Ang Mga Tuntunin ng Monetization ng Snap na ito ay pumapalit at humahalili sa Mga Tuntunin ng Creator Stories at Mga Tuntunin ng Content Partner ng Snap, epektibo simula Enero 1, 2025, kung dati mo nang tinanggap.
Mga Tuntunin ng Monetization ng Snap
Effective Date: Febrarury 1, 2025
NOTICE SA ARBITRATION: KUNG NAKATIRA KA SA ESTADOS UNIDOS O KUNG SA ESTADOS UNIDOS ANG PANGUNAHIN MONG LUGAR NG NEGOSYO, NAPAPAILALIM KA SA ARBITRATION NA PROBISYON NA ITINAKDA SA SNAP INC. TUNTUNIN NG SERBISYO: MALIBAN SA MGA PARTIKULAR NA URI NG PAGTATALONG BINANGGIT SA SUGNAY NG ARBITRATION NA IYON, IKAW AT ANG SNAP INC. AY SUMASANG-AYON NA ANG MGA PAGTATALO SA PAGITAN NATIN AY MARERESOLBA NG MANDATORY BINDING NA ARBITRATION AYON SA ITINAKDA SA SNAP INC. TUNTUNIN NG SERBISYO, AT IKAW AT SNAP INC. IWALAY ANG ANUMANG KARAPATAN NA MASALI SA ISANG CLASS ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION. MAY KARAPATAN KANG MAG-OPT OUT SA ARBITRATION GAYA NG IPINALIWANAG SA ARBITRATION NA PROBISYON NA IYON.
KUNG GINAGAMIT MO ANG MGA SERBISYO SA NGALAN NG ISANG NEGOSYO AT ANG IYONG PANGUNGAHING LUGAR NG NEGOSYO AY NASA LABAS NG ESTADOS UNIDOS, ANG IYONG NEGOSYO AY TATAKDAHAN NG ARBITRATION NA PROBISYON NA NAKALAGAY SA MGA TUNTUNIN NG SERBISYP NG SNAP GROUP LIMITED.
Welcome! Kami ay nasasabik na ikaw ay interesado sa Programang Monetization ng Snap ("Programa"), na nagbibigay-daan sa mga karapat-dapat na user na tinanggap sa Programa na makatanggap ng mga insentibong pinansyal para sa pagsasagawa ng ilang mga serbisyong saklaw ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito, na tinutukoy namin bilang "Aktibidad sa Kwalipikasyon" at ipinaliliwanag pa sa ibaba. Inihanda namin ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito upang malaman mo ang mga patakarang nalalapat at namamahala sa iyong pagsali sa Programa. Ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay bumubuo ng isang legal na kontrata sa pagitan mo at ng Snap entity na nakalista sa ibaba ("Snap"), kaya't pakibasa nang maigi. Tanging ang mga user na tumatanggap at sumusunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito ang magiging karapat-dapat na sumali sa Programa.
Para sa layunin ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito, ang “Snap” ay nangangahulugang:
Snap Inc., kung nakatira ka o ang iyong pangunahing lugar ng negosyo ay nasa Estados Unidos;
Snap India Camera Private Limited, kung nakatira ka o ang iyong pangunahing lugar ng negosyo ay nasa India;
Snap Group Limited Singapore Branch, kung nakatira ka o ang iyong pangunahing lugar ng negosyo ay nasa rehisyong Asia-Pacific (maliban sa India); o
Snap Group Limited, kung nakatira ka o ang iyong pangunahing lugar ng negosyo ay matatagpuan saanman sa ibang bahagi ng mundo.
Ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay isinama sa pamamagitan ng pagsangguni sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap, Mga Alituntunin ng Komunidad, Mga Alituntunin sa Content para sa Pagiging Karapat-dapat sa Rekomendasyon, Mga Alituntunin sa Musika sa Snapchat, Polisiya sa Monetization ng Creator, Polisiya sa Komersyal na Content, Mga Patakaran sa Promosyon, at anumang iba pang naaangkop na tuntunin, alituntunin, at polisiya, Hangga't may salungatan ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito sa anumang iba pang tuntunin, ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito ang mananaig kaugnay ng iyong pagsali sa Programa. Ang Programa ay bahagi ng "Mga Serbisyo" ng Snap na nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap. Ang lahat ng mga kapitalisadong termino na ginamit ngunit hindi tinukoy sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay magkakaroon ng mga kahulugang itinakda sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap o sa mga naaangkop ng tuntunin na namamahala sa Mga Serbisyo. Anumang account o content na lumalabag sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay hindi magiging karapat-dapat para sa monetization.
