aming Mga Serbisyo ang nagpapahintulot sa iyong gumawa, mag-upload, mag-post, magpadala, tumanggap, at mag-store ng content. Kapag ginagawa mo iyon, mapapanatili mo ang anumang karapatan sa pag-aari ng content na iyon na mayroon ka sa simula pa lang. Pero binibigyan mo kami ng lisensyang gamitin ang content na iyon. Ang lawak ng saklaw ng lisensyang iyon ay nakadepende kung aling Services ang ginagamit mo at sa settings na napili mo.

Para sa lahat ng nilalamang ginawa mo gamit ang Mga Serbisyo, o isinumite o ginagawang available sa Mga Serbisyo (kabilang ang Public Content), binibigyan mo ang Snap at ang aming mga affiliate ng pandaigdigan, walang royalty, sublicensable, at naililipat na lisensya upang mag-host, mag-imbak, mag-cache, gumamit, ipakita, kopyahin, baguhin, iakma, i-edit, i-publish, suriin, ipadala, at ipamahagi ang nilalamang iyon, kabilang ang pangalan, imahe, pagkakahawig, o boses ng sinumang itinampok dito. Ang lisensyang ito ay para sa layunin ng pagpapatakbo, pagpapaunlad, paglalaan, pagtataguyod, at papahusay ng Services at pananaliksik at pagbubuo ng bago. Kasama sa lisensyang ito ang karapatan para sa amin na gawing available ang iyong content, at ipasa ang mga karapatang ito sa, mga tagapagbigay ng serbisyo kung saan kami ay may mga relasyong kontraktwal na nauugnay sa probisyon ng Mga Serbisyo, para lamang sa layunin ng pagbibigay at pagpapabuti ng mga naturang Serbisyo.

Tinatawag naming “Pampublikong Content” ang mga pagsusumite ng Public Story at anumang iba pang content na isinusumite mo sa pampublikong Services, tulad ng mga Pampublikong Profile, Spotlight, Snap Map, o Lens Studio. Dahil likas na pampubliko ang Pampublikong Content, binibigyan mo ang Snap, aming mga affiliate, iba pang mga user ng Services, at aming mga kasosyo sa negosyo ng hindi pinaghihigpitan, pandaigdig, walang royalty, hindi mababawi, at walang hanggang karapatan at lisensya na gumawa ng mga hinalaw na likha, i-promote, i-exhibit, i-broadcast, i-syndicate, paramihin, ipamahagi, i-synchronize, patungan ng graphics at auditory effects, itanghal sa publiko, at ipakita sa publiko ang lahat o anumang bahagi ng iyong Pampublikong Content sa anumang anyo at sa anuman o lahat ng paraan ng media o distribusyon, na batid ngayon o nabuo sa kalaunan, para sa mga komersyal at hindi komersyal na layunin. Nalalapat ang lisensyang ito sa hiwalay na video, larawan, recording ng tunog, o mga musikal na komposisyon na nakapaloob sa iyong Pampublikong Content, gayundin ang pangalan, larawan, wangis, at boses ng sinumang naka-feature sa Pampublikong Content na iyong ginagawa, ina-upload, pino-post, ipinapadala, o kung saan ka lumalabas (kabilang ang ipinapakita sa iyong Bitmoji). Nangangahulugan ito, bukod sa iba pang mga bagay, na hindi ka magiging karapat-dapat sa anumang bayad kung ang iyong content, kabilang ang mga video, larawan, sound recording, musikal na komposisyon, pangalan, pagkakahawig, o boses ay ginagamit namin, ng aming mga affiliate, ng mga user ng Mga Serbisyo, o ng aming mga kasosyo sa negosyo. Para sa impormasyon kung paano i-aakma kung sinong makakapanood ng iyong content, mangyaring tingnan ang aming Privacy Policy at Support Site. Dapat na naaangkop ang lahat ng Pampublikong Content para sa mga taong edad 13+.

Bagama't hindi kami inaatasang gawin ito, maaari naming i-access, i-review, i-screen, at i-delete ang iyong content sa anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang para maibigay at mapaunlad ang Services o kung sa palagay namin ay lumalabag ang iyong content sa Terms na ito o sa anumang mga naaangkop na batas. Pero ikaw lang ang natatanging responsable sa content na ginagawa, ina-upload, pino-post, ipinadadala, o inii-store mo sa pamamagitan ng Services.

Kami, ang aming mga affiliate, at aming mga third-party na partner ay pwedeng maglagay ng advertising sa Services, kabilang ang naka-personalize na advertising batay sa impormasyong ibinigay mo sa amin, nakolekta namin, o nakuha namin tungkol sa iyo. Minsan lilitaw ang advertising sa malapit, pagitan, sa ibabaw, o sa loob iyong content.

Gustong-gusto naming makarinig mula sa aming users. Pero kung magbibigay ka ng feedback o mga suhestiyon, mangyaring tandaan na maaari naming gamitin ang mga iyon nang hindi ka binabayaran, at nang walang anumang paghihigpit o obligasyon sa iyo. Sumasang-ayon ka na kami ang magmamay-ari sa lahat ng karapatan sa anumang bagay na nabuo namin batay sa naturang feedback o mga suhestiyon.

Bilang buod: Kung nagpo-post ka ng content na pagmamay-ari mo sa Mga Serbisyo, mananatili kang may-ari pero pinapayagan mo kami at ang iba na gamitin ito para ibigay at i-promote ang aming Services. Pinapayagan mo rin ang ibang mga user na mag-view at, sa ilang kaso, gumamit ng anumang content na ginagawa mong available sa iba sa Mga Serbisyo. Mayroon kaming iba't ibang mga karapatan na baguhin at alisin ang iyong content, ngunit palagi kang nananatiling responsable para sa lahat ng iyong nilikha, nai-post o ibinabahagi, o itinuturo sa amin na gamitin sa Mga Serbisyo.

3. Karagdagang Terms at Mga Patakarang Maaaring Ilapat

Karagdagang terms and conditions na nakalista sa Terms at Mga Patakaran na page o na kung hindi man ay ginawang available sa iyong malalapat sa iyo depende sa partikular na Mga Serbisyong ginagamit mo. Kung nalalapat ang karagdagang terms na iyon (halimbawa, dahil ginagamit mo ang naaangkop na Mga Serbisyo) pagkatapos ay magiging bahagi ang mga ito ng Terms na ito, ibig sabihin, dapat kang sumunod sa mga ito. Halimbawa, kung bumbili ka o gumamit ng anumang mga binabayarang feature na ginagawa naming available sa iyo sa Snapchat (tulad ng subscription sa Snapchat+, pero hindi kasama ang mga serbisyo sa advertising) sumasang-ayon kang nalalapat ang aming Terms ng Mga Binabayarang Feature. Kung ang alinman sa naaangkop na karagdagang terms ay sumasalungat sa Terms na ito, ang mga karagdagang terms ay i-o-override at ilalapat bilang kapalit ng magkakasalungat na bahagi ng Terms na ito.

Sa buod: Maaaring ilapat ang karagdagang terms, maglaan ng oras para basahin nang mabuti ang mga ito.

4. Privacy

Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Maaari mong malaman kung paano ginagamit ang iyong impormasyon kapag ginagamit mo ang aming mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Privacy Policy. Pwede ka ring matuto nang higit pa tungkol sa mga kasanayan namin sa privacy, kabilang kung paano ginagamit ng ilang partikular na feature ang data mo, sa aming Privacy, Safety, at Policy Hub.

5. Mga Naka-personalize na Rekomendasyon

Nagbibigay ang aming Mga Serbisyo ng naka-personalize na karanasan para gawing mas nauugnay at nakakaengganyo ang mga ito para sa iyo. Magrerekomenda kami ng content, advertising, at iba pang impormasyon sa iyo batay sa aming nalalaman at nahihinuha tungkol sa iyo at sa mga interes ng iba pa mula sa paggamit ng aming Mga Serbisyo. Kinakailangan para sa aming pangasiwaan ang iyong personal na impormasyon para sa layuning ito, gaya ng ipinapaliwanag namin sa aming Privacy Policy. Ang pag-personalize ay isa ring kondisyon ng aming kontrata sa iyo para magawa namin ito, maliban kung piliin mong tumanggap ng mas kaunting pag-personalize sa Mga Serbisyo. Makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa mga naka-personalize na rekomendasyon sa aming Site ng Support.

Sa buod: Nagbibigay ang aming Mga Serbisyo ng naka-personalize na advertising, kabilang ang advertising at iba pang mga rekomendasyon sa iyo batay sa data na kinokolekta namin gaya ng ipinaliwanag dito at sa aming Privacy Policy.

6. Mga Feature ng AI

Kasama sa Mga Serbisyo namin ang mga feature na pinapagana ng AI (“Mga Feature ng AI”) na gumagamit ng mga input gaya ng text, mga imahe, mga audio file, mga video, mga dokumento, data, o iba pang content ng ibinigay mo o ginamit sa direksyon mo (“Mga Input”) para mag-generate ng content at mga tugon batay sa Mga Input na iyon (“Mga Output”). Ituturing ang lahat ng mga Input at Output para sa layunin ng Terms na ito bilang content na isinusumite mo sa mga Serbisyo at naayon dito, anumang mga karapatan at mga lisensya na ibinibigay sa amin at mga obligasyon sa iyo ayon sa content na isinumite o ginawang mong available sa mga terms na ito ay naa-apply sa Mga Input at Output, kasama na ang mga lisensya na nakalagay sa "Rights You Grant Us" sa itaas. Nagkokolekta kami, gumagamit, nagbubunyag, at nagpapanatili ng mga Input at Output na ayon sa aming Privacy Policy. 

Habang isinasama natin namin ang ibang partikular na safeguards sa Mga Feature ng AI, ang mga Output ay hindi maaaring makita nang advance at maaaring maging hindi tama, hindi kumpleto, hindi totoo, nakakasakit, hindi kanais-nais, hindi angkop, lumalabag, hindi bagay, labag sa batas, hindi akma sa mga partikular na layunin, o katulad o kamukha ng content na ginawa para sa ibang mga user ng mga Serbisyo. Ang mga Output ay maaari ring magkaroon ng content na hindi naaayon na i-view sa Snap, at ang Snap ay hindi nag-eendorso ng kahit anong content na kasama sa kahit anong mga Output. Kung ang mga Output ay tumutukoy sa mga tao o mga third party kasama na ang kanilang mga produkto o mga serbisyo, hindi nito ibig sabihan na ang taong ito o ang third party ay nag-eendorso ng Snap, o na sila o ang mga produktong ito ay kaanib sa Snap. 

Ang mga Feature ng AI at mga Output ay ibinibigay as-is at ginagawang available sa iyo nang walang mga representasyon o kahit anong garantiya, maging ito ay direktang ipinakita o ipinahihiwatig lamang. Ang ibig sabihin nito na tanggap mo ang kaakibat na peligro sa iyong paggamit ng kahit anong feature ng AI o mga Output, at hindi ka dapat magtiwala sa kanila para sa kahit anong layunin, kasama na dito ang paggawa ng mga desisyon o para sa propesyunal, medical, legal, pinansyal, pang-edukasyon o kahit ano pang klaseng payo. Ang mga Output ay hindi mga representasyon ng Snap.

Kapag ginagamit ang aming mga AI Feature, maliban na lang kung ibinigay namin ang aming pahintulot, hindi mo dapat, at hindi ka dapat gumawa ng kahit anong aksyon na makatuwirang inaasahan na: 

  • gumamit ng mga Input na naglalaman o gumagamit ng, at kung hindi na makatuwirang inaasahan na gumawa ng mga Output na mayroon o gumagamit ng, content na wala kang pahintulot na gamit, na lalabag sa karapatan ng mga iba, o nakuha sa labag sa batas; 

  • lumalabag sa kahit anong guidelines sa pagsubmit at iba pang mga polisiya na ibinibigay namin sa iyo masusunod sa iyong paggamit ng mga AI Feature o pag-submit ng mga Input; 

  • magturo sa mga AI Feature na gumawa ng kahit anong Output na may paglabag sa mga Terms, Community Guidelines, o kahit anong naaangkop na karapatan ng intellectual property, paghihigpit na ayon sa kontrata, o anumang naaangkop na mga batas, o kung ano man na maaaring magdulot ng pinsala; 

  • magbago, magtago, o magtanggal ng anumang watermark o pagbubunyag na inilagay sa mga Output ng mga AI Feature; 

  • umiwas sa kahit anong mga feature na tungkol sa kaligtasan o privacy, mga safeguard, o mekanismo ng mga AI Feature; 

  • gumamit o mag-share ng mga Output na gagamitin para magsanay, bumuo, o magpabuti ng mga model, mga serbisyo, o iba pang teknolohiya ng AI; o

  • o magsabing ang mga Output ay ginawa ng tao o hindi kaya ginawa nang hindi gumamit ng artificial intelligence.

Ang magkahiwalay na terms ay magagamit sa anumang mga AI Feature na ginagamit mo o may koneksyon sa aming mga Serbisyo ng negosyo at ng Lens Studio imbes na sa nakasaad sa itaas, at ito ay ipapakita sa iyo dahil sa koneksyon nito sa iyong paggamit ng ibang mga Serbisyo. 

Bilang buod: Ang mga Input at Output mula sa mga AI Feature ay magagamit ayon sa aming Terms of Service, Privacy Policy, at mga term na angkop sa mga partikular na produkto ng AI na ginagamit mo. Ang mga AI Feature ay maaaring hindi maging tama o angkop at hindi ka dapat magtiwala sa mga ito bilang mapagkukunan ng katotohanan, facts, o bilang kapalit ng pagpapasya ng tao.


7. Pag-moderate ng Content

Karamihan ng content sa aming mga Serbisyo ay nililikha ng mga user, publisher, at ng iba pang third party. Na-post man ang nilalamang iyon sa publiko o ipinadala nang pribado, ang nilalaman ay ang tanging responsibilidad ng user o entity na nagsumite nito. Bagama't inilalaan ng Snap ang karapatang suriin, i-moderate, o alisin ang lahat ng nilalamang lumalabas sa Mga Serbisyo, hindi namin sinusuri ang lahat ng ito. Kaya hindi namin — at hindi — magagarantiya na ang ibang mga user o ang nilalamang ibinibigay nila sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay susunod sa aming Mga Tuntunin, Mga Alituntunin ng Komunidad o sa aming iba pang mga tuntunin, patakaran o alituntunin. Pwede ka pang magbasa tungkol sa diskarte ng Snap sa pagkontrol ng content sa aming Site ng Support.

Pwedeng i-report ng mga user ang content na ginawa ng iba o iba pang account para sa paglabag sa aming Terms, Community Guidelines o iba pang guidelines at mga patakaran. Available ang higit pang impormasyon kung paano mag-report ng content at mga account sa aming Site ng Support.

Umaasa kaming mauunawaan mo ang anumang mga desisyong gagawin namin tungkol sa content o mga user account, pero kung mayroon kang anumang mga reklamo o alalahanin, pwede mong gamitin ang form ng pag-submit na available dito o gumamit ng mga available na in-app na opsyon. Kung gagamitin mo ang prosesong ito, dapat isumite ang sumbong mo sa loob ng anim na buwan ng kaugnay na desisyon.

Sa pagtanggap ng sumbong:

  • titiyakin naming ang sumbong ay susuriin sa napapanahon, walang diskriminasyon, masigasig, at hindi arbitraryong paraan;

  • babaligtarin ang aming desisyon kung matukoy naming mali ang aming paunang assessment; at

  • ipapaalam sa iyo ang aming desisyon at anumang mga posibilidad para sa kaagad na pagtugon.

Sa buod: Karamihan sa nilalaman sa Mga Serbisyo ay pagmamay-ari o kinokontrol ng iba pa at wala kaming anumang kontrol o responsibilidad sa content na iyon. Mayroon kaming mga naaangkop na patakaran at proseso sa pagmo-moderate ng content na nalalapat sa content sa Mga Serbisyo.

8. Paggalang sa Mga Serbisyo at Karapatan ng Snap

Sa pagitan nating dalawa, ang Snap ang nagmamay-ari ng mga Serbisyo, kung saan nabibilang ang lahat ng mga kaugnay na mga brand, mga gawa ng mga may akda, mga avatar ng Bitmoji na binubuo mo, software, at iba pang mga proprietary content, mga feature, at teknolohiya. Ang Mga Serbisyo ay maaari ring maging sakop ng mga patent na pagmamay-ari ng Snap o mga affiliate nito na nakalista sa www.snap.com/patents.

Dapat mo ring igalang ang mga karapatan ng Snap at sumunod sa mga Brand Guidelines ng Snapchat, Brand Guidelines ng Bitmoji, at anumang iba pang guidelines, mga pahina ng suporta, o mga nai-publish na FAQs ng Snap o aming mga affiliate. Nangangahulugan ito na, bukod sa iba pang mga bagay, hindi mo maaaring gawin, tangkaing gawin, i-enable, o hikayatin ang sinuman na gawin, ang alinman sa mga sumusunod at ang paggawa nito ay maaaring magresulta sa pag-terminate o pagsuspinde namin sa iyong access sa Services:

  • gumamit ng branding, mga logo, icon, elemento ng user interface, hitsura at katangian ng produkto o brand, disenyo, litrato, video, o anumang iba pang materyales na ginagawang available ng Snap sa pamamagitan ng mga Serbisyo, maliban sa tahasang pinapayagan ng Terms na ito, ng Brand Guidelines ng Snapchat, ng Brand Guidelines ng Bitmoji, o ng iba pang mga brand guidelines na na-publish ng Snap o aming mga affiliate;

  • sumuway o lumabag sa mga karapatan ng Snap, aming mga affiliate, o anumang iba pang ikatlong partido sa publisidad, privacy, copyright, trademark, o iba pang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian, kabilang ang paggamit ng Mga Serbisyo upang magsumite, magpakita, mag-post, lumikha, o bumuo ng anumang lumalabag na nilalaman;

  • kopyahin, baguhin, i-archive, i-download, i-upload, ibunyag, ipamahagi, ibenta, ipaupa, i-syndicate, i-broadcast, isagawa, ipakita, gawing available, gumawa ng mga hango ng, o kung hindi man gamitin ang Mga Serbisyo o ang content sa Mga Serbisyo, maliban sa mga pansamantalang file na awtomatikong naka-cache ng iyong web browser para sa mga layunin ng pagpapakita, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan sa Mga Tuntuning ito, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan namin sa pamamagitan ng sulat, o tulad ng pinagana ng nilalayong functionality ng Serbisyo;

  • subukang i-access ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng hindi awtorisadong mga application ng third-party, humingi ng mga kredensyal sa pag-log in mula sa ibang mga user, o bumili, magbenta, magrenta, o mag-arkila ng access sa iyong account, isang username, Snaps, o isang link ng kaibigan;

  • reverse engineer, gumawa ng hindi awtorisadong mga kopya o derivative na gawa, decompile, i-disassemble, baguhin o i-decode ang Mga Serbisyo (kabilang ang anumang pinagbabatayan na ideya, teknolohiya, o algoritmo) o anumang nilalamang kasama doon, o kung hindi man ay kunin ang source code ng software ng Mga Serbisyo, nang wala ang aming nakasulat na pahintulot, maliban kung ang isang pagbubukod o limitasyon ay nalalapat sa ilalim ng isang open source na lisensya o mga naaangkop na batas;

  • gumamit ng anumang robot, spider, crawler, scraper, script, software, o iba pang mga automated o semi-automated na paraan, proseso o interface para ma-access, i-scrape, i-extract o kopyahin ang Mga Serbisyo, kabilang ang anumang data ng user, content o iba pang data na nilalaman sa Mga Serbisyo;

  • gumamit o mag-develop ng anumang mga third-party application na nakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo o sa content o impormasyon ng ibang user nang wala ang aming nakasulat na pahintulot;

  • gamitin ang Mga Serbisyo sa paraang maaaring makagambala, makasira, negatibong makaapekto, o makahadlang sa iba pang mga gumagamit mula sa ganap na pagtangkilik sa Mga Serbisyo, o na maaaring makapinsala, ma-disable, ma-overburden, o mapahina ang paggana ng Mga Serbisyo;

  • mag-upload ng mga virus o iba pang nakakapaminsalang code o kung hindi man ikompromiso, i-bypass, o iwasan ang seguridad ng Mga Serbisyo;

  • subukang iwasan ang anumang mga paraan sa pag-filter ng content na ipinapatupad namin, o subukang i-access ang mga bahagi o feature ng Services na hindi ka awtorisadong i-access;

  • gamitin ang Mga Serbisyo upang lumikha o bumuo ng isang nakikipagkumpitensyang produkto o serbisyo;

  • sabihin o ipahiwatig na ineendorso namin ang iyong content;

  • siyasatin, i-scan, o subukan ang kahinaan ng aming Mga Serbisyo o anumang system o network;

  • lumabag sa anumang naaangkop na batas o regulasyong may kaugnayan sa iyong pag-access sa o paggamit ng Mga Serbisyo; o

  • i-access o gamitin ang mga Serbisyo sa anumang paraang malinaw na hindi pinahihintulutan ng mga Tuntuning ito o sa aming mga Community Guidelines.

Bilang buod: Pagmamay-ari o kinokontrol namin ang lahat ng content, feature at functionality ng Mga Serbisyo, maliban sa iyong content. Upang matiyak na protektado ang Mga Serbisyo at iba pang mga user mula sa kapahamakan, may mga tuntunin na kailangan naming sundin mo kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo. Ang pagkabigong sumunod sa mga tuntuning ito ay maaaring magresulta sa pagsuspinde o pag-terminate ng iyong account.

9. Pagrespeto sa Mga Karapatan ng Iba

Nirerespeto ng Snap ang mga karapatan ng iba. At dapat ganoon ka rin. Kaya hindi ka maaaring gumamit ng Mga Serbisyo, o magpahintulot sa iba na gumamit din nito, sa paraang lumalabag o nanghihimasok sa karapatan ng iba tungkol sa publicity, privacy, copyright, trademark, o iba pang mga karapatan sa intellectual property. Kapag nag-submit ka ng content sa Mga Serbisyo, sumasang-ayon ka at kinakatawang pagmamay-ari mo ang content na iyon, o na natanggap mo ang lahat ng kinakailangang pahintulot, clearance, lisensiya, at awtorisasyon para ma-submit ito sa Mga Serbisyo (kabilang ang, kung naaangkop, ang karapatang gumawa ng mga mekanikal na kopya ng mga musikang nakapaloob sa anumang sound recording, pagsabayin ang alinmang komposisyon sa kahit anong content, isapubliko ang alinmang komposisyon o sound recording, o anumang angkop na karapatan sa musika na hindi inilalaan ng Snap na kabilang sa iyong content) at payagan ang mga karapatan at lisensyang nakapaloob sa Mga Tuntuning ito para sa iyong content. Pumapayag ka rin na hindi mo gagamitin at hindi mo susubukang gamitin ang account ng ibang user maliban na lang kung pinapahintulutan ito ng Snap o iba pang affiliates nito.

Ginagalang ng Snap ang mga batas sa trademark, copyright, at iba pang intellectual property kabilang na ang Digital Millennium Copyright Act at gumagawa ng makatuwirang mga hakbang para mabilis na maaalis sa aming Mga Serbisyo ang anumang nanghihimasok na bagay na malalaman namin. Kung malalaman ng Snap na ang isang user ay paulit-ulit na lumalabag sa mga copyright, gagawa kami ng mga makatwirang hakbang sa aming kapangyarihan para suspendihin o i-terminate ang account ng user. Kung naniniwala kang lumalabag ang kahit ano sa Mga Serbisyo sa copyright na pag-aari o kinokontrol mo, paki-report ito gamit ang form na maa-access sa tool na ito. O maaari ka ring magsampa ng notice sa itinalaga naming ahente: Snap Inc., Attn: Copyright Agent, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, email: copyright @ snap.com. Huwag gamitin ang email address na ito para sa kahit anong baga bukod sa pagre-report ng paglabag sa copyright, dahil babale-walain ang mga naturang email. Upang mag-ulat ng iba pang mga anyo ng paglabag, kabilang ang paglabag sa trademark, sa Mga Serbisyo, mangyaring gamitin ang tool na naa-access dito.

Kung nag-file ka ng abiso sa aming Copyright Agent, dapat itong sumunod sa mga kahingian na nakasaad sa 17 U.S.C. § 512(c)(3). Nangangahulugan iyon na ang abiso ay dapat:

  • naglalaman ng pisikal o electronic na pirma ng isang taong awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright;

  • tinutukoy nito ang naka-copyright na gawa na sinasabing nalabag;

  • tinutukoy nito ang materyal na sinasabing lumalabag o ang sumasailalim sa gawaing paglabag at aalisin, o access sa materyal ay idi-disable, at may makatuwirang sapat na impormasyon para mahanap namin ang materyal;

  • ibigay ang iyong contact information, kabilang ang iyong address, telephone number, at isang email address;

  • nagbibigay ng personal na pahayag na mayroon kang mabuting-saloobing paniniwala na ang paggamit sa materyal na isinusumbong ay hindi awtorisado ng may-ari ng copyright, ng agent nito, o ng batas; at

  • nagbibigay ng pahayag na ang impormasyon sa notification ay tama at, sa ilalim ng parusa ng perjury, na ikaw ay awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright.

Sa buod: Tiyaking pagmamay-ari mo o may karapatan kang gumamit ng anumang content na ginagawa mong available sa Mga Serbisyo. Kung gumagamit ka ng nilalamang pag-aari ng ibang tao nang walang pahintulot, maaari naming i-terminate ang iyong account. Kung nakakita ka ng anumang bagay na pinaniniwalaan mong lumalabag sa iyong mga karapatan sa intellectual property, ipaalam sa amin.

10. Kaligtasan

Pinagsisikapan naming mabuting panatilihing ligtas na lugar ang aming Services para sa lahat ng user. Pero hindi namin magagarantiyahan. Dito ka puwedeng makibahagi. Sa paggamit ng mga Serbisyo, sumasang-ayon kang sundin ang Terms na ito sa lahat ng pagkakataon, kabilang ang aming Community Guidelines at iba pang patakaran na ginagawang available ng Snap para mapanatili ang kaligtasan ng mga Serbisyo.

Kung hindi ka sumunod, inilalaan namin ang karapatan na tanggalin ang anumang nakaka-offend na content; i-terminate o limitahan ang visibility ng account mo, at panatilihin ang data na nauugnay sa account mo alinsunod sa aming mga patakaran sa pagpapanatili ng data; at abisuhan ang mga third party — kabilang ang tagapagpatupad ng batas — at bigyan ang mga third party na iyon ng data at iba pang impormasyon na may kaugnayan sa iyong account. Maaaring kailangan ang hakbang na ito para protektahan ang kaligtasan ng aming mga user at ng iba pa, para imbestigahan, gawan ng remedyo, at ipatupad ang mga potensyal na paglabag sa Terms; at para matukoy at bigyang solusyon ang anumang pandaraya o mga isyu sa seguridad.

Pinahahalagahan din namin ang kaligtasan at kagalingan mo habang ginagamit ang aming mga Serbisyo. Kaya huwag gamitin ang aming Services sa paraang makakagambala sa pagsunod mo sa mga batas trapiko o batas ng kaligtasan. Halimbawa, huwag gamitin ang Services habang nagmamaneho. At huwag kailanman ilagay ang sarili mo o ang iba sa paraang nakakapinsala para lang kumuha ng Snap o makagamit ng iba pang feature ng Snapchat.

Sa buod: Sinisikap naming gawing ligtas ang aming Mga Serbisyo hangga't maaari, pero kailangan namin ang inyong tulong. Ang Terms na ito, ang aming Community Guidelines, at iba pang mga patakaran sa Snap ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kung paano panatilihing ligtas ang Mga Serbisyo at iba pang mga user. At huwag kailanman ilagay ang iyong sarili o ang iba sa paraang nakakapinsala kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo.

11. Ang iyong Account

Para magamit ang Mga Serbisyo, kailangan mong gumawa ng account. Pumapayag kang ibigay sa amin ang tama, kunpleto, at updated mong impormasyon para sa account mo. Responsable ka sa anumang aktibidad na nangyayari sa account mo. Kaya mahalagang panatilihing ligtas ang account mo. Isang paraan para makatulong na panatilihing ligtas ang account mo ay ang pumili ng malakas na password na hindi mo ginagamit para sa anumang iba pang account at para i-enable ang two-factor authentication. Kung sa tingin mo ay nabuksan ng iba ang account mo, pakisuyong makipag-ugnayan kaagad sa Support. Anumang software na inilalaan namin sa iyo ay pwedeng awtomatikong mag-download at mag-install ng mga upgrade, update, o iba pang bagong feature. Pwede mong i-adjust ang mga awtomatikong download na ito sa pamamagitan ng settings ng device mo. Pumapayag kang hindi gumawa ng anumang account kapag tinanggal o binan namin kamakailan ang account mo mula sa alinman sa Mga Serbisyo namin, maliban na lang kung pumapayag kaming gawin mo iyon.

Sa buod: Panatilihing ligtas at secure ang mga detalye ng account mo. Gumamit lang ng account kung pinahihintulutan ka naming gawin ito.

12. Memories

Ang Memories ay aming naka-personalize na data-storage na serbisyo. Maaaring maging unavailable ang content mo sa Memories sa anumang ilang dahilan, kabilang ang mga bagay na tulad ng glitch sa paggana o desisyon naming i-terminate ang account mo. Dahil hindi namin maipapangako na palaging magiging available ang content mo, inirerekomenda namin ang pagtatago ng hiwalay ng kopya ng content na sine-save mo sa Memories. Hindi kami nangangako na matutugunan ng Memories ang eksaktong pangangailangan mo sa storage. Inilalaan namin ang karapatang magtakda ng mga limitasyon sa storage para sa Memories, o pagbawalan ang ilang partikular na uri ng content na maging karapat-dapat para sa paggamit sa Memories, at maaari naming baguhin ang mga limitasyon at pagbabawal na ito paminsan-minsan sa aming sariling pagpapasya.

Sa buod: Ang Memories ay naka-personalize na serbisyo ng storage, awtomatiko itong ie-enable, pero pwede mong kontrolin ang ilang mga feature. Hindi rin namin magagarantiyahang maii-store ang anumang Memories magpakailanman, kaya magpanatili ng backup.

13. Mga Singil sa Data Charge at Cellphone

Responsable ka para sa anumang mga singil sa cellphone na maaari mong matamo para sa paggamit ng Services namin. Kasama rito ang mga singil sa data at mga singil para sa pagmemensahe, gaya ng text, MMS, o iba pang mga protocol o teknolohiya sa pagmemensahe (kapag pinagsama-sama ay “Mga Mensahe”). Kung hindi ka tiyak kung ano ang mga singil na iyon, magtanong ka sa provider mo ng serbisyo bago gamitin ang Services.