Kung nagbigay kami ng mga buod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, ginawa namin ito para sa iyong kaginhawaan lamang. Dapat mong basahin nang buo ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito upang maunawaan ang iyong mga legal na karapatan at obligasyon.
Ang Programa ay bukas lamang sa pamamagitan ng imbitasyon. Upang maging karapat-dapat para sa imbitasyon, dapat mong matugunan ang mga sumusunod na minimum na kinakailangan sa pagiging kawalipikado ("Minimum na Kwalipikasyon"):
Dapat kang nakatira (kung ikaw ay isang indibidwal), o magkaroon ng iyong pangunahing lugar ng negosyo (kung ikaw ay isang entidad) sa isang Karapat-dapat na Rehiyon. Ang mga bayad ay magagamit lamang sa mga limitadong rehiyon na nakalista sa mga Gabay sa Bayad ng Crystals (ang "Mga Karapat-dapat na Rehiyon"). Maaari naming baguhin ang listahan ng mga Karapat-dapat na Rehiyon ayon sa aming pagpapasya.
Kung ikaw ay isang indibidwal, dapat hindi bababa ang iyong edad sa legal na mayorya sa iyong hurisdiksyon (o, kung naaangkop, hindi bababa sa 16 na taong gulang na may pahintulot ng magulang). Kung ang pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga ay kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas, maaari ka lamang makilahok sa Programa sa ilalim ng pangangasiwa ng iyong magulang/legal na tagapag-alaga, na dapat ding sumang-ayon na sumunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Ipinapahayag at ginagarantiya mo na nakuha mo ang lahat ng ganitong pahintulot (kasama ang pahintulot ng dalawang magulang, kung kinakailangan sa iyong hurisdiksyon).
Kung ikaw ay kumikilos sa ngalan ng isang entidad, dapat hindi bababa sa 18 taong gulang ang iyong edad (o ang legal na edad ng mayorya sa isang estado, lalawigan, o bansa) at mayroon kang kapangyarihang magpataw sa nasabing entidad. Ang lahat ng mga sanggunian sa "ikaw" at "iyong" sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay nangangahulugang ikaw bilang end user at ang nasabing entidad.
Kinakailangan mong ibigay sa Snap, at sa awtorisadong third-party na tagapagbigay ng bayad nito ("Tagapagbigay ng Bayad"), ang tumpak at napapanahong Contact Information (na tinutukoy sa ibaba), kasama ng anumang iba pang impormasyon na maaaring kailanganin upang makapagbayad sa ito.
Dapat mong kumpletuhin ang lahat ng kinakailangan upang makapag-set up ng wastong account sa pagbabayad ("Account sa pagbabayad") sa aming Tagapagbigay ng Bayad.
Dapat laging aktibo, nasa maayos na katayuan (tinutukoy namin), at sumusunod sa Mga Tuntunin sa Monetization ang iyong Snapchat account at Account sa Pagbabayad sa lahat ng oras.
Ikaw (o ang iyong magulang/tagapag-alaga, kung naaangkop) ay dapat pumasa sa review sa pagsunod ng Snap at ng aming Tagapagbigay ng Bayad.
Ikaw ay hindi (i) isang empleyado, opisyal, o direktor ng Snap o ng mga magulang nito, mga subsidiary, o mga kaakibat na kumpanya; o (ii) isang ahensya ng gobyerno, o kasapi ng isang royal na pamilya.
Inilalaan namin ang karapatan na mag-request ng anumang impormasyon na kailangan upang patunayan na ikaw ay nakakatugon sa mga kinakailangan na Minimum na Kwalipikasyon. Ang pagtugon sa mga Minimum na Kwalipikasyon na kinakailangan ay hindi naggarantiya ng imbitasyon sa iyo, o ang iyong patuloy na pakikilahok sa programa. Inilalaan namin ang karapatan na tanggalin ang sinumang user mula sa Programa ng Monetization sa anumang oras at sa anumang kadahilanan.