Sa pagbibigay sa amin ng iyong cellphone number, sumasang-ayon ka, bukod sa iba pang mga bagay, na makatanggap ng mga Mensahe mula sa Snap na may kaugnayan sa Services, kabilang ang tungkol sa mga promotion (kung saan may pahintulot kami o ayon sa pinahihintulutan ng batas), iyong account, at iyong relasyon sa Snap. Sumasang-ayon ka na maaaring matanggap ang mga Mensahe na ito kahit pa nakarehistro ang iyong cellphone number sa anumang pang-estado o pederal na Do Not Call list, o katumbas nito sa ibang bansa.

Kung babaguhin o ide-deactivate mo ang cellphone number na ginamit mo para gumawa ng account, dapat mong i-update ang impormasyon ng account mo sa Settings sa loob ng 72 oras para pigilan kaming mag-send sa ibang tao ng mga message na para sa iyo.

Bilang buod: Maaari kaming mag-send sa iyo ng mga Mensahe, at maaaring magkaroon ng mga singil sa cellphone kapag ginamit mo ang aming Services.

14. Mga Third-Party na Materyal at Serbisyo

Maaaring magpakita, magsama, o gumawa ng available na content, data, impormasyon, application, feature, o materyal mula sa mga third party ang ilang Serbisyo (“Mga Materyal ng Third-Party”), magbigay ng mga link sa ilang website ng third-party, o pahintulutan ang paggamit ng mga Materyal ng Third-Party o ng mga serbisyo ng third-party na may kaugnayan sa Mga Serbisyong iyon. Kung gumagamit ka ng anumang Mga Materyal ng Third-Party o mga serbisyo ng third-party na ginawang available sa pamamagitan o kaugnay ng aming Mga Serbisyo (kabilang ang Mga Serbisyong magkasama naming inaalok sa third party), pamamahalaan ng naaangkop na terms ng third-party ang kanilang ugnayan sa iyo. Hindi Snap o alinman sa aming mga affiliate ang responsable o may pananagutan para sa terms o pagkilos ng third party na ginawa sa ilalim ng anumang terms ng third party. Dagdag pa, sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo, kinikilala at sinasang-ayunan mong ang Snap ay hindi responsable para sa pagsisiyasat o pagsusuri sa content, katumpakan, pagkakumpleto, availability, pagiging maagap, bisa, pagsunod sa copyright, legalidad, pagiging disente, kalidad, o anumang iba pang aspeto ng naturang Mga Materyal ng Third-Party o mga serbisyo o website ng third-party. Hindi namin ginagarantiyahan o ineendorso at hindi inaako at hindi magkakaroon ng anumang pananagutan o responsibilidad sa iyo o sa sinumang iba pang tao para sa anumang mga serbisyo ng third-party, Materyal ng Third-Party, o website ng third-party, o para sa anumang iba pang materyal, produkto, o serbisyo ng mga third party. Mga Materyal ng Third-Party, ang availability ng mga serbisyo at link ng third-party sa ibang mga website ay ibinibigay lamang bilang isang kaginhawahan sa iyo.

Sa buod: Hindi responsable ang Snap para sa mga feature, content, o mga serbisyo ng third-party na naa-access sa pamamagitan ng o kaugnay ng aming Mga Serbisyo – pakitiyak na binabasa mo ang terms ng third party.

15. Pagbabago ng Mga Serbisyo at Terms na Ito

Walang humpay naming pinahuhusay ang aming mga Serbisyo at lumilikha kami ng mga bago sa lahat ng panahon. Nangangahulugan iyon na maaari kaming magdagdag o magtanggal ng features, mga produkto, o functionality, at maaari rin naming isuspinde o ihinto ang lahat ng Services. Maaari naming isagawa ang alinman sa mga aksyong ito anumang oras sa anumang dahilan, at kapag ginawa namin ito, maaaring hindi ka namin bigyan ng anumang paunang abiso.

Nangangahulugan din itong maaaring kailanganin naming i-update ang Terms na ito para ipakita ang anumang mga pagbabago sa aming Services o kung paano namin ibinibigay ang mga ito, gayundin para sumunod sa mga legal na kinakailangan, o para sa iba pang mga legal o panseguridad na dahilan. Kung materyal ang mga pagbabagong iyon sa Terms na ito, bibigyan ka namin ng makatwirang paunang abiso (maliban kung kinakailangan ang mga pagbabago nang mas maaga, halimbawa, bilang resulta ng pagbabago sa mga legal na kinakailangan o kung saan naglulunsad kami ng bagong Services o features). Kung patuloy mong gagamitin ang Mga Serbisyo sa sandaling magkabisa ang mga pagbabago, ituturing namin iyon bilang pagtanggap mo.

Bilang buod: Ang aming Services ay mag-e-evolve sa paglipas ng panahon. Maaari naming i-update ang Terms na ito paminsan-minsan para ipakita ang mga pagbabagong ito o para sa iba pang mga dahilan.

16. Pag-terminate at Pagsuspinde

Habang umaasa kaming mananatili kang panghabambuhay na Snapchatter, maaari mong i-terminate ang Terms na ito sa anumang oras kung hindi ka sumasang-ayon sa anumang mga pagbabagong ginagawa namin sa Terms na ito, o para sa anumang iba pang dahilan, sa pamamagitan ng pagtanggal sa Snapchat account mo (o, sa ilang kaso, ang account na nauugnay sa naaangkop na bahagi ng Mga Serbisyo na ginagamit mo).

Maaari naming paghigpitan, i-terminate, o pansamantalang isuspinde ang iyong access sa Mga Serbisyo kung mabigo kang sumunod sa Terms na ito, ang aming Community Guidelines o ang batas, para sa mga dahilan sa labas ng aming kontrol, o para sa anumang iba pang dahilan. Ibig sabihing maaari naming i-terminate ang Terms na ito, ihinto ang paglalaan sa iyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo, o magpatupad ng mga bago o karagdagang limitasyon sa kakayahan mong gamitin ang aming Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari naming i-deactivate ang account mo dahil sa matagal na kawalan ng aktibidad, at pwede naming bawiin ang username mo anumang oras para sa anumang dahilan. At hindi namin magagarantiya sa iyo na ang abiso ay posible sa lahat ng pagkakataon, kahit susubukan namin itong ibigay nang makatuwiran at patiuna.

Kung nilimitahan, na-terminate o nasuspinde namin ang access mo sa mga Serbisyo dahil sa paglabag ng aming Community Guidelines, aabisuhan ka namin at bibigyan ng pagkakataon na mag-apela katulad ng ipinaliwanag sa aming Paliwanag tungkol sa Pag-moderate, Pagpapatupad at mga Apela.

Bago namin paghigpitan, i-terminate, o suspindihin ang access mo sa Mga Serbisyo, isasaalang-alang namin ang lahat ng nauugnay na katotohanan at pangyayaring nakikita mula sa impormasyong available sa amin, depende sa pinagbabatayang dahilan ng pagsasagawa ng pagkilos na iyon. Halimbawa, kung nilabag mo ang aming Community Guidelines, isinasaalang-alang namin ang kalubhaan, dalas, at impact ng mga paglabag pati na rin ang intensyon sa likod ng paglabag. Ipapaalam nito sa aming desisyon kung paghihigpitan, ite-terminate, o sususpindihin ang iaccess mo sa Mga Serbisyo at, kung sakaling masuspinde, kung gaano katagal namin isususpinde ang access mo. Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano kami nagtatasa at gumagawa ng aksyon laban sa maling paggamit ng aming Mga Serbisyo sa aming Site ng Support.

Hindi alintana kung sino ang magte-terminate sa Terms na ito, ikaw at ang Snap ay magpapatuloy na mapailalim sa Seksyon 2, 3 (hanggang sa anumang karagdagang terms and conditions ay, ayon sa kanilang terms, mananatili), at 6 - 25 ng Terms.

Sa buod: Maaari mong ihinto ang paggamit ng Mga Serbisyo o burahin ang account mo anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang kung hindi mo gusto ang anumang mga pagbabago sa Terms na ito. Pwede naming paghigpitan o i-terminate ang access mo sa Mga Serbisyo para sa mga dahilang itinakda sa itaas. Kapag ginawa namin, bibigyan ka namin kadalasan ng notice, pati na rin ng pagkakataong iapela ang desisyon.

17. Indemnity

Sumasang-ayon ka, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas, na babayaran sa pinsala, ipagtatanggol, at hindi pananagutin ang Snap, ang affiliates, mga direktor, opisyal, stockholder, empleyado, tagalisensya, at ahente nito mula at laban sa anuman at lahat ng reklamo, demanda, paghahabol, pinsala, pagkalugi, halaga, multa, pananagutan, at mga gastusin (kabilang ang mga babayaran sa abogado) dahil sa, na nagmumula sa, o nauugnay sa anumang paraan sa: (a) iyong pag-access o paggamit ng Mga Serbisyo, o anumang mga produkto o serbisyong ibinigay ng third party na may kaugnayan sa Mga Serbisyo, kahit na inirerekomenda, ginawang available, o inaprubahan ng Snap, (b) ang iyong content, kabilang ang mga paghahabol sa paglabag na nauugnay sa iyong content, (c) ang iyong paglabag sa Terms na ito o anumang naaangkop na batas o regulasyon, o (d) ang iyong kapabayaan o sadyang maling pag-uugali.

Sa buod: Kung magdudulot ka sa amin ng ilang pinsala, babayaran mo kami.

18. Mga Disclaimer

Sinusubukan naming panatilihing gumagana at walang palya ang mga Serbisyo. Pero hindi kami nangangako na magtatagumpay kami.

ANG SERVICES AY IBINIBIGAY NANG "AS IS" AT "AS AVAILABLE" AT HANGGANG SA SAKLAW NA PINAHIHINTULUTAN NG BATAS NANG WALANG ANUMANG URI NG GARANTIYA, NAKASAAD MAN O IPINAHIHIWATIG, KABILANG ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA IPINAHIHIWATIG NA GARANTIYA NG PAGIGING MABENTA, KAANGKUPAN SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO, AT KAWALAN NG PAGLABAG. BILANG KARAGDAGAN, HABANG NAGTATANGKA KAMING MAGBIGAY NG MABUTING KARANASAN NG USER, HINDI NAMIN KINAKATAWAN O GINAGARANTIYAHANG: (A) ANG MGA SERBISYO AY PALAGING LIGTAS, WALANG ERROR, O NAPAPANAHON, (B) ANG MGA SERBISYO AY LAGING GAGANA NANG WALANG PAGKAANTALA, PAGKAPUTOL, O PAGKAKAMALI, O (C) NA ANUMANG CONTENT, CONTENT NG USER, O IMPORMASYONG NAKUKUHA MO SA O SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO AY MAGIGING NAPAPANAHON O TUMPAK.

WALA SA AMIN O SA AMING MGA AFFILIATE ANG AAKO NG RESPONSIBILIDAD O MANANAGOT PARA SA ANUMANG CONTENT NA IKAW, IBANG USER, O THIRD PARTY ANG GUMAWA, NAG-UPLOAD, NAG-POST, NAGPADALA, TUMANGGAP, O NAG-STORE SA O SA PAMAMAGITAN NG AMING SERVICES. NAUUNAWAAN MO AT SUMASANG-AYON KA NA PWEDE KANG MA-EXPOSE SA CONTENT NA POSIBLENG MAPANAKIT, ILEGAL, MAPANLINLANG, O HINDI NARARAPAT, KUNG SAAN KAMI O ANG AMING MGA AFFILIATE AY WALANG RESPONSIBILIDAD.

Bilang buod: Susubukan ng Snap na gawing available ang Mga Serbisyo sa iyo, pero hindi kami nangangako ng kahit ano tungkol sa kalidad at hindi kami mananagot para sa anumang content na hindi sa amin.

19. Limitasyon ng Pananagutan

SA MAXIMUM NA HANGGANANG PINAHIHINTULUTAN NG BATAS, KAMI AT ANG AMING MGA TAGAPAMAHALANG MIYEMBRO, SHAREHOLDER, EMPLEYADO, KAALYADO, LICENSOR, AHENTE, AT SUPPLIER AY HINDI MANANAGOT PARA SA ANUMANG HINDI DIREKTA, INSIDENTAL, ESPESYAL, KINAHINATNAN, MAPAPARUSAHAN, O MARAMIHANG PINSALA, O ANUMANG PAGKALUGI SA TUBO O KITA, NATAMO MAN NANG DIREKTA O HINDI DIREKTA, O ANUMANG PAGKAWALA NG DATA, PAGGAMIT, GOODWILL, O IBA PANG MGA INTANGIBLE NA PAGKALUGI, NA NAGRERESULTA MULA SA: (A) IYONG ACCESS SA O PAGGAMIT NG O KAWALAN NG KAKAYAHANG MA-ACCESS O GAMITIN ANG MGA SERBISYO, (B) PAG-UUGALI O CONTENT NG IBA PANG MGA GUMAGAMIT O MGA THIRD PARTY SA O SA PAMAMAGITAN NG MGA SERBISYO, O (C) HINDI AWTORISADONG ACCESS, PAGGAMIT, O PAGBABAGO NG IYONG CONTENT, KAHIT INABUSUHAN KAMI NG POSIBILIDAD NG NATURANG MGA DAMAGE. HINDI KAILANMAN MANGYAYARI NA ANG KABUUAN NG AMING PANANAGUTAN PARA SA LAHAT NG CLAIM NA NAUUGNAY SA SERVICES AY LALAMPAS SA $100 USD O SA HALAGANG IBINAYAD MO SA AMIN SA LOOB NG 12 BUWAN BAGO ANG PETSA NG AKTIBIDAD NA PINAGMULAN NG CLAIM.

Sa buod: Nililimitahan namin ang aming pananagutan para sa anumang ginagawa mo, mga pagkakataon kung saan hindi mo maaaring i-access ang Mga Serbisyo, mga bagay na ginagawa ng iba, at anumang mga isyung nagreresulta mula sa hindi awtorisadong paggamit ng aming Mga Serbisyo. Kung saan kami ay may pananagutan sa iyo at nakaranas ka ng ilang pagkalugi, nililimitahan namin ang aming pananagutan sa nakatakdang halaga.

20. Arbitration, Waiver para sa Class Action at Jury Waiver

PAKIBASA NANG MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TALATA DAHIL ITINATADHANA NG MGA ITO NA IKAW AT ANG SNAP AY SUMASANG-AYON NA LUTASIN ANG LAHAT NG PAGTATALO SA PAGITAN NATIN SA PAMAMAGITAN NG NAGBUBUKLOD NA INDIBIDWAL NA ARBITRATION AT MAY KASAMANG WAIVER PARA SA CLASS ACTION AT JURY TRIAL WAIVER. Pumapalit ang Kasunduan sa Arbitration na ito sa lahat ng naunang bersyon.

a. Kakayahang Iangkop ng Kasunduan sa Arbitration. Dito sa Section 20 (ang "Kasunduan sa Arbitration"), ikaw at ang Snap, kasama ang mga opisyal, direktor, empleyado, contractor at vendor ng Snap ay sumasang-ayon na ang lahat ng claim at dispute (kontrata man, paglabag o iba pa), kabilang ang lahat ng legal na claim at dispute, na nagmumula o may kaugnayan sa Terms na ito o sa paggamit ng Services o anumang komunikasyon sa pagitan mo at ng Snap na hindi dinala sa hukuman ng mga maliliit na paghahabol ay lulutasin sa pamamagitan ng nagbubuklod na arbitration sa isang indibidwal na batayan, maliban na ikaw at ang Snap ay hindi kinakailangang i-arbitrate ang anumang: (i) mga dispute o claim na nasa hurisdiksyon ng isang small claims court na alinsunod sa mga limitasyon sa hurisdiksyon at limitasyon sa dolyar na posibleng ilapat, hangga't isa itong indibidwal na dispute at hindi isang class action, (ii) mga dispute o claim kung saan ang tanging solusyong hinihingi ay injunction, at (iii) mga dispute kung saan humihingi ang parehong partido ng pantay na solusyon para sa paratang na ilegal na paggamit ng mga copyright, trademark, trade name, logo, trade secret, patent, o iba pang karapatan sa intellectual property. Para maging malinaw: kabilang din sa talatang "lahat ng claim at pagtatalo" ang mga paghahabol at pagtatalong sumulpot sa pagitan namin bago ang petsa ng pagpapatupad ng Terms na ito. Dagdag pa rito, ang lahat ng dispute tungkol sa arbitrability ng claim (kabilang ang mga dispute tungkol sa saklaw, kakayahang iangkop, ipatupad, kakayahang bawiin, o bisa ng Kasunduan sa Arbitration) ay pagpapasyahan ng arbitrator, maliban na lang kung malinaw na isinaad sa ibaba. Magiging may bisa at ipapatupad laban sa iyo, sa mga ari-arian mo, mga tagapagmana, mga tagapagpatupad, mga tagapangasiwa, mga kahalili at itinalaga ang probisyong ito, kabilang ang sinumang partido na pumanaw na sa oras na mangyari ang dispute.

b. Impormal na Paglutas Muna ng Pagtatalo. Gusto naming lutasin ang anumang pagtatalo nang hindi na nangangailangan ng arbitration. Kung mayroon kang pagtatalo sa Snap na sasailalim sa arbitration, kung gayon, bago magsimula ang arbitration, sumasang-ayon ka na magpadala sa mail ng individualized request (“Pre-Arbitration Demand”) sa Snap Inc., ATTN: Litigation Department, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405 para makapagtulungan tayo na lutasin ang dispute. May bisa lang ang isang Pre-Arbitration Demand kung tumutukoy ito sa, at para sa, iisang indibidwal. Ang Pre-Arbitration demand na isinampa sa ngalan ng maraming indibidwal ay walang bisa sa lahat. Ang Pre-Arbitration Demand ay dapat na kabilang ang (i) pangalan mo, (ii) username sa Snapchat, (iii) pangalan mo, numero ng telepeno, email address at mailing address o pangalan, numero ng telepono, mailing address at email address ng abugado mo, kung mayroon man, (iv) paglalarawan ng iyong dispute, at (iv) lagda mo. Gayundin, kung may dispute ang Snap sa iyo, magpapadala ang Snap ng email o text na may individualized Pre-Arbitration Demand nito, kasama ang mga kinakailangang nakalista sa itaas, sa email address o numero ng telepono na nauugnay sa Snapchat account mo. Kung hindi nalutas ang dispute sa loob ng animnapung (60) araw mula sa petsa na nagpadala ka o ang Snap ng Pre-Arbitration Demand mo, puwede nang maghain ng arbitration. Sumasang-ayon ka na ang pagsunod sa subsection na ito ay isang kondisyong kinakailangan sa pagsisimula ng arbitration, at puwedeng i-dismiss ng arbitrator ang anumang arbitration na isinumite nang walang ganap at kumpletong pagsunod sa ganitong mga impormal na pamamaraan sa paglutas ng dispute. Sa kabila ng anupamang probisyon ng Kasunduang ito, ng Kasunduan sa Arbitration, o Mga Tuntunin ng Mga Serbisyo ng ADR, may karapatan ang partidong inireklamo sa isinumiteng arbitration na humingi ng hudisyal na deklarasyon sa hukuman tungkol sa kung idi-dismiss ang arbitration dahil sa hindi pagsunod sa proseso ng impormal na paglutas ng dispute na itinakda sa subsection na ito.

c. Mga Tuntunin ng Arbitration. Ang Federal Arbitration Act, kasama ang mga probisyon sa pamamaraan nito, ay pinamamahalaan ang interpretasyon at pagpapatupad ng probisyon sa resolusyon ng pagtatalo, at hindi batas ng estado. Kung, pagkatapos kumpletuhin ang proses ng impormal na pagulutas ng dispute na inilarawan sa itaas, gugustuhin mo o ng Snap na simulan ang arbitration, gagawin ito ng ADR Services, Inc. ("ADR Services") (https://www.adrservices.com/). Kung hindi availabe ang ADR Services para mag-arbitrate, isasagawa ang arbitration ng National Arbitration and Mediation (“NAM) (https://www.namadr.com/). Pamamahalaan ng rules ng arbitral forum ang lahat ng aspeto ng arbitrasyong ito, maliban sa hangganan na sumasalungat ang rules na iyon sa mga Tuntuning ito. Isasagawa ang arbitrasyon ng iisang neutral na arbitrator. Maaaring magbigay ng mga order ang arbitrator (kabilang ang mga subpoena sa mga third party, ayon sa ipinag-uutos ng batas) na nagpapahintulot sa mga partido na gumawa ng discovery na sapat para pahintulutan ang bawat partido na ihanda ang kanilang mga claim at/o depensa, na isinasaalang-alang na idinisenyo ang arbitration bilang isang mabilis at epektibong paraan ng paglutas ng mga dispute. Anumang mga claim o pagtatalo kung saan ang kabuuang halagang hinahabol ay mas mababa sa $10,000 USD ay maaaring resolbahin sa pamamagitan ng umiiral na arbitration na hindi kailangang magpakita, sa opsyon ng party na naghahabol ng relief. Para sa mga claim o pagtatalo kung saan ang kabuuang halagang hinahabol ay $10,000 USD o higit pa, matutukoy ang karapatan sa pagdinig ayon sa mga tuntunin ng arbitral forum. Anumang paghuhusga sa award ibinigay ng arbitrator ay maaaring ipasok sa anumang hukumang may karampatang hurisdiksyon.

d. Mga Karagdagang Tuntunin para sa Non-appearance na Arbitration. Kung napili ang arbitration na hindi kailangang magpakita, ilulunsad ang arbitration sa telepono, online, nakasulat na pagsusumite, o anumang kumbinasyon ng tatlo; pipiliin ang partikular na paraan ng partidong nagpapasimula sa arbitration. Ang arbitration ay hindi magsasangkot ng anumang personal na pagpapakita ng mga partido o saksi maliban kung magkasundo ang mga partidong gawin iyon.

e. Mga Babayaran. Kung Snap ang partido na nagpapasimula ng arbitration laban sa iyo, babayaran ng Snap ang lahat ng gastos na nauugnay sa arbitration, kasama ang buong babayaran sa pagsusumite. Kung ikaw ang partidong nagpapasimula ng arbitration laban sa Snap, magiging responsibilidad mo ang hindi puwedeng i-refund na babayaran para sa Paunang Pagsusumite. Kung sakali na ang halaga ng Babayaran para sa Paunang Pagsusumite ay higit pa sa halagang babayaran mo para magsampa ng Reklamo sa District Court ng United States para sa Central District of California (o, para sa mga kaso kung saan walang orihinal na hurisdiksyon ang hukumang iyon, ang California Superior Court, County of Los Angeles), babayaran ng Snap ang diperensya sa pagitan ng babayaran para sa Paunang Pagsusumite at ng halagang kakailanganin mong bayaran para maghain ng Reklamo sa Hukuman. Babayaran ng Snap ang Administrative Fee ng parehong partido. Kung hindi, itatakda ng ADR Services ang mga babayaran para sa mga serbisyo nito, na available sa https://www.adrservices.com/rate-fee-schedule/.

f. Awtoridad ng Arbitrator. Ang arbitrator ang magpapasya sa hurisdiksyon ng arbitrator at sa mga karapatan at pananagutan mo at ng Snap, kung mayroon man. Hindi isasama ang pagtatalo sa anumang iba pang mga usapin o isasama sa anumang iba pang mga kaso o partido. Ang arbitrator ay magkakaroon ng awtoridad na magkaloob ng mga kilos na magreresolba sa lahat o bahagi ng anumang claim o pagtatalo. Ang arbitrator ay magkakaroon ng awtoridad na mag-award ng mga monetary na damage at magkaloob ng anumang remedyo o relief na available sa indibidwal sa ilalim ng batas, ng mga tuntunin ng arbitral forum, at ng Terms. Maglalabas ang arbitrator ng nakasulat na award at pahayag ng pagpapasiyang naglalarawan sa mahahalagang natuklasan at konklusyon kung saan nakabatay ang award, kabilang ang kalkulasyon ng anumang mga damage na iginawad. Ang arbitrator ay may parehong awtoridad na maggawad ng relief sa indibidwal na batayang mayroon ang isang hukom sa hukuman ng batas. Ang award ng arbitrator ay pinal at magbubuklod sa iyo at sa Snap.

g. Mga Settlement Offer at Mga Offer of Judgement. Nang hindi bababa sa sampung (10) araw sa kalendaryo bago ang petsang itinakda para sa pagdinig ng arbitration, puwede kang maghain o ang Snap ng nakasulat na offer of judgement para sa kabilang partido para magbigay-daan sa paghatol batay sa mga tinukoy na tuntunin. Kung tinanggap ang offer, dapat isumite ang offer nang may katibayan ng pagtanggap sa provider ng arbitration, na siyang maglalagay ng paghatol batay rito. Kung hindi tinanggap ang offer bago ang pagdinig sa arbitration o sa loob ng tatlumpung (30) araw sa kalendaryo pagkatapos itong gawin, alinman ang mauna, ituturing itong binawi at hindi na puwedeng ibigay bilang ebidensya sa arbitration. Kung hindi tinanggap ng kabilang partido ang offer na ginawa ng isang partido, at nabigo ang kabilang partido na makakuha ng award na panig sa kanya/kanila, hindi na mababawi ng kabilang partido ang kanilang mga gastos pagkatapos ng offer at babayaran nito ang mga gastos ng nag-offer na partido (kasama ang lahat ng bayaring binayaran sa arbitral forum) mula sa oras ng pag-offer.

h. Waiver ng Paglilitis ng Jury. NAGPAPAUBAYA KA AT ANG SNAP NG ANUMANG KONSTITUSYONAL AT AYON SA BATAS NA MGA KARAPATAN PARA MAGPUNTA SA HUKUMAN AT MAGKAROON NG PAGLILITIS SA HARAPAN NG HUKOM O NG JURY. Ikaw at ang Snap ay, sa halip, pinipiling magkaroon ng mga claim at pagtatalong malutas sa pamamagitan ng arbitration. Ang mga proseso ng arbitration ay karaniwang mas limitado, mas mabisa, at hindi kasing-gastos ng mga tuntuning naaangkop sa hukuman at sumasailalim sa napakalimitadong pagsusuri ng hukuman. Sa anumang litigasyon sa pagitan mo at ng Snap, kung aalisan o magpapatupad ng award sa arbitration, IPINAPAUBAYA MO AT NG SNAP ANG LAHAT NG KARAPATAN SA PAGLILITIS NG JURY, at pipiliin sa halip na iparesolba ang pagtatalo sa hukom.

i. Waiver ng Mga Class o Consolidated Action. LAHAT NG CLAIM AT PAGTATALO SA LOOB NG SAKLAW NG KASUNDUAN SA ARBITRATION NA ITO AY DAPAT I-ARBITRATE O LITISIN BILANG INDIBIDWAL NA BATAYAN AT HINDI BATAYAN SA URI. ANG MGA CLAIM NG MAHIGIT SA ISANG KOSTUMER O USER AY HINDI MAAARING I-ARBITRATE O LITISIN NANG MAGKASAMA O PINAGSAMA KASAMA YUNG ANUMANG IBA PANG KOSTUMER O USER. Hindi ka pipigilan o ang Snap ng subsection na ito na lumahok sa isang class-wide settlement ng mga claim. Sa kabila ng anumang iba pang probisyon ng Kasunduang ito, ang Kasunduan sa Arbitration o Mga Tuntunin ng ADR Services, ang mga pagtatalo tungkol sa interpretasyon, kakayahang iangkop, o kakayahang ipatupad ng waiver na ito ay maaari lamang lutasin ng hukuman at hindi ng arbitrator. KUNG LIMITADO, NA-VOID, O NATUKOY NA HINDI MAIPAPATUPAD ANG WAIVER NG CLASS ACTION NA ITO, MALIBAN NA LANG KUNG NAGKASUNDO ANG PAREHONG PARTIDO, MAWAWALAN NG BISA AT KATUTURAN ANG KASUNDUAN NG MGA PARTIDO NA MAG-ARBITRATE KAUGNAY NG NATURANG PAGLILITIS HANGGANG SA PINAPAYAGAN ANG PAGLILITIS NA MAGPATULOY BILANG ISANG CLASS ACTION. SA MGA NATURANG SITWASYON, KAILANGANG IDULOG SA HUKUMAN NA MAY TAMANG HURISDIKSYON AT HINDI SA ARBITRATION ANG ANUMANG ITINUTURING NA CLASS, PRIBADONG ATTORNEY GENERAL, O PINAGSAMA-SAMA O KUMAKATAWANG AKSYON NA PINAPAYAGANG MAGPATULOY.

j. Karapatang Mag-waive. Ang anumang karapatan at limitasyong nakasaad sa Kasunduan sa Arbitration na ito ay maaaring i-waive ng partido laban sa kung kanino isinampa ang claim. Ang naturang waiver ay hindi magwe-waive o makakaapekto sa anumang iba pang bahagi ng Kasunduan sa Arbitration na ito.

k. Mag-opt out. Maaari kang mag-opt out sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Kapag nag-opt out ka, hindi mo mapipilit o ng Snap ang iba pa na mag-arbitrate. Para mag-opt out, kailangan mong abisuhan ang Snap sa pamamagitan ng sulat na hindi lalampas sa 30 araw pagkatapos unang sumailalim sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Kung hindi, mapipilitan kang mag-arbitrate ng mga dispute sa isang non-class basis alinsunod sa Mga Tuntuning ito. Kung nag-opt out ka lang sa mga probisyon ng arbitration, at hindi sa waiver ng class action, ilalapat pa rin ang waiver ng class action. Hindi ka puwedeng mag-opt out lang sa waiver ng class action at hindi rin mag-o-opt out sa mga probisyon ng arbitration. Kailangang kasama sa notice mo ang iyong pangalan at address, ang username ng Snapchat mo, at ang email address na ginamit mo para i-set up ang Snapchat account mo (kung mayroon ka nito), at malinaw na pahayag na gusto mong mag-opt out sa Kasunduan sa Arbitration na ito. Kailangan mong ipadala sa mail ang notice ng pag-opt out mo sa address na ito: Snap Inc., Attn: Arbitration Opt-out, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, o i-email ang notice sa pag-opt out sa arbitration-opt-out@snap.com.

l. Small Claims Court. Sa kabila ng nabanggit, ikaw o ang Snap ay maaaring magdala ng indibidwal na aksyon sa hukuman ng maliliit na claim.

m. Pagpapatuloy ng Kasunduan sa Arbitration. Magpapatuloy ang Kasunduan sa Arbitration na ito kahit pa nagtapos na ang kaugnayan mo sa Snap, kasama ang anumang pagbawi ng pahintulot o iba pang aksyon mo para tapusin ang iyong pakikilahok sa Serbisyo o anumang pakikipag-ugnayan sa Snap.