Sa Kabuuan: Ang Programa ay para lamang sa mga imibitado. Dapat mong matugunan ang ilang minimum na kinakailangan upang maging karapat-dapat para sa imbitasyon sa Programa. Kabilang dito ang edad, lokasyon, pahintulot ng magulang, at ilang tiyak na kinakailangan ng account. Ang pagtugon sa mga kinakailangang ito ay hindi naggarantiya ng imbitasyon sa Programa. Kailangan mong magbigay sa amin ng tumpak at napapanahong impormasyon, pati na rin ang pagsunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito sa lahat ng oras.
Kapag natugunan mo ang mga kinakailangan na Minimum Eligibility at inimbitahan sa Programa, maaaring gantimpalaan ka ng Snap sa pamamagitan ng pagbabayad para sa pagganap ng mga serbisyong inilarawan dito ("Qualifying Activity"). Ang kahit anong pagpabayad ("Pagpabayad") ay maaaring mapondohan ng Snap o mula sa bahagi ng mga nalikom na natatanggap namin mula sa mga advertisement na ibinabahagi kaugnay sa Mga Serbisyo.
Maaaring kabilang sa Qualifying Acticity ang:
Pagpo-post ng Public Content kung saan kami namamahagi ng mga advertisement; o
Pakikilahok sa anumang iba pang aktibidad na itinalaga namin bilang Qualifying Activity, na sasailalim sa iyong pagtanggap ng anumang karagdagang mga tuntunin na maaari naming hingin (na isasama sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito).
Ang Qualifying Activity ay matutukoy ng Snap ayon sa sariling pagpapasya nito. Ang Public Content ay magkakaroon ng kahulugang itinakda sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap. Bukod dito, upang maging karapat-dapat ang content na iyong ipo-post sa Mga Serbisyo para sa algorithmic recommendation, kailangang sumunod ito sa aming Mga Alituntunin sa Content para sa Recommendation Eligibility. Maaari naming i-review ang iyong account at content para sa pagsunod sa aming mga tuntunin at parakaran. Para sa kaliwanagan, magkakaroon ng karapatan ang Snap, ngunit hindi obligasyon, na ipamahagi ang content na ipo-post mo sa Snapchat alinsunid sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap. Maaari mong burahin ang iyong mga Snaps anumang oras.
Sa Kabuuan: Maaari ka naming gantimpalaan sa pamamagitan ng pagbabayad sa iyo para sa pakikilahok sa ilang mga aktibidad. Ang mga karapatang ipinagkaloob mo sa amin, at ang iyong mga obligasyon, tungkol sa Public Content na iyong ipo-post ay nakasaad sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at Mga Alituntunin sa Content para sa Recommendation Eligibility. Ang iyong mga aktibidad, account, at ang content na iyong ipo-post ay kailangang palaging sumusunod sa aming mga tuntunin, patakatan, at alituntunin. Maaari naming i-check ang iyong account at ang content na iyong ipo-post upang matukoy kung sumusunod ang mga ito. Wala kaming obligasyon na ipamahagi ang content na ipo-post mo sa Snapchat, at maaari mong burahin ang naturang content anumang oras.
Pagsubaybay sa Aktibidad sa Kwalipikasyon. Sinusubaybayan namin ang iyong Aktibidad sa Kwalipikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng "Crystals", na isang panloob na yunit ng pagsukat na ginagamit upang subaybayan ang Aktibidad sa Kwalipikasyon ng isang Creator sa loob ng isang itinakdang panahon. Posibleng mag-iba-iba ang bilang ng Crystals na sinusubaybayan at nire-record namin para sa Aktibidad sa Kwalipikasyon, depende sa aming internal na pamantayan at mga formula, na puwede naming baguhin paminsan-minsan batay sa sarili naming pagpapasya. Maaari mong tingnan ang tinatayang bilang ng Crystals na na-record namin para sa Aktibidad sa Kwalipikasyon mo sa pamamagitan ng pagpunta sa iyong user profile sa application ng Snapchat. Pakitandaang ang anumang mga naturang bilang na nakikita sa pamamagitan ng iyong user profile ay mga paunang pagtatantyang kinakalkula para sa aming internal na mga layunin sa accounting.
Para sa kaliwanagan, ang Crystals ay isang pabloob na tool sa pagsukat na ginagamit lamang namin. Ang Crystals ay hindi naglalayong magbigay o magpahiwatig ng anumang mga karapatan o magrepresenta ng anumang mga obligasyon, hindi bumubuo ng pag-aari, hindi naililipat o naitatalaga, at hindi maaaring bilhin o gawing subject ng bentahan, barter, o palitan.