Bilang buod: Maliban kung ginamit mo ang karapatan mong mag-opt out, lulutasin muna ninyo ng Snap ang lahat ng claim at dispute sa pamamagitan ng proseso ng impormal na paglutas ng dispute at, kung hindi nito nalutas ang isyu, sa pamamagitan ng indibidwal na batayan gamit ang binding arbitration. Nangangahulugan ito na hindi ka puwedeng magsimula ng class action suit laban sa amin kung magkaroon ng claim o dispute.

21. Eksklusibong Hurisdiksyon

Hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ka o ang Snap ng Terms na ito na magpasimula ng litigasyon sa isang korte, pareho kayong sumasang-ayon ng Snap na, maliban para sa isang paghahabol na maaaring dalhin sa hukuman ng mga maliliit na paghahabol, lahat ng paghahabol at pagtatalo (sa kontrata man, paglabag sa karapatan, o iba pa), kabilang ang mga paghahabol at pagtatalo ayon sa batas, na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms o sa paggamit ng Services ay eksklusibong lilitisin sa United States District Court for the Central District of California. Gayunpaman, kung walang orihinal na hurisdiksyon ang hukumang iyon sa litigasyon, eksklusibong lilitisin ang lahat ng naturang claim at dispute sa Superior Court of California, County of Los Angeles. Sumasang-ayon kayo ng Snap sa personal na hurisdiksyon ng parehong korte.

22. Pagpili ng Batas

Maliban kung na-preempt ng U.S. federal law, ang mga batas ng California, maliban sa conflict-of-laws na mga prinsipyo nito, ang ipapatupad sa Terms na ito at anumang mga claim at pagtatalo (kontrata man, tort, o iba pa) na nagmumula sa o may-kaugnayan sa Terms na ito o ang paksa ng mga ito.

23. Kakayahang Mapaghiwalay

Kung ang anumang probisyon ng Terms na ito ay makikitang hindi maipapatupad, ang probisyong iyon ay aalisin mula sa Terms na ito at hindi makakaapekto sa bisa at kakayahang maipatupad ng anumang mga natitirang probisyon.

24. Mga Residente ng California

Kung residente ka ng California, alinsunod sa Cal. Civ. Code § 1789.3, pwede mong i-report ang mga reklamo sa Complaint Assistance Unit ng Division of Consumer Services ng California Department of Consumer Affairs sa pamamagitan ng pag-contact sa kanila nang pasulat sa 1625 North Market Blvd., Suite N 112 Sacramento, CA 95834, o sa pagtawag sa (800) 952-5210.

25. Mga Panghuling Term

Ang Terms na ito, kasama ang karagdagang terms na binanggit sa Seksyon 3, ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Snap, at pumapalit sa anumang mga naunang kasunduan. Ang Mga Tuntunin na ito ay hindi gumagawa o nagbibigay sa anumang third-party ng mga beneficiary na karapatan. Kung hindi namin ipinapatupad ang isang probisyon sa Terms na ito, hindi ito ituturing na pagwawaksi ng aming mga karapatan na ipatupad ang Terms na ito. Inirereserba namin ang aming karapatang ilipat ang mga karapatan sa ilalim ng Terms na ito at maglaan sa Services gamit ang ibang organisasyon, kapag sumusuporta ang organisasyong iyon sa Terms na ito. Hindi ka maaaring maglipat ng anumang mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Terms na ito nang wala ang pahintulot namin. Mananatili sa amin ang lahat ng karapatan na hindi hayagang ibinigay sa iyo.

26. Makipag-ugnayan sa Amin

Bukas ang Snap sa mga komento, tanong, concern, o suhestyon. Pwede kang makipag-ugnayan sa amin o kumuha ng support dito.

Matatagpuan ang Snap Inc. sa United States sa 3000 31st Street, Santa Monica, California 90405.



Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap Group Limited

Epektibo: April 7, 2025

Welcome!

Gumawa kami ng Terms of Service (tinatawag namin itong "mga Tuntunin") upang iyong maunawaan ang mga patakaran na gumagabay sa aming kaugnayan sayo bilang user ng Snapchat, Bitmoji, o sa iba naming mga produkto at serbisyo na sakop ng mga ito, katulad ng My AI, (tinutukoy namin ang mga ito na "Serbisyo"). Naka-personalize ang aming Mga Serbisyo at nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa kung paano ito gumagana sa Terms, sa aming Privacy, Safety, at Policy Hub, sa aming Site ng Support, at sa mga Serbisyo (katulad ng mga abisyo, pahintulot, at settings). Ang mga impormasyon na aming binigay ay bumubuo sa pangunahing paksa ngga Tuntuning ito.

Bagama't ginawa namin ang aming makakaya upang alisin ang mga legal na kataga mula sa Mga Tuntunin, maaari pa rin itong maging gaya ng isang tradisyonal na kontrata sa ilang mga pagkakataon. May magandang dahilan ito: bumubuo ang Mga Tuntuning ito ng legal na kontrata na bumubuklod sa pagitan mo at ng Snap Group Limited ("Snap"). Kaya pakibasa ang mga ito nang mabuti.

Para magamit ang aming mga Serbisyo, kailangang sumang-ayon sa mga Tuntuning ito (at sa iba pang abiso o pahintulot), na inilahad sa iyo nang mabuksan mo ang Serbisyo sa unang pagkakataon. Kung gayon, binibigyan ka ng Snap ng license na hindi naitatalaga, hindi eksklusibo, mababawi, at non-sublicensable para gamitin ang Mga Serbisyo alinsunod sa Terms na ito at aming mga patakaran. Siyempre, kapag hindi mo tatanggapin ang mga ito, huwag mo na lang gamitin ang mga Serbisyo.

Kumakapit ang Mga Tuntuning ito kapag nakatira ka sa labas ng Estados Unidos o kapag ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa labas ng Estados Unidos. Kung nakatira ka sa Estados Unidos o kung ang lugar ng iyong pangunahing negosyo ay nasa Estados Unidos, naglalaan sa iyo ang Snap Inc. ng Mga Serbisyo at ang ugnayan mo ay pinamamahalaan ng Mga Tuntunin sa Serbisyo ng Snap Inc.

Kung saan nagbigay kami ng mga buod na section sa Terms na ito, isinama ang mga buod na ito para lang maging madali para sa iyo at dapat mo pa ring basahin nang buo ang Terms na ito para maunawaan ang iyong mga legal na karapatan at obligasyon.

ABISO SA ARBITRATION: KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG ISANG NEGOSYO, SAMAKATUWID, ANG IYONG NEGOSYO AY MAPAPAILALIM SA ARBITRATION CLAUSE NA MAKIKITA SA HULING BAHAGI NG MGA TUNTUNING ITO.

1. Sino Ang Maaaring Gumamit ng Mga Serbisyo

Hindi nakadirekta ang aming mga serbisyo sa mga batang wala pa sa edad na 13, at dapat mong kumpirmahing ikaw ay 13 taong gulang o mas matanda para gumawa ng account at gamitin ang Mga Serbisyo. Kung may aktwal na kaalaman kaming wala ka pang 13 taong gulang (o ang minimum na edad na pwedeng gamitin ng tao ang aming Mga Serbisyo sa estado, lalawigan, o bansa mo nang walang pahintulot ng magulang, kung mas mataas), ititigil namin ang pagbibigay sa iyo ng Mga Serbisyo at buburahin ang account mo at data mo. Maaari kaming mag-alok ng dagdag na mga Serbisyo na may karagdagang tuntunin na maaaring hingin na dapat mas matanda ka pa para magamit ang mga ito. Kaya pakibasa nang mabuti ang lahat ng naturang terms. Sa paggamit ng Mga Serbisyo, kinukumpirma mo na (at kinakatawan at ginagarantiyahan na):

  • maaari kang bumuo ng nagbubuklod na kontrata sa Snap;

  • hindi ka isang tao na pinagbabawalang gumamit ng Mga Serbisyo sa ilalim ng mga batas ng Estados Unidos, ng United Kingdom, o ng iba pang naaangkop na hurisdiksyon — kabilang, halimbawa, na hindi ka kasama sa listahan ng U.S. Treasury Department ng Specially Designated Nationals o hindi ka nahaharap sa anumang iba pang katulad na pagbabawal;

  • hindi ka isang nahatulang sex offender; at

  • susunod ka sa Terms na ito (kabilang ang anumang iba pang mga tuntunin at patakaran na binanggit sa Terms na ito, gaya ng Community Guidelines, Mga Guideline ng Musika sa Snapchat, at ang Patakaran sa Komersyal na Content) at lahat ng naaangkop na lokal, pang-estado, pambansa, at internasyonal na batas, panuntunan, at regulasyon.

Kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng isang negosyo o iba pang entity, kinukumpirma mo na awtorisado kang ibuklod ang negosyo o entity na iyon sa Terms na ito at sumasang-ayon ka sa Terms na ito sa ngalan ng negosyo o entity na iyon (at ang lahat ng tinutukoy na "ikaw/mo" at "iyong" sa Terms na ito ay parehong nangangahulugang ikaw bilang end user at ang negosyo o entity na iyon).

MBilang buod: Ang aming Mga Serbisyo ay hindi nakadirekta sa sinumang wala pa sa edad na 13 o sa minimum na edad kung saan maaaring gamitin ng isang tao ang Mga Serbisyo sa iyong estado, probinsya o bansa kung ito ay mas matanda sa 13. Kung mamalayan namin na wala ka pa sa edad na ito, sususpindihin namin ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo at idi-delete ang iyong account at data. Maaaring ipatupad ang ibang terms sa aming Mga Serbisyo na hinihingi sa iyo na maging mas matanda pa para magamit ang mga ito kaya mangyaring i-review ang mga ito nang mabuti kapag na-prompt.

2. Mga Karapatang Ibinibigay Mo sa Amin

Marami sa aming Mga Serbisyo ang nagpapahintulot sa iyong gumawa, mag-upload, mag-post, magpadala, tumanggap, at mag-store ng content. Kapag ginagawa mo iyon, napapanatili mo ang anumang karapatan sa pag-aari ng content na iyon na mayroon ka sa simula pa lang. Pero binibigyan mo kami ng lisensya na gamitin ang content na iyon. Kung gaano kalawak ang lisensyang iyon ay nakadepende sa Mga Serbisyong ginagamit mo at sa settings na pinili mo.

Para sa lahat ng content na ginawa mo gamit ang mga Serbisyo, o isinumite o ginagawang available sa mga Serbisyo (kabilang ang Public Content), binibigyan mo ang Snap at ang aming mga affiliate ng pandaigdigan, walang royalty, sublicensable, at naililipat na lisensya upang mag-host, mag-imbak, mag-cache, gumamit, ipakita, kopyahin, baguhin, iakma, i-edit, i-publish, suriin, ipadala, at ipamahagi ang content na iyon, kabilang ang pangalan, image, pagkakahawig, o boses ng sinumang itinampok dito. Ang lisensyang ito ay para sa layunin ng pagpapatakbo, pagpapaunlad, paglalaan, pagpo-promote, at pagpapahusay sa Mga Serbisyo at pananaliksik at pagbubuo ng mga bago. Kasama sa lisensyang ito ang karapatan para sa amin na gawing available ang iyong content, at ipasa ang mga karapatang ito sa, mga tagapagbigay ng serbisyo kung saan kami ay may mga relasyong kontraktwal na nauugnay sa probisyon ng mga Serbisyo, para lamang sa layunin ng pagbibigay at pagpapabuti ng mga naturang Serbisyo.

Tinatawag naming “Pampublikong Content” ang mga pagsusumite ng Public Story at anumang iba pang content na isinusumite mo sa pampublikong Services, tulad ng mga Pampublikong Profile, Spotlight, Snap Map, o Lens Studio. Dahil likas na pampubliko ang Pampublikong Content, binibigyan mo ang Snap, aming mga affiliate, iba pang mga user ng Mga Serbisyo, at aming mga kasosyo sa negosyo ng pandaigdig, walang royalty, at hindi mababawing karapatan at lisensya na gumawa ng mga hinalaw na likha, i-promote, i-exhibit, i-broadcast, i-syndicate, paramihin, ipamahagi, i-synchronize, patungan ng graphics at auditory effects, itanghal sa publiko, at ipakita sa publiko ang lahat o anumang bahagi ng iyong Pampublikong Content sa anumang anyo at sa anuman o lahat ng paraan ng media o distribusyon, na batid ngayon o nabuo sa kalaunan. Nalalapat ang lisensyang ito sa hiwalay na video, larawan, recording ng tunog, o mga musikal na komposisyon na nakapaloob sa iyong Pampublikong Content, gayudin sa pangalan, larawan, wangis, at boses ng sinumang naka-feature sa Pampublikong Content na iyong ginagawa, ina-upload, pino-post, ipinapadala, o kung saan ka lumalabas (kabilang ang ipinapakita sa iyong Bitmoji). Nangangahulugan ito, bukod sa iba pang mga bagay, na hindi ka magiging karapat-dapat sa anumang bayad kung ang iyong content, kabilang ang mga video, larawan, sound recording, musikal na komposisyon, pangalan, pagkakahawig, o boses ay ginagamit namin, ng aming mga affiliate, ng mga user ng Mga Serbisyo, o ng aming mga kasosyo sa negosyo. Ang mga lisensya na ipinagkaloob mo para sa Pampublikong Content ay nagpapatuloy hangga't ang Pampublikong Content ay nasa Mga Serbisyo at para sa makatwirang tagal ng panahon pagkatapos mong alisin o burahin ang Pampublikong Content mula sa Mga Serbisyo (sa kondisyong maaari naming panatilihin ang mga kopya ng server ng iyong Pampublikong Content nang walang katiyakan). Para sa impormasyon kung paano i-aakma kung sinong makakapanood ng iyong content, mangyaring tingnan ang aming Privacy Policy at Support Site. Dapat na naaangkop ang lahat ng Pampublikong Content para sa mga taong edad 13+.

Hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, walang bawian mong tinatalikuran — o sumasang-ayong huwag igiit laban sa Snap o mga affiliate nito — ang anumang mga moral na karapatan o katumbas na karapatang maaaring mayroon ka sa content na sine-share mo sa Mga Serbisyo sa buong mundo.

Bagama't hindi kami inaatasang gawin ito, nakalaan sa amin ang karapatang i-access, i-review, i-screen, at i-delete ang anumang content: (i) na sa palagay namin ay lumalabag sa Terms na ito o sa anumang mga naaangkop na batas, kabilang ang anumang karagdagang terms na binanggit sa Seksyon 3, o sa aming mga patakaran, gaya ng aming Community Guidelines, o (ii) kung kinakailangan upang sumunod sa aming mga legal na obligasyon. Pero ikaw lang ang natatanging responsable sa content na ginagawa, ina-upload, pino-post, ipinadadala, o inii-store mo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo.

Kami, ang Snap Inc., ang aming mga affiliate, at ang aming mga third-party na kasosyo ay maaaring maglagay ng advertising sa Mga Serbisyo, kasama ang isinapersonal na advertising — na may pahintulot mo, kung saan kinakailangan — batay sa impormasyong ibinibigay mo sa amin, kinokolekta namin, o nakukuha namin tungkol sa iyo. Minsan lilitaw ang advertising sa malapit, pagitan, sa ibabaw, o sa loob iyong content.

Gustong-gusto naming makarinig mula sa aming users. Pero kung magbibigay ka ng feedback o mga suhestiyon, mangyaring tandaan na maaari naming gamitin ang mga iyon nang hindi ka binabayaran, at nang walang anumang paghihigpit o obligasyon sa iyo. Sumasang-ayon ka na kami ang magmamay-ari sa lahat ng karapatan sa anumang bagay na nabuo namin batay sa naturang feedback o mga suhestiyon.