Ang mga halaga ng bayad para sa Aktibidad sa Kwalipikasyon ay tutukuyin namin batay sa huling bilang ng Crystals na naitala namin para sa nasabing Aktibidad sa Kwalipikasyon, alinsunod sa aming sariling pormula sa pagbabayad. Ang aming pormula sa pagbabayad ay maaaring baguhin paminsan-minsan at nakabatay sa iba't ibang salik, kabilang ang dalas at oras ng iyong mga post, ang bilang ng mga advertisement na kasama sa iyong content, at ang pakikipag-ugnayan ng mga user sa naturang content. Ang anumang halaga ng pagbabayad na ipinapakita sa Snapchat application ay mga tinantyang halaga at maaaring magbago. Magre-reflect ang mga huling halaga ng anumang pagbabayad sa Account mo sa Pagbabayad.
Pag-request ng Bayad Kapag nakapag-record kami ng sapat na Crystals para sa iyong Aktibidad sa Kwalipikasyon upang maabot ang minimum na threshold ng bayad na $100 USD, maaari kang mag-request ng bayad sa pamamagitan ng pagpili ng kaukulang opsyon sa iyong user profile. Ang bayad ay ipapamahagi sa iyong Account ng Pagbabayad, hangga't pinapahintulutan ng batas at nakasalalay sa iyong pagsunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito.
PAKITANDAAN: KUNG (A) WALA KAMING NA-RECORD NA ANUMANG CRYSTALS PARA SA ANUMANG AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON MO SA LOOB NG ISANG TAON, O (B) HINDI KA NAGKAROON NG WASTONG REQUEST PARA SA BAYAD AYON SA AGAD NA NAUNANG TALATA SA LOOB NG DALAWANG TAON, PAGKATAPOS — SA KATAPUSAN NG NAAANGKOP NA PANAHON — IBIBIGAY NAMIN ANG PAGBABAYAD SA IYONG ACCOUNT SA PAGBABAYAD BATAY SA ANUMANG CRYSTALS NA NA-RECORD AT NAIUGNAY SA AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON MO SA PAGTATAPOS NG NATURANG PANAHON AY SASAILALIM SA IYONG PAGSUNOD SA MGA TUNTUNIN NG MONETIZATION NA ITO. KUNG, SA KATAPUSAN NG ANGKOP NA PANAHON, HINDI MO NATUGUNAN ANG ANUMANG KINAKAILANGAN NA NAKASAAD SA MGA TUNTUNIN NG MONETIZATION NA ITO, HINDI KA KARAPAT-DAPAT NA MAKATANGGAP NG ANUMANG BAYAD NA KAUGNAY SA NASABING AKTIBIDAD SA KWALIPIKASYON.
Maaaring gawin ang mga bayad sa iyo sa ngalan ng Snap, mga subsidiary o kaakibat na etidad nito, o aming Mga Tagapagbigay ng Bayad, na maaaring kumilos bilang tagapagbayad sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Walang pananagutan ang Snap para sa anumang pagkaantala, pagkabigo, o kawalan ng kakayahang maglipat ng Mga Pagbabayad sa iyong Account sa Pagbabayad batay sa anumang dahilang wala sa control ng Snap, kasama ang pagkabigo mong makasunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Walang pananagutan ang Snap kung may ibang tao maliban sa iyo na mag-request ng Bayad gamit ang iyong Snapchat account o naglipat ng iyong mga Bayad gamit ang impormasyon ng iyong Account sa Pagbabayad. Ibibigay ang pagbabayad sa dolyar ng United States, pero pwede mong piliing i-withdraw ang mga pondo mula sa iyong Account sa Pagbabayad sa lokal na pera mo, na papatawan ng mga singilin sa paggamit, palitan, at transaksyon, gaya ng inilalarawan pa sa Mga Gabay sa Mga Payout ng Crystals, at sumasailalim sa tuntunin ng aming Tagapagbigay ng Bayad. Walang pananagutan ang Snap para sa anumang hindi na-claim na pondo sa loob ng iyong Account sa Pagbabayad.