Bilang buod: Kung nagpo-post ka ng content na pagmamay-ari mo sa Mga Serbisyo, mananatili kang may-ari pero pinapayagan mo kami at ang iba na gamitin ito para ibigay at i-promote ang aming Services. Pinapayagan mo rin ang ibang mga user na mag-view at, sa ilang kaso, gumamit ng anumang content na ginagawa mong available sa iba sa Mga Serbisyo. Mayroon kaming iba't ibang mga karapatan na baguhin at alisin ang iyong content, ngunit palagi kang nananatiling responsable para sa lahat ng iyong nilikha, nai-post o ibinabahagi, o itinuturo sa amin na gamitin sa mga Serbisyo.

3. Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran na Maaaring Ilapat

Ang mga karagdagang tuntunin at kundisyon na nakalista sa pahina ng Mga Tuntunin at Patakaran ng Snap o kung hindi man ay ginawang available sa iyo ay malalapat sa iyo depende sa partikular na mga Serbisyong ginagamit mo o kung saan ka matatagpuan. Kung nalalapat ang mga karagdagang tuntuning iyon (halimbawa, dahil ginagamit mo ang mga naaangkop na mga Serbisyo) pagkatapos ay magiging bahagi sila ng Mga Tuntuning ito, ibig sabihin, dapat kang sumunod sa mga ito. Halimbawa, kung bumbili ka o gumamit ng anumang mga binabayarang feature na ginawa naming available sa iyo sa Snapchat (tulad ng subscription sa Snapchat+, pero hindi kasama ang mga serbisyo sa advertising) sumasang-ayon kang nalalapat ang aming Terms ng Mga Paid Feature. Kung ang alinman sa mga naaangkop na karagdagang tuntunin ay sumasalungat sa Mga Tuntuning ito, ang mga karagdagang tuntunin ay i-override at ilalapat bilang kapalit ng mga magkasalungat na bahagi ng Mga Tuntunin na ito.

Sa buod: Maaaring ilapat ang karagdagang terms, maglaan ng oras para basahin nang mabuti ang mga ito.

4. Privacy

Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Maaari mong malaman kung paano ginagamit ang iyong impormasyon kapag ginagamit mo ang aming mga Serbisyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Privacy Policy. Maaari ka ring matuto nang higit pa tungkol sa aming mga kasanayan sa pagkapribado, kabilang ang kung paano ginagamit ng ilang partikular na feature ang iyong data, sa aming Privacy, Safety, at Policy Hub.

5. Mga Naka-personalize na Rekomendasyon

Nagbibigay ang aming Mga Serbisyo ng naka-personalize na karanasan para gawing mas nauugnay at nakakaengganyo ang mga ito para sa iyo. Magrerekomenda kami sa iyo ng content, advertising, at iba pang impormasyon batay sa aming nalalaman at nahihinuha tungkol sa iyo at sa mga interes ng iba pa mula sa paggamit ng aming Mga Serbisyo. Kinakailangan para sa aming pangasiwaan ang iyong personal na impormasyon para sa layuning ito, gaya ng ipinapaliwanag namin sa aming Privacy Policy. Ang pag-personalize ay isa ring kundisyon ng aming kontrata sa iyo para magawa namin ito, maliban kung piliin mong tumanggap ng mas kaunting pag-personalize sa Mga Serbisyo. Maaari kang humanap ng higit pang impormasyon sa mga naka-personalize na rekomendasyon sa aming Site ng Support.

Sa buod: Nagbibigay ang aming Mga Serbisyo ng naka-personalize na advertising, kabilang ang advertising at iba pang mga rekomendasyon sa iyo batay sa data na kinokolekta namin gaya ng ipinaliwanag dito at sa aming Privacy Policy.

6. Mga Feature ng AI

Kasama sa Mga Serbisyo namin ang mga feature na pinapagana ng AI (“Mga Feature ng AI”) na gumagamit ng mga input gaya ng text, mga imahe, mga audio file, mga video, mga dokumento, data, o iba pang content ng ibinigay mo o ginamit sa direksyon mo (“Mga Input”) para mag-generate ng content at mga tugon batay sa Mga Input na iyon (“Mga Output”). Ituturing ang lahat ng mga Input at Output para sa layunin ng Terms na ito bilang content na isinusumite mo sa mga Serbisyo at naayon dito, anumang mga karapatan at mga lisensya na ibinibigay sa amin at mga obligasyon sa iyo ayon sa content na isinumite o ginawang mong available sa mga terms na ito ay naa-apply sa Mga Input at Output, kasama na ang mga lisensya na nakalagay sa "Rights You Grant Us" sa itaas. Nagkokolekta kami, gumagamit, nagbubunyag, at nagpapanatili ng mga Input at Output na ayon sa aming Privacy Policy. 

Habang isinasama natin namin ang ibang partikular na safeguards sa Mga Feature ng AI, ang mga Output ay hindi maaaring makita nang advance at maaaring maging hindi tama, hindi kumpleto, hindi totoo, nakakasakit, hindi kanais-nais, hindi angkop, lumalabag, hindi bagay, labag sa batas, hindi akma sa mga partikular na layunin, o katulad o kamukha ng content na ginawa para sa ibang mga user ng mga Serbisyo. Ang mga Output ay maaari ring magkaroon ng content na hindi naaayon na i-view sa Snap, at ang Snap ay hindi nag-eendorso ng kahit anong content na kasama sa kahit anong mga Output. Kung ang mga Output ay tumutukoy sa mga tao o mga third party kasama na ang kanilang mga produkto o mga serbisyo, hindi nito ibig sabihan na ang taong ito o ang third party ay nag-eendorso ng Snap, o na sila o ang mga produktong ito ay kaanib sa Snap. 

Ang mga Feature ng AI at mga Output ay ibinibigay as-is at ginagawang available sa iyo nang walang mga representasyon o kahit anong garantiya, maging ito ay direktang ipinakita o ipinahihiwatig lamang. Ang ibig sabihin nito na tanggap mo ang kaakibat na peligro sa iyong paggamit ng kahit anong feature ng AI o mga Output, at hindi ka dapat magtiwala sa kanila para sa kahit anong layunin, kasama na dito ang paggawa ng mga desisyon o para sa propesyunal, medical, legal, pinansyal, pang-edukasyon o kahit ano pang klaseng payo. Ang mga Output ay hindi mga representasyon ng Snap.

Kapag ginagamit ang aming mga AI Feature, maliban na lang kung ibinigay namin ang aming pahintulot, hindi mo dapat, at hindi ka dapat gumawa ng kahit anong aksyon na makatuwirang inaasahan na: 

  • gumamit ng mga Input na naglalaman o gumagamit ng, at kung hindi na makatuwirang inaasahan na gumawa ng mga Output na mayroon o gumagamit ng, content na wala kang pahintulot na gamit, na lalabag sa karapatan ng mga iba, o nakuha sa labag sa batas; 

  • lumalabag sa kahit anong guidelines sa pagsubmit at iba pang mga polisiya na ibinibigay namin sa iyo masusunod sa iyong paggamit ng mga AI Feature o pag-submit ng mga Input; 

  • magturo sa mga AI Feature na gumawa ng kahit anong Output na may paglabag sa mga Terms, Community Guidelines, o kahit anong naaangkop na karapatan ng intellectual property, paghihigpit na ayon sa kontrata, o anumang naaangkop na mga batas, o kung ano man na maaaring magdulot ng pinsala; 

  • magbago, magtago, o magtanggal ng anumang watermark o pagbubunyag na inilagay sa mga Output ng mga AI Feature; 

  • umiwas sa kahit anong mga feature na tungkol sa kaligtasan o privacy, mga safeguard, o mekanismo ng mga AI Feature; 

  • gumamit o mag-share ng mga Output na gagamitin para magsanay, bumuo, o magpabuti ng mga model, mga serbisyo, o iba pang teknolohiya ng AI; o

  • o magsabing ang mga Output ay ginawa ng tao o hindi kaya ginawa nang hindi gumamit ng artificial intelligence.

Ang magkahiwalay na terms ay magagamit sa anumang mga AI Feature na ginagamit mo o may koneksyon sa aming mga Serbisyo ng negosyo at ng Lens Studio imbes na sa nakasaad sa itaas, at ito ay ipapakita sa iyo dahil sa koneksyon nito sa iyong paggamit ng ibang mga Serbisyo. 

Bilang buod: Ang mga Input at Output mula sa mga AI Feature ay magagamit ayon sa aming Terms of Service, Privacy Policy, at mga term na angkop sa mga partikular na produkto ng AI na ginagamit mo. Ang mga AI Feature ay maaaring hindi maging tama o angkop at hindi ka dapat magtiwala sa mga ito bilang mapagkukunan ng katotohanan, facts, o bilang kapalit ng pagpapasya ng tao. 

7. Pag-moderate ng Content

Karamihan ng content sa aming mga Serbisyo ay nililikha ng mga user, publisher, at ng iba pang third party. Na-post man ang nilalamang iyon sa publiko o ipinadala nang pribado, ang nilalaman ay ang tanging responsibilidad ng user o entity na nagsumite nito. Bagama't inilalaan ng Snap ang karapatang suriin, i-moderate, o alisin ang lahat ng nilalamang lumalabas sa Mga Serbisyo, hindi namin sinusuri ang lahat ng ito. Kaya hindi namin — at hindi — magagarantiya na ang ibang mga user o ang nilalamang ibinibigay nila sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay susunod sa aming Mga Tuntunin, Mga Alituntunin ng Komunidad o sa aming iba pang mga tuntunin, patakaran o alituntunin. Pwede ka pang magbasa tungkol sa diskarte ng Snap sa pagkontrol ng content sa aming Site ng Support.

Pwedeng i-report ng mga user ang content na ginawa ng iba o iba pang account para sa paglabag sa aming Terms, Community Guidelines o iba pang guidelines at mga patakaran. Available ang higit pang impormasyon kung paano mag-report ng content at mga account sa aming Site ng Support.

Umaasa kaming mauunawaan mo ang anumang mga desisyong gagawin namin tungkol sa content o mga user account, pero kung mayroon kang anumang mga reklamo o alalahanin, maaari mong gamitin ang form ng pag-submit na available dito o gumamit ng mga available na in-app na opsyon. Kung gagamitin mo ang prosesong ito, dapat isumite ang sumbong mo sa loob ng anim na buwan ng kaugnay na desisyon.

Sa pagtanggap ng sumbong:

  • titiyakin naming ang sumbong ay susuriin sa napapanahon, walang diskriminasyon, masigasig, at hindi arbitraryong paraan;

  • babaligtarin ang aming desisyon kung matukoy naming mali ang aming paunang assessment; at

  • ipapaalam sa iyo ang aming desisyon at anumang mga posibilidad para sa kaagad na pagtugon.

Sa buod: Karamihan sa nilalaman sa Mga Serbisyo ay pagmamay-ari o kinokontrol ng iba pa at wala kaming anumang kontrol o responsibilidad sa content na iyon. Mayroon kaming mga naaangkop na patakaran at proseso sa pagmo-moderate ng content na nalalapat sa content sa Mga Serbisyo.

8. Paggalang sa Mga Serbisyo at Karapatan ng Snap

Sa pagitan nating dalawa, ang Snap ang nagmamay-ari ng Mga Serbisyo, kung saan nabibilang ang lahat ng mga kaugnay na brand, mga gawa ng mga may akda, mga avatar ng Bitmoji na binubuo, software, at iba pang mga proprietary content, mga feature, at teknolohiya. Ang Mga Serbisyo ay maaari ring maging sakop ng mga patent na pagmamay-ari ng Snap o mga affiliate nito na nakalista sa www.snap.com/patents.

Dapat mo ring igalang ang mga karapatan ng Snap at sumunod sa mga Brand Guidelines ng Snapchat, Brand Guidelines ng Bitmoji, at anumang iba pang guidelines, mga pahina ng suporta, o mga nai-publish na FAQs ng Snap o aming mga affiliate. Nangangahulugan ito na, bukod sa iba pang mga bagay, hindi mo maaaring gawin, tangkaing gawin, i-enable, o hikayatin ang sinuman na gawin, ang alinman sa mga sumusunod at ang paggawa nito ay maaaring magresulta sa pag-terminate o pagsuspinde namin sa iyong access sa Mga Serbisyo:

  • gumamit ng branding, mga logo, icon, elemento ng user interface, hitsura at katangian ng produkto o brand, disenyo, litrato, video, o anumang iba pang materyales na ginagawang available ng Snap sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, maliban sa tahasang pinapayagan ng Terms na ito, ng Brand Guidelines ng Snapchat, ng Brand Guidelines ng Bitmoji, o ng iba pang brand guidelines na inilathala ng Snap o aming mga affiliate;

  • sumuway o lumabag sa mga karapatan ng Snap, aming mga affiliate, o anumang iba pang ikatlong partido sa publisidad, privacy, copyright, trademark, o iba pang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian, kabilang ang paggamit ng Mga Serbisyo upang magsumite, magpakita, mag-post, lumikha, o bumuo ng anumang lumalabag na nilalaman;

  • kopyahin, baguhin, i-archive, i-download, i-upload, ibunyag, ipamahagi, ibenta, ipaupa, i-syndicate, i-broadcast, isagawa, ipakita, gawing available, gumawa ng mga hango ng, o kung hindi man gamitin ang Mga Serbisyo o ang content sa Mga Serbisyo, maliban sa mga pansamantalang file na awtomatikong naka-cache ng iyong web browser para sa mga layunin ng pagpapakita, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan sa Mga Tuntuning ito, tulad ng kung hindi man malinaw na pinahihintulutan namin sa pamamagitan ng sulat, o tulad ng pinagana ng nilalayong functionality ng Serbisyo;

  • subukang i-access ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng hindi awtorisadong mga application ng third-party, humingi ng mga kredensyal sa pag-log in mula sa ibang mga user, o bumili, magbenta, magrenta, o mag-arkila ng access sa iyong account, isang username, Snaps, o isang friend link;

  • reverse engineer, gumawa ng hindi awtorisadong mga kopya o derivative na gawa, decompile, i-disassemble, baguhin o i-decode ang Mga Serbisyo (kabilang ang anumang pinagbabatayan na ideya, teknolohiya, o algoritmo) o anumang nilalamang kasama doon, o kung hindi man ay kunin ang source code ng software ng Mga Serbisyo, nang wala ang aming nakasulat na pahintulot, maliban kung ang isang pagbubukod o limitasyon ay nalalapat sa ilalim ng isang open source na lisensya o mga naaangkop na batas;

  • gumamit ng anumang robot, spider, crawler, scraper, script, software, o iba pang mga automated o semi-automated na paraan, proseso o interface para ma-access, i-scrape, i-extract o kopyahin ang Mga Serbisyo, kabilang ang anumang data ng user, content o iba pang data na nilalaman sa Mga Serbisyo;

  • gumamit o mag-develop ng anumang mga third-party application na nakikipag-ugnayan sa Mga Serbisyo o sa content o impormasyon ng ibang user nang wala ang aming nakasulat na pahintulot;

  • gamitin ang Mga Serbisyo sa paraang maaaring makagambala, makasira, negatibong makaapekto, o makahadlang sa iba pang mga gumagamit mula sa ganap na pagtangkilik sa Mga Serbisyo, o na maaaring makapinsala, ma-disable, ma-overburden, o mapahina ang paggana ng Mga Serbisyo;

  • mag-upload ng mga virus o iba pang nakakapaminsalang code o kung hindi man ikompromiso, i-bypass, o iwasan ang seguridad ng Mga Serbisyo;

  • subukang iwasan ang anumang mga paraan sa pag-filter ng content na ipinapatupad namin, o subukang i-access ang mga bahagi o feature ng Mga Serbisyong hindi ka awtorisadong i-access;

  • gamitin ang Mga Serbisyo upang lumikha o bumuo ng isang nakikipagkumpitensyang produkto o serbisyo;

  • sabihin o ipahiwatig na ineendorso namin ang iyong content;

  • siyasatin, i-scan, o subukan ang kahinaan ng aming Mga Serbisyo o anumang system o network;

  • lumabag sa anumang naaangkop na batas o regulasyong may kaugnayan sa iyong pag-access sa o paggamit ng Mga Serbisyo; o

  • i-access o gamitin ang mga Serbisyo sa anumang paraang malinaw na hindi pinahihintulutan ng mga Tuntuning ito o sa aming mga Community Guidelines.