Dagdag pa sa aming ibang mga karapatan at remedyo, maaari naming, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, i-withhold, i-offset, i-adjust, o alisin, nang hindi nagbibigay ng babala o paunang abiso, ang anumang bayad sa iyo sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito dahil sa hinihinalang Invalid Activity (na nakasaad sa ibaba), hindi pagsunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, anumang sobrang bayad na nagkamaling naibigay sa iyo, o para i-offset ang anumang halaga para sa anumang fee na kailangan mong bayaran sa amin sa ilalim ng anupamang kasunduan.
Sa Kabuuan: Ginagamit namin ang Crystals upang subaybayan ang iyong Aktibidad sa Kwalipikasyon at kalkulahin ang halaga ng anumang Bayad. Mayroon kaming minimum na threshold ng Bayad na $100 USD. Kapag naabot mo ang threshold, maaari kang mag-request ng bayad mula sa amin. Kung, pagkatapos ng takdang panahon, hindi mo ito nagawa, susubukan naming ipamahagi ang bayad sa iyo basta't sumusunod ka sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Kapag hindi ka sumusunod, hindi ka magiging karapat-dapat tumanggap ng bayad at ang anumang naaangkop na Crystals ay mawawalan ng bisa. Wala kaming pananagutan sa iyo para sa anumang isyu sa pagbabayad na nangyari sa labas ng aming kontrol. Maaari naming ipagliban o bawasan ang Bayad sa iyo kung lalabag ka sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito o sa anumang iba pang kasunduan sa amin.
Sumasang-ayon ka at kinikilala mo na mayroon kang tanging responsibilidad at pananagutan para sa anuman at ang lahat ng buwis, tungkulin, o bayarin na nauugnay sa anumang bayad na maaari mong matanggap alinsunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Kasama sa Mga Bayad ang anumang naaangkop na buwis sa pagbebenta, paggamit, excise, value added, goods at services o katulad na buwis na maibabayad sa iyo. Kung, sa ilalim ng naaangkop na batas, kinakailangang ibawas o i-withhold ang mga buwis mula sa anumang Mga Bayad sa iyo, pagkatapos ay puwedeng ibawas ng Snap, ng affiliate, o Tagapagbigay ng Bayad ang mga nasabing buwis mula sa halagang dapat ibigay sa iyo at ibayad ang mga nasabing buwis sa naaangkop na awtoridad sa pagbubuwis ayon sa kinakailangan ng naaangkop na batas. Sumasang-ayon ka at kinikilala mo na ang Pagbabayad sa iyo bilang nabawasan ng mga nasabing pagbabawas o pag-iingat ay magbubuo ng buong pagbabayad at pag-areglo sa iyo ng mga halagang babayaran sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Bilang bahagi ng pag-set ng isang wastong Account sa Pagbabayad, magbibigay ka sa Snap, mga subsidiary nito, mga kaanib, at anumang Tagapagbigay ng Bayad ng anumang mga form o dokumento na maaaring kailanganin upang matugunan ang anumang obligasyon sa pag-uulat ng impormasyon o pag-withhold ng buwis sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito.
Sa Kabuuan: Ikaw ang responsable para sa lahat ng buwis, tungkulin, o bayarin na may kaugnayan sa iyong mga Bayad. Maaari kaming gumawa ng mga pagbabawas na kinakailangan ng naaangkop na batas. Magbibigay ka ng anumang mga form o dokumento na kinakailangan para sa mga layuning ito.
Gaya ng nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap, ang Mga Serbisyo ay maaaring maglaman ng mga advertisement. Kaugnay ng iyong pagsali sa Programa, sumasang-ayon ka na inuutusan mo kami, ang aming mga kaanib, at mga third-party na kasosyo na ipamahagi ang mga advertisement kaugnay ng Pampublikong Content na ipo-post mo sa aming sariling pagpapasya. Sumasang-ayon ka para mapadali ang pamamahagi ng mga nasabing advertisement sa pamamagitan ng pagsang-ayon at pagsunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito at patuloy na magbigay sa Snap ng access sa anumang Pampublikong Content na isinumite mo bilang bahagi ng Programang sumasailalim sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito. Tutukuyin namin ang lahat ng aspeto ng mga advertisement na ipinamamahagi sa Mga Serbisyo, kung mayroon man, kasama ang uri, format, at dalas ng mga advertisement na ipinamimigay kaugnay sa anumang Pampublikong Content na isinusumite mo bilang bahagi ng Programa sa aming sariling pagpapasya. Nakalaan din sa amin ang karapatan, ayon sa aming pagpapasya, na hindi magpakita ng mga advertisement sa, sa loob, o kasabay ng anumang Pampublikong Content na iyong ipo-post para sa anumang dahilan. Kung nakatira ka sa labas ng Estados Unidos, ikaw (at sinumang collaborator, contributor, or administrator na nagpo-post mula sa iyong account) ay dapat pisikal na nasa labas ng Estados Unidos at nasa loob ng Isang Karapat-dapat na Rehiyon kapag gumaganap ng anumang serbisyo at pinadadali ang pamamahagi ng mga advertisement na may kaugnayan sa iyong Aktibidad sa Kwalipikasyon.
Sa Kabuuan: Hinihiling mo sa amin na ipamahagi ang mga advertisement sa content na ipo-post mo sa Snapchat kaugnay ng Programa. Kami ang nagdedesisyon kung aling mga pag-a-advertise ang ipamamahagi o hindi ipamamahagi sa content. Kung nakatira ka sa labas ng Estados Unidos, mahalaga ang iyong pisikal na lokasyon kapag isinasagawa ang Aktibidad sa Kwalipikasyon.
Para maiwasan ang pagdududa, kaugnay ng anumang reklamo, kaso, pag-claim, pinsala, pagkalugi, gastos, pananagutan, at bayarin (kabilang ang bayad sa abogado) (Mga Pag-claim") na may kinalaman sa content na ipo-post mo sa Snapchat (nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Snap), sumasang-ayon ka, hangga't pinapahintulutan ng batas, na pananagutin, ipagtanggol, at protektahan ang Snap, ang aming mga kaanib, direktor, opisyal, stockholder, empleyado, tagapaglisensya, at ahente mula sa at laban sa anumang at lahat ng mga Claims dahil sa, o nagmumula sa, o may kaugnayan sa anumang Pag-claim na hindi mo nabayaran ang anumang halagang dapat o magiging bayarin sa anumang mga union, guild (kabilang ngunit hindi limitado sa, royalties, residuals, at mga bayarin sa muling paggamit), mga supplier, musikero, komposer (kabilang, ngunit hindi limitado sa, mga bayarin sa sync license), mga public performance society at organisasyon ng karapatang pampagganap (hal., ASCAP, BMI, SACEM, at SESAC), mga aktor, empleyado, independent contractor, service provider, at anumang iba pang may hawak ng karapatan na may kaugnayan sa pamamahagi ng content na ipo-post mo sa Mga Serbisyo.
Sa Kabuuan: Ikaw ang responsable sa pagbabayad ng anumang utang sa iba kaugnay ng content na ipo-post mo. Kung hindi mo ito nagawa at nagdulot ito ng pinsala sa amin, babayarin mo kami bilang kompensasyon.
Sa pagtukoy kung ang isang aktibidad ay itinuturing na Aktibidad sa Kwalipikasyon o ang halaga ng anumang Bayad, maaari naming alisin ang aktibidad na artipisyal na nagpapataas ng bilang ng mga view (o iba pang sukatan ng viewership o pakikipag-ugnayan) ng content na ipo-post mo ("Hindi Wastong Aktibidad"). Ang Hindi Wastong Aktibidad ay tutukuyin ng Snap ayon sa sariling pagpapasya nito, at kasama rito ang spam, mga pag-click, mga query, mga sagot, mga like, mga favorite, mga follow, mga subscription, mga impression, o anumang iba pang sukatan ng pakikipag-ugnayan:
na-generate ng sinumang tao, click farm, o katulad na serbisyo, bot automated program o katulad na device, kabilang ang anumang mga pag-click, impression, o iba pang aktibidad na nagmumula sa iyong mobile device, mga mobile device na nasa iyong kontrol, o mga mobile device na may mga bagong o kahina-hinalanh account;
na-generate sa pamamagitan ng pagbabayad ng pera o iba pang pang-akit sa mga third party, maling representasyon, o alok na ipagpalit ang mga view;
na-generate sa pamamagitan ng aktibidad na lumalabag sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito; at
pinagsama sa alinman sa mga aktibidad na nakalista sa itaas.
Sa Kabuuan: Kung artipisyal mong pinapataas ang views at mga sukatan sa content na ipo-post mo sa anumang paraan, hindi ka magiging karapat-dapat para sa pagbabayad.