Bilang buod: Pagmamay-ari o kinokontrol namin ang lahat ng content, feature at functionality ng Mga Serbisyo, maliban sa iyong content. Upang matiyak na protektado ang Mga Serbisyo at iba pang mga user mula sa kapahamakan, may mga tuntunin na kailangan naming sundin mo kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo. Ang pagkabigong sumunod sa mga tuntuning ito ay maaaring magresulta sa pagsuspinde o pag-terminate ng iyong account.

9. Pagrespeto sa Mga Karapatan ng Iba

Nirerespeto ng Snap ang mga karapatan ng iba. At dapat ganoon ka rin. Kaya hindi ka maaaring gumamit ng Mga Serbisyo, o magpahintulot sa iba na gumamit din nito, sa paraang lumalabag o nanghihimasok sa karapatan ng iba tungkol sa publicity, privacy, copyright, trademark, o iba pang karapatan sa intellectual property. Kapag mag-submit ka ng content sa Mga Serbisyo, ikaw lang ang may responsibilidad sa pagtiyak at dapat tiyaking pagmamay-ari mo ang content iyon, o na natanggap mo ang lahat ng kinakailangang pahintulot, clearance, lisensya, at awtorisasyon para i-submit ito sa Mga Serbisyo (kabilang, kung naaangkop, ang karapatang gumawa ng mga mekanikal na produksyon ng mga musikang nakapaloob sa anumang mga sound recording, i-synchronise ang anumang komposisyon sa anumang content, isagawa sa publiko ang alinmang mga komposisyon o sound recording, o anumang iba pang mga angkop na karapatan sa musikang hindi inilalaan ng Snap na kabilang sa content mo) at payagan ang mga karapatan at lisensiyang nakapaloob sa Terms na ito para sa content mo. Pumapayag ka rin na hindi mo gagamitin at hindi mo susubukang gamitin ang account ng ibang user maliban na lang kung pinapahintulutan ito ng Snap o iba pang affiliates nito.

Ginagalang ng Snap ang mga trademark, copyright, at iba pang mga batas sa intellectual property, kabilang na ang Digital Millennium Copyright Act at gumagawa ng makatuwirang mga hakbang para mabilis na tanggalin mula sa Mga Serbisyo namin ang anumang lumalabag na materyal na malalaman namin. Kung malalaman ng Snap na ang isang user ay paulit-ulit na lumalabag sa mga copyright, gagawa kami ng mga makatwirang hakbang sa aming kapangyarihan para suspendihin o i-terminate ang account ng user. Kung naniniwala kang lumalabag ang kahit ano sa Mga Serbisyo sa copyright na pag-aari o kinokontrol mo, paki-report ito gamit ang form na maa-access sa tool na ito. O maaari ka ring magsampa ng notice sa itinalaga naming ahente: Snap Inc., Attn: Copyright Agent, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, email: copyright @ snap.com. Huwag gamitin ang email address na ito para sa kahit anong baga bukod sa pagre-report ng paglabag sa copyright, dahil babale-walain ang mga naturang email. Para i-report ang iba pang mga anyo ng paglabag, kabilang ang paglabag sa trademark, sa Mga Serbisyo, pakigamit ang tool na naa-access dito. Kung magpa-file ka ng notice sa aming Copyright Agent, dapat:

  • ito'y naglalaman ng pisikal o electronic na pirma ng isang taong awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright;

  • tinutukoy nito ang naka-copyright na gawa na sinasabing nalabag;

  • tinutukoy nito ang materyal na sinasabing lumalabag o ang sumasailalim sa gawaing paglabag at aalisin, o access sa materyal ay idi-disable, at may makatuwirang sapat na impormasyon para mahanap namin ang materyal;

  • ibigay ang iyong contact information, kabilang ang iyong address, telephone number, at isang email address;

  • magbigay ng personal na pahayag na mayroon kang mabuting-saloobing paniniwala na ang paggamit sa materyal na isinusumbong ay hindi awtorisado ng may-ari ng copyright, ng agent nito, o ng batas; at

  • magbigay ng pahayag na ang impormasyon sa notification ay tama at, sa ilalim ng parusa ng perjury, na ikaw ay awtorisadong kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright.

Sa buod: Tiyaking pagmamay-ari mo o may karapatan kang gumamit ng anumang content na ginagawa mong available sa Mga Serbisyo. Kung gumagamit ka ng nilalamang pag-aari ng ibang tao nang walang pahintulot, maaari naming i-terminate ang iyong account. Kung nakakita ka ng anumang bagay na pinapaniwalaan mong lumalabag sa iyong mga karapatan sa intellectual property, ipaalam sa amin.

10. Kaligtasan

Pinagsisikapan naming mabuting panatilihing ligtas na lugar ang aming Services para sa lahat ng user. Pero hindi namin magagarantiyahan. Dito ka puwedeng makibahagi. Sa paggamit ng mga Serbisyo, sumasang-ayon kang sundin ang Terms na ito sa lahat ng pagkakataon, kabilang ang aming Community Guidelines at iba pang patakaran na ginagawang available ng Snap para mapanatili ang kaligtasan ng mga Serbisyo.

Kung hindi ka sumunod, inilalaan namin ang karapatan na tanggalin ang anumang nakaka-offend na content; i-terminate o limitahan ang visibility ng account mo, at panatilihin ang data na nauugnay sa account mo alinsunod sa aming mga patakaran sa pagpapanatili ng data; at abisuhan ang mga third party — kabilang ang tagapagpatupad ng batas — at bigyan ang mga third party na iyon ng data at iba pang impormasyon na may kaugnayan sa iyong account. Maaaring kinakailangan ang hakbang na ito para ingatan ang safety ng aming mga user, at ng iba pa, imbestigahan, remedyohan, at ipatupad ang mga maaaring paglabag sa Terms, at matukoy at masolusyunan ang anumang pandaraya o pananagutan sa seguridad.

Pinahahalagahan din namin ang pisikal na kaligtasan at kapakanan mo habang ginagamit ang aming mga Serbisyo. Kaya huwag gamitin ang aming Services sa paraang makakagambala sa pagsunod mo sa mga batas trapiko o batas ng kaligtasan. Halimbawa, huwag gamitin ang Services habang nagmamaneho. At huwag kailanman ilagay ang sarili mo o ang iba sa paraang nakakapinsala para lang kumuha ng Snap o makagamit ng iba pang feature ng Snapchat.

Sa buod: Sinisikap naming gawing ligtas ang aming Mga Serbisyo hangga't maaari, pero kailangan namin ang tulong mo. Ang Terms na ito, ang aming Community Guidelines, at iba pang mga patakaran sa Snap ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kung paano panatilihing ligtas ang Mga Serbisyo at iba pang mga user. At huwag kailanman ilagay ang sarili mo o ang iba sa paraang nakakapinsala kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo.

11. Ang Account Mo

Para magamit ang Mga Serbisyo, kailangan mong gumawa ng account. Pumapayag kang ibigay sa amin ang tama, kunpleto, at updated mong impormasyon para sa account mo. Maliban sa malabong kaganapang ang aktibidad ay nangyari sa account mo nang wala kang kontrol, responsable ka para sa anumang aktibidad na nangyayari sa account mo. Kaya mahalagang panatilihing ligtas ang account mo. Isang paraan para makatulong na panatilihing ligtas ang account mo ay ang pumili ng malakas na password na hindi mo ginagamit para sa anumang iba pang account at para i-enable ang two-factor authentication. Kung sa tingin mo ay nabuksan ng iba ang account mo, pakisuyong makipag-ugnayan kaagad sa Support. Anumang software na inilalaan namin sa iyo ay pwedeng awtomatikong mag-download at mag-install ng mga upgrade, update, o iba pang bagong feature. Pwede mong i-adjust ang mga awtomatikong download na ito sa pamamagitan ng settings ng device mo. Pumapayag kang hindi gumawa ng anumang account kapag tinanggal o binan namin kamakailan ang account mo mula sa alinman sa Mga Serbisyo namin, maliban na lang kung pumapayag kaming gawin mo iyon.

Sa buod: Panatilihing ligtas at secure ang mga detalye ng account mo. Gumamit lang ng account kung pinahihintulutan ka naming gawin ito.

12. Memories

Ang Memories ay aming naka-personalize na data-storage na serbisyo. Maaaring maging unavailable ang content mo sa Memories sa anumang ilang dahilan, kabilang ang mga bagay na tulad ng glitch sa paggana o desisyon naming i-terminate ang account mo. Dahil hindi namin maipapangako na palaging magiging available ang content mo, inirerekomenda namin ang pagtatago ng hiwalay ng kopya ng content na sine-save mo sa Memories. Hindi kami nangangakong matutugunan ng Memories ang eksaktong pangangailangan mo sa storage. Inilalaan namin ang karapatang magtakda ng mga limitasyon sa storage para sa Memories, o para ipagbawal ang ilang partikular na uri ng content na maging karapat-dapat na magamit sa Memories at pwede naming baguhin ang mga limitasyong ito nang pana-panahon sa sarili naming pagpapasya.

Sa buod: Ang Memories ay naka-personalize na serbisyo sa storage, awtomatiko itong i-e-enable, pero pwede mong kontrolin ang ilang feature. Hindi rin namin magagarantiyahang maii-store ang anumang Memories magpakailanman, kaya magpanatili ng backup.

13. Mga Singil sa Data Charge at Cellphone

Responsable ka para sa anumang mga singil sa cellphone na maaari mong matamo para sa paggamit ng Services namin. Kasama rito ang mga singil sa data at mga singil para sa pagmemensahe, gaya ng text, MMS, o iba pang mga protocol o teknolohiya sa pagmemensahe (kapag pinagsama-sama ay “Messages”). Kung hindi ka tiyak kung ano ang mga singil na iyon, magtanong ka sa provider mo ng serbisyo bago gamitin ang Services.

Sa pagbibigay sa amin ng iyong cellphone number, sumasang-ayon ka, bukod sa iba pang mga bagay, na makatanggap ng Messages mula sa Snap na may kaugnayan sa Services, kabilang ang tungkol sa mga promotion (kung saan may pahintulot kami o ayon sa pinahihintulutan ng batas), account mo, at relasyon mo sa Snap. Maaaring matanggap ang mga Mensaheng ito kahit pa nakarehistro ang cellphone number mo sa anumang uri ng “Do Not Call” list, o katumbas nito sa ibang bansa.

Kung babaguhin o ide-deactivate mo ang cellphone number na ginamit mo para gumawa ng account, dapat mong i-update ang impormasyon ng account mo sa Settings sa loob ng 72 oras para pigilan kaming mag-send sa ibang tao ng mga message na para sa iyo.

Bilang buod: Maaari kaming mag-send sa iyo ng mga Mensahe, at maaaring magkaroon ng mga singil sa cellphone kapag ginamit mo ang aming Services.

14. Mga Third-Party na Materyal at Serbisyo

Maaaring magpakita, magsama, o gumawa ng available na content, data, impormasyon, application, feature o mga materyal ang ilang partikular na Serbisyo mula sa mga third party (“Mga Materyal ng Third-Party”), magbigay ng mga link sa ilang website ng third-party o pahintulutan ang paggamit ng mga Materyal ng Third-Party o ng mga serbisyo ng third-party sa koneksyon sa kanila. Kung gumagamit ka ng anumang Mga Materyal ng Third-Party o mga serbisyo ng third-party na ginawang available sa pamamagitan o kaugnay ng aming Mga Serbisyo (kabilang ang Mga Serbisyong magkasama naming inaalok sa third party), pamamahalaan ng naaangkop na terms ng third-party ang kanilang ugnayan sa iyo. Hindi Snap o alinman sa aming mga affiliate ang responsable o may pananagutan para sa terms o pagkilos ng third party na ginawa sa ilalim ng anumang terms ng third party. Dagdag pa, sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo, kinikilala at sinasang-ayunan mong ang Snap ay hindi responsable para sa pagsusuri o pag-e-evaluate sa content, katumpakan, pagkakumpleto, availability, pagiging maagap, bisa, pagsunod sa copyright, legalidad, pagiging disente, kalidad, o anumang iba pang aspeto ng naturang Mga Materyal ng Third-Party o mga serbisyo o website ng third-party. Hindi kami nagbibigay ng anumang mga katiyakan o pag-eendorso at hindi ipinapalagay at hindi magkakaroon ng anumang pananagutan o responsibilidad sa iyo o sa sinumang ibang tao para sa anumang mga serbisyo ng third-party, Mga Materyal ng Third-Party o mga third-party na website, o para sa anumang iba pang mga materyal, produkto, o serbisyo ng mga third party. Mga Materyal ng Third-Party, ang availability ng mga serbisyo at link ng third-party sa ibang mga website ay ibinibigay lamang bilang isang kaginhawahan sa iyo.

Sa buod: Hindi responsable ang Snap para sa mga feature, content, o mga serbisyo ng third-party na naa-access sa pamamagitan ng o kaugnay ng aming Mga Serbisyo – pakitiyak na binabasa mo ang terms ng third party.

15. Pagbabago ng Mga Serbisyo at Terms na Ito

Walang humpay naming pinahuhusay ang aming mga Serbisyo at lumilikha kami ng mga bago sa lahat ng panahon. Nangangahulugan iyong maaari naming i-add o tanggalin ang mga feature, produkto, o functionality sa paglipas ng panahon, at maaari din naming suspindihin, ihinto, o i-terminate ang Mga Serbisyo nang sama-sama. Maaari naming isagawa ang alinman sa mga aksyong ito anumang oras, at kapag ginawa namin, susubukan naming abisuhan ka nang maaga — pero hindi ito magiging posible sa lahat ng panahon.

Nangangahulugan din itong maaaring kailanganin naming i-update ang Terms na ito para ipakita ang anumang mga pagbabago sa aming Mga Serbisyo o kung paano namin ibinibigay ang mga ito, gayundin para sumunod sa mga legal na kinakailangan, o para sa iba pang mga legal o panseguridad na dahilan. Kung materyal ang mga pagbabagong iyon sa Terms na ito, bibigyan ka namin ng makatwirang paunang abiso (maliban kung kinakailangan ang mga pagbabago nang mas maaga, halimbawa, bilang resulta ng pagbabago sa mga legal na kinakailangan o kung saan naglulunsad kami ng bagong Services o features). Kung patuloy mong gagamitin ang Mga Serbisyo sa sandaling magkabisa ang mga pagbabago, ituturing namin iyon bilang pagtanggap mo.

Bilang buod: Ang aming Services ay mag-e-evolve sa paglipas ng panahon. Maaari naming i-update ang Terms na ito paminsan-minsan para ipakita ang mga pagbabagong ito o para sa iba pang mga dahilan.