Dapat kang manatiling sumusunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito upang makasali sa Programa. Kung hindi ka sumusunod sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, hindi ka na maaaring sumali sa Programa, at nakalaan sa amin ang karapatang suspindihin o tuluyang bawiin ang iyong access sa Mga Serbisyo, kasama ng anumang iba pang aksyon na itinututing naming angkop. Hangga't pinapahintulutan ng batas, nakalaan din sa amin ang karapatang ipitin (at sumang-ayon ka na hindi ka magiging karapat-dapat tumanggap) ang anumang bayad sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito dahil sa hindi pagsunod. Kung sa anumang oras ay hindi ka sumasang-ayon sa anumang bahagi ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito, dapat mong itigil kaagad ang paggamit ng mga kaukulang Serbisyo.
Nakalaan sa amin ang karapatang ihinto, baguhin, huwag ialok, o ihinto ang pag-alok o pagsuporta sa Programa o anuman sa Mga Serbisyo sa anumang oras at para sa anumang kadahilanan, sa aming sariling pagpapasya, nang walang paunang notice o pananagutan sa iyo, sa maximum na saklaw na pinapahintulutan ng mga naaangkop na batas. Hindi namin ginagarantiyahang ang anuman sa nauuna ay available sa lahat ng oras o sa anumang ibinigay na oras, o na magpapatuloy kaming mag-alok ng anuman sa nauuna para sa anumang partikular na haba ng panahon. Hindi ka inirerekomendang umasa sa patuloy na availability ng Programa o anuman sa Mga Serbisyo para sa anumang kadahilanan.
Sa Kabuuan: Maaari naming limitahan o tapusin ang iyong paglahok sa Programa o baguhin, suspindihin, o tapusin ang Programa anumang oras, para sa anumang kadahilanan.
Ikaw at ang Snap (para sa layunin ng seksyong ito, ang "Mga Partido") ay sumasang-ayon na sumunod, at kailanganin na ang sinumang kumikilos sa ngalan ng Mga Partido ay sumunod sa lahat ng naaangkop na batas, patalaran, at regulasyon ukol sa anti-korapsyon. Ang pagsunod na ito ay kabilang, sa ibang bagay, ang sumusunod: ang mga Partido at sinumang kumikilos sa kanilang ngalan ay hindi magbibigay, mangako na magbigay, mag-aalok, sumang-ayon na magbigay, o mag-authorize ng tuwiran o di-tuwirang pagbibigay ng pera o anumang bagay na may halaga sa sinuman upang hikayatin o gantimpalaan ang kanais-nais na aksyon, pag-iwas sa aksyon, o paggamit ng impluwensya. Hindi alintana ang anumang ibang probisyon ng Mga Tuntunin sa Monetization na ito, ang hindi lumabag na partido ay maaaring wakasan ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito sa pamamagitan ng paunawa kung ang kabilang partido ay lumabag sa probisyong ito.
Sumasang-ayon ang mga Partido na ang kanilang pagganap sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay susunod sa lahat ng naaangkop na ekonomiyang parusa, mga batas sa kontrol ng export, at mga batas laban sa boycott. Ipinapahayag at ginagarantiya ng mga Partido na (1) wala sa alinmang partido (o anumang magulang, subsidiary, o kaakibat na kasangkot sa pagsasagawa ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito) ang kasama sa anumang listahan ng mga pinaghihigpitang partido na pinananatili ng anumang kaugnay na awtoridad ng gobyerno, kabilang ang halimbawa ang U.S. Specially Designated Nationals List at Foreign Sanctions Evaders List na pinamamahalaan ng U.S. Treasury's Office of Foreign Assets Control at ang Denied Parties List, Unverified List, at Entity List na pinananatili ng U.S. Bureau of Industry and Security ("Restricted Party Lists"), at (2) ang ganitong partido ay hindi pagmamay-ari o kinokontrol ng sinuman na nasa Restricted Party List. Sa pagsasagawa ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito, ang nasabing partido ay hindi makikipagnegosyo o magbibigay ng mga kalakal o serbisyo, tuwiran o di-tuwiran, sa sinuman na nasa Restricted Party Lists o sa anumang bansa na ipinagbabawal ang kalakalan sa ilalim ng anumang naaangkop ng parusa. Sumasang-ayon ka na hindi kinakailangan ang Snap na kumilos o umiwas sa pagkilos kaugnay ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito kung ang ganitong pagkilos o pag-iwas ay lalabag sa mga batas ng anumang naaangkop na hurisdiksyon.
Hindi ka magiging karapat-dapat para sa Pagbabayad kung ikaw (o ang iyong magulang/legal na tagapag-alaga o negosyo, kung naaangkop) ay hindi pumasa sa aming pag-review sa pagsunod, o pag-review ng Tagapagbigay ng Bayad. Ang ganitong review ay maaaring kabilang, ngunit hindi limitado sa, isang pag-check upang matukoy kung ikaw ay nakalista sa anumang Restricted Party List na pinananatili ng anumang kaugnay na awtoridad ng gobyerno. Bilang karagdagan sa anumang iba pang paggamit na inilarawan sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, ang impormasyong ibinibigay mo sa amin ay maaaring ibahagi sa mga third party para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, magsagawa ng aming review sa compliance, at kumpletuhin ang proseso ng pagbabayad.
Sa Kabuuan: Pareho kayo at ang Snap ay susunod sa mga naaangkop na batas laban sa korapsyon, mga parusang pang-ekonomiya, mga batas sa kontrol ng pag-export, at mga batas laban sa boycott, tulad ng nakasaad sa itaas. Upang maging karapat-dapat na makatanggap ng bayad, kailangan mong pumasa sa review ng pagsunod.
Kung bibigyan mo ang ibang mga user ng Mga Serbisyo ng access upang mag-post ng content sa iyong Snapchat user account o lumikha at mamahala ng mga sub-account sa ilalim ng iyong Snapchat user account, kinikilala at sumasang-ayon ka na ang pagtatakda at pagbawi ng mga antas ng access para sa iyong account ay tanging iyong responsibilidad. Ikaw ang responsable para sa lahat ng content at aktibidad na nagaganap sa iyong account, kabilang ang anumang aktibidad ng mga administrator, collaborator, at mga contributor. Maaaring kailanganin naming i-update ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito paminsan-minsan. Kung materyal ang mga pagbabagong iyon sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, bibigyan ka namin ng makatwirang paunang abiso (maliban kung kinakailangan ang mga pagbabago nang mas maaga, halimbawa, bilang resulta ng pagbabago sa mga legal na kinakailangan o kung saan naglulunsad kami ng bagong Services o features). Kung patuloy kang sasali sa Programa sa sandaling magkabisa ang mga pagbabago, ituturing namin iyon bilang iyong pagtanggap. Kung sa anumang oras ay hindi ka sumasang-ayon sa anumang mga pagbabago sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, dapat mong itigil ang iyong pagsali sa Programa. Ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay hindi gumagawa o nagbibigay sa anumang third-party ng mga beneficiary na karapatan. Wala sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito ang ipapakahulugan para magpahiwatig ng joint-venture, pangunahing ahente, ugnayan sa trabaho sa pagitan mo at ng Snap o mga affiliate ng Snap. Kung hindi kami magpapatupad ng probisyon sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, hindi ito ituturing na waiver. Mananatili sa amin ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinigay sa iyo. Isinulat ang Mga Tuntunin ng Monetization sa English at hanggang sa sumalungat ang nakasaling bersyon ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito ng Mga Tuntunin ng Monetization sa English na bersyon, ang English na bersyon ang masusunod. Kung ang anumang probisyon ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay makikitang hindi maipapatupad, ang probisyong iyon ay aalisin mula sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito at hindi makakaapekto sa bisa at kakayahang maipatupad ng anumang mga natitirang probisyon. Ang Seksyon 6, 9, at 10 ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito, at anumang mga probisyon na sa kanilang likas na katangian ay nakalaan na magpatuloy, at magpapatuloy kahit matapos ang pag-expire o pagwawakas ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito.
Sa Kabuuan: Ikaw ang responsable para sa lahat ng aktibidad na nagaganap sa iyong account. Dapat mong suriin ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito dahil maaari naming i-update ang mga ito. Ang Mga Tuntunin ng Monetization na ito ay hindi lumilikha ng anumang uri ng ugnayang pang-empleyado sa pagitan natin. Ang bersyon ng English ng Mga Tuntunin ng Monetization na ito ang mananaig at ang ilang mga probisyon ay mananatiling epektibo, kahit na matapos silang mag-expire o magwakas.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Mga Tuntunin ng Monetization na ito, makipag-ugnayan sa amin.