16. Pag-terminate at Pagsuspinde

Habang umaasa kaming mananatili kang panghabambuhay na Snapchatter, maaari mong i-terminate ang Terms na ito sa anumang oras kung hindi ka sumasang-ayon sa anumang mga pagbabagong ginagawa namin sa Terms na ito, o para sa anumang iba pang dahilan, sa pamamagitan ng pagtanggal sa Snapchat account mo (o, sa ilang kaso, ang account na nauugnay sa naaangkop na bahagi ng Mga Serbisyo na ginagamit mo).

Maaari naming limitahan, i-terminate o pansamantalang isuspinde ang iyong access sa Mga Serbisyo kung nabigo kang sumunod sa Terms na ito, sa aming Community Guidelines o sa batas, sa mga dahilang hindi namin kontrolado, o para sa anumang iba pang dahilan. Ibig sabihing maaari naming i-terminate ang Terms na ito, ininto ang paglalaan sa iyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo, o magpatupad ng mga bago o karagdagang limitasyon sa kakayahan mong gamitin ang aming Mga Serbisyo. Halimbawa, maaari naming i-deactivate ang account mo dahil sa matagal na kawalan ng aktibidad, at pwede naming bawiin ang username mo anumang oras para sa anumang dahilan. At habang susubukan naming bigyan ka ng makatwirang notice bago pa man, hindi namin magagarantiyang magiging posible ang notice sa lahat ng pagkakataon.

Kung nilimitahan, na-terminate o nasuspinde namin ang access mo sa mga Serbisyo dahil sa paglabag ng aming Community Guidelines, aabisuhan ka namin at bibigyan ng pagkakataon na mag-apela katulad ng ipinaliwanag sa aming Paliwanag tungkol sa Pag-moderate, Pagpapatupad at mga Apela.

Bago namin paghigpitan, i-terminate, o suspindihin ang access mo sa Mga Serbisyo, isasaalang-alang namin ang lahat ng nauugnay na katotohanan at pangyayaring nakikita mula sa impormasyong available sa amin, depende sa pinagbabatayang dahilan ng pagsasagawa ng pagkilos na iyon. Halimbawa, kung nilabag mo ang aming Community Guidelines isinasaalang-alang namin ang kalubhaan, dalas at impact ng mga paglabag pati na rin ang intensyon sa likod ng paglabag. Ipapaalam nito sa aming desisyon kung paghihigpitan, ite-terminate, o sususpindihin ang iaccess mo sa Mga Serbisyo at, kung sakaling masuspinde, kung gaano katagal namin isususpinde ang access mo. Maaari mong malaman ang higit pa tungkol sa kung paano kami sumusuri at gumagawa ng aksyon laban sa maling paggamit ng aming mga Serbisyo sa aming Site ng Support.

Hindi alintana kung sino ang nagte-terminate sa Terms na ito, ikaw at ang Snap ay patuloy na mapapailalim sa Seksyon 2, 3 (hanggang sa anumang karagdagang terms and conditions, ayon sa kanilang terms, ay mananatili), at 6 - 23 ng Terms.

Sa buod: Maaari mong ihinto ang paggamit ng Mga Serbisyo o burahin ang iyong account anumang oras at para sa anumang dahilan, kabilang ang kung hindi mo gusto ang anumang mga pagbabago sa Terms na ito. Pwede naming paghigpitan o i-terminate ang access mo sa Mga Serbisyo para sa mga dahilang itinakda sa itaas. Kapag ginawa namin, bibigyan ka namin kadalasan ng notice, pati na rin ng pagkakataong iapela ang desisyon.

17. Indemnity

Sumasang-ayon ka, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas, na babayaran sa pinsala, ipagtatanggol, at hindi pananagutin ang Snap, ang affiliates, mga direktor, opisyal, stockholder, empleyado, tagalisensya, at ahente nito mula at laban sa anuman at lahat ng reklamo, demanda, paghahabol, pinsala, pagkalugi, halaga, multa, pananagutan, at gastusin (kabilang ang fee ng mga abogado) dahil sa, bumabangon mula sa, o alinman sa kaugnay ng: (a) iyong access o paggamit sa Serbisyo; (b) iyong content, kabilang na ang demanda ng paglabag na kaugnay sa iyong content; (c) iyong paglabag sa Terms na ito o anumang naaangkop na batas o regulasyon; o (d) iyong kapabayaan o sinasadyang hindi pagsunod.

Sa buod: Kung magdudulot ka sa amin ng ilang pinsala, babayaran mo kami.

18. Mga Disclaimer

Nagsisikap kaming panatilihing gumagana at tumatakbo nang walang palya ang Mga Serbisyo. Pero hindi kami nangangakong magtatagumpay kami.

Ang mga Serbisyo ay ibinibigay nang “as is” at “maaaring gamitin” at hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas at maliban sa nakasaad sa itaas, nang walang anumang uri ng garantiya, hayag man o ipinahihiwatig, kabilang ang, sa partikular, mga ipinahihiwatig na garantiya, mga kondisyon, o iba pang terms na nauugnay sa (a) kakayahang maibenta, kasiya-siyang kalidad, kaangkupan para sa partikular na layunin, pamagat, tahimik na kasiyahan, hindi paglabag, o (b) nagmumula sa kurso ng pakikitungo. Bilang karagdagan, bagama't sinusubukan naming magbigay ng magandang karanasan sa user, hindi namin kinakatawan o ginagarantiyahang: (i) ang mga Serbisyo ay palaging magiging ganap na ligtas, walang error o napapanahon, (ii) ang mga Serbisyo ay palaging gagana nang walang pagkaantala, pagkagambala o depekto, o (iii) ang anumang content o impormasyong nakukuha mo sa pamamagitan ng mga Serbisyo ay palaging napapanahon o tumpak.

KUNG HINDI PINAHIHINTULUTAN NG BATAS NG BANSA KUNG SAAN KA NAKATIRA ANG MGA PAGBUBUKOD NA IBINIGAY PARA SA CLAUSE NA ITO, HINDI MAILALAPAT ANG MGA PAGBUBUKOD NA ITO SA EXTENT NA BAWAL

Hanggang sa sukdulang saklaw na pinahihintulutan ng batas, ang Snap, ang Snap Inc., at ang aming mga affiliate ay hindi umaako ng responsibilidad at hindi tumatanggap ng pananagutan para sa anumang content na ginagawa, ina-upload, ipino-post, ipinapadala, tinatanggap, tinitingnan, o sino-store mo, ng isa pang user, o ng third party sa aming Mga Serbisyo at nauunawaan mo at sumasang-ayon kang maaari kang malantad sa content na maaaring nakakainsulto, ilegal, nakakalinlang, o kung hindi man ay hindi naaangkop, hindi responsable ang Snap, Snap Inc., o aming mga affiliate sa isa man sa mga ito.

Wala sa Terms na ito ang magbubukod o maglilimita ng anumang responsibilidad na maaaring mayroon kaming tanggalin ang content kung kinakailangan ng batas ng bansa kung saan ka nakatira.

Bilang buod: Susubukan ng Snap na gawing available sa iyo ang Mga Serbisyo, pero hindi kami nangangako ng kahit ano tungkol sa kalidad at hindi kami mananagot para sa anumang content na hindi sa amin.

19. Limitasyon ng Pananagutan

Ang Snap, Snap Inc., at ang aming mga affiliate, direktor, opisyal, stockholder, empleyado, tagapaglisensya, supplier, at ahente ay hindi mananagot para sa anumang hindi direkta, hindi sinasadya, espesyal, consequential, nagpaparusa, o maramihang damage, o anumang pagkawala ng mga tubo o mga kita, direkta man o hindi direktang natamo, o anumang pagkawala ng data, paggamit, goodwill o iba pang hindi madaling unawaing pagkalugi, na nagreresulta mula sa: (a) paggamit mo ng Mga Serbisyo o kawalan ng kakayahang gamitin ang Mga Serbisyo, (b) iyong access o kawalan ng kakayahang i-access ang Mga Serbisyo, (c) ang pag-uugali o content ng iba pang mga user o mga third party sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, o (d) hindi awtorisadong access, paggamit o pagbabago ng iyong content. Maliban sa lawak na tinukoy kung hindi man sa anumang iba pang naaangkop na terms ng Snap, Snap Inc., o aming mga affiliate, sa anumang kaganapan ay hindi lalampas ang Snap, Snap Inc., o ang pinagsama-samang pananagutan ng aming mga affiliate para sa lahat ng mga paghahabol na may kaugnayan sa Mga Serbisyo sa higit sa (a) €100 EUR, at (b) ang halagang binayaran mo sa Snap sa nakalipas na 12 buwan para sa anumang Mga Serbisyo.

Wala sa Terms na ito (o para sa pag-iwas sa pagdududa sa anumang iba pang terms kung saan napapailalim ka sa paggalang sa probisyon ng Mga Serbisyo ng Snap, Snap Inc., o ng aming mga affiliate) ang dapat magbukod o maglilimita sa pananagutan ng Snap, Snap Inc., o ng aming mga affiliate para sa: (a) kamatayan o personal na pinsalang nagmumula sa kani-kanilang layunin o kapabayaan, (b) pandaraya o mapanlinlang na misrepresentasyon, o (c) anumang iba pang pananagutan hanggang sa ang naturang pananagutan ay hindi maaaring ibukod o limitado bilang usapin ng batas.

KUNG HINDI PINAHIHINTULUTAN NG BATAS NG BANSA KUNG SAAN NA NAKATIRA ANG ANUMANG PAGLILIMITA NG PANANAGUTAN NA NAKASAAD SA TALATANG ITO, HINDI IPATUTUPAD ANG LIMITASYONG IYON.

HIGIT PA, WALA SA TERMS NA ITO ANG MAKAKAAPEKTO SA IYONG MGA LEGAL NA KARAPATAN BILANG CONSUMER.

Sa buod: Nililimitahan namin ang aming pananagutan para sa anumang ginagawa mo, mga pagkakataon kung saan hindi mo ma-access ang Mga Serbisyo, mga bagay na ginagawa ng iba at anumang mga isyung nagreresulta mula sa hindi awtorisadong paggamit ng aming Mga Serbisyo. Kung saan kami ay may pananagutan sa iyo at nakaranas ka ng ilang pagkalugi, nililimitahan namin ang aming pananagutan sa nakatakdang halaga.

20. Resolusyon sa Pagtatalo at Arbitration

Kung mayroon kayong inaalala, mag-usap tayo. Huwag mag-atubiling kumontak muna sa amin at gagawin namin ang aming makakaya upang lutasin ang problema.

Maaaring may mga karagdagang terms ang ilan sa aming Mga Serbisyong naglalaman ng mga probisyon sa resolusyon sa pagtatalong natatangi para sa Serbisyong iyon o sa iyong tinitirahan.

Kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng negosyo (sa halip na para sa personal mong paggamit), nagkakasundo kayo ng Snap Group Limited na hanggang sa saklaw na pinapahintulutan ng batas, lahat ng paghahabol at pagtatalo sa pagitan naming sumusulpot mula sa o nauugnay sa Terms na ito o sa paggamit ng Mga Serbisyo ay maaayos sa wakas sa pamamagitan ng nagbubuklod na arbitration sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Arbitration ng LCIA, na isinasama sa pamamagitan ng sanggunian sa clause na ito. Magkakaroon ng isang arbitrator (na itatalaga ng LCIA), gaganapin ang arbitration sa London, at isasagawa ang arbitration sa wikang Ingles. Kung ayaw mong sumang-ayon sa sugnay na ito, hindi mo dapat gamitin ang Services.

Sa buod: Makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang isusumbong. Ang mga pagtatalo sa mga gumagamit ng negosyo ay aayusin sa pamamagitan ng arbitration.

21. Eksklusibong Hurisdiksyon

Hangga't pinapahintulutan ka o ang Snap ng Terms na itong mag-initiate ng litigasyon sa hukuman, ikaw at ang Snap ay parehong sumasang-ayong lahat ng paghahabol at pagtatalo (sa kontrata man o sa iba pa) na nagmumula sa o kaugnay sa Terms ang o ang paggamit ng Mga Serbisyo ay eksklusibong lilitisin sa mga hukuman ng England sa United Kingdom, maliban kung ipinagbabawal ito ng mga batas ng bansa kung saan ka nakatira. Nagbibigay ka at ang Snap ng pahintulot sa eksklusibong hurisdiksyon ng mga hukumang iyon.

22. Pagpili ng Batas

Pinamamahalaan ng mga batas ng England at Wales ang Terms na ito at anumang paghahabol at pagtatalo (sa kontrata man, tort, o iba pa) na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms na ito o sa paksa nila. Pwedeng hindi ipatupad ng mga korte sa ibang bansa ang mga batas ng England and Wales sa ilang pagtatalo kaugnay ng Terms na ito. Kung nakatira ka sa isa sa mga bansang iyon, pwedeng ilapat ang mga batas ng tinitirhan mong bansa sa mga pagtatalong iyon

23. Kakayahang Mapaghiwalay

Kung ang anumang probisyon ng Terms na ito ay makikitang hindi maipapatupad, ang probisyong iyon ay aalisin mula sa Terms na ito at hindi makakaapekto sa bisa at kakayahang maipatupad ng anumang mga natitirang probisyon.

24. Mga Panghuling Terms

Ang Terms na ito, kasama ang karagdagang terms na binanggit sa Seksyon 3, ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Snap, at pumapalit sa anumang mga naunang kasunduan. Ang Terms na ito ay hindi gumagawa o nagbibigay ng anumang mga karapatan sa mga third party. Kung hindi namin ipinatupad ang isang probisyon sa Terms na ito, hindi ito ituturing na waiver ng aming mga karapatan na ipatupad ang Terms na ito. Inirereserba namin ang aming karapatang ilipat ang mga karapatan sa ilalim ng Terms na ito at maglaan sa Services gamit ang ibang organisasyon, kapag sumusuporta ang organisasyong iyon sa Terms na ito. Hindi ka maaaring maglipat ng anumang mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Terms na ito nang wala ang pahintulot namin. Mananatili sa amin ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinigay sa iyo.

25. Makipag-ugnayan sa Amin

Bukas ang Snap sa mga komento, tanong, concern, o suhestyon. Pwede kang makipag-ugnayan sa amin o kumuha ng support dito.

Kung nakatira ka sa rehiyon ng Asia-Pacific o kung nasa rehiyon ng Asia-Pacific ang pangunahin mong lugar ng negosyo, na para sa mga layunin ng Terms ito ay kasama ang Afghanistan, India, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Pakistan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan, pero hindi kasama ang Armenia, Azerbaijan, Georgia, Russian Federation at Turkey, kung gayon: 

  • ang kumpanyang responsable para sa Mga Serbisyo ay ang Snap Group Limited Singapore Branch at matatagpuan sa Singapore sa #16-03/04, 12 Marina Boulevard, Marina Bay Financial Center Tower 3, Singapore 018982. UEN: T20FC0031F. VAT ID: M90373075A; at

  • anumang mga sanggunian sa "Snap" sa Terms na ito ay nangangahulugang Snap Group Limited Singapore Branch. 

Kung hindi, ang kumpanyang responsable para sa Mga Serbisyo sa labas ng United States at sa rehiyon ng Asia-Pacific ay Snap Group Limited at matatagpuan sa United Kingdom sa 50 Cowcross Street, Level 2, London, EC1M 6AL, United Kingdom. Nakarehistrong numero ng kompanya: 09763672. VAT ID: GB 237218316